[Nhelandrie's POV]
I can't be wrong... but I don't understand. Ba't ang bigat sa pakiramdam? I want to ask her, but I know that she would easily deny the fact.
"Report to the office later," bilin niya at tumalikod nang hindi hinihintay ang sagot ko.
Nakatayo lang ako habang pinapanood siya kasama ang ibang officers na pumasok sa main building.
Klare Villegas, the humanoid robot. I looked down and forcely chuckle. There's a part of me that wants to be closer to her... not as a slave, but more than that.
Gusto kong bumawi sa mga kasalanan ko na kahit siya man lang... si Vice man lang ay magawa kong pasiyahin at protektahan. She helped me realized some things and she's the only person who have seen my worth. I have decided... I want to make her happy.
"Andrie!" Napalingon ako nung may tumawag sa nickname ko. Nagulat ako nung makitang si Mexie iyun. Damn, nakalimutan ko na lilipat pala siya dito.
My Dad must have recommend this school to her Father. Sana habang mas maaga pa ay marealize niya kung gaano ka-weird ang paaralang 'to.
"M-mex."
"This school is pretty cool. The students I mean. You know what i'm talking about right?" Pinilit kong gumawa ng masayang ekspresyon at tumango.
"Ano section mo pala at saan classroom mo? Nakakalito, sobrang laki ng school." Namamangha niyang inilibot ang tingin habang naglalakad kami
"Section E, House of Elgres." Tipid kong sagot.
"Woah. Nakuha ko na yung section ko at nasa section C ako. Nasan ba yung House of Anler? Ganda naman ng mga names ng building." Nakasunod lang ito sa paglalakad ko habang tuwang-tuwa siya sa pagtingin sa papel na kanyang hawak.
"Hahatid kita sa classroom mo. I heard from Prince na yung mga houses ay nakabase sa surnames ng mga founder ng school and also presents some animals based on the founders' personification."
"Kay Founder? Galing naman, makikita mo talagang matalino siya nu?" Hindi ako umangal. Madami nga akong natutunan mula kay Prince.
I could even tell na dito talaga siya nag-aral mula first year. I'm actually wondering kung nasa classroom na ba siya.
"Anong mga personification?"
"House of Elgres, personification of eagle. Beth Elgres never smiles, she never get tired of hunting down her prey and she's the most powerful. House of Mallino, personification of praying mantis. Reagan Mallino is a silent killer, always accomplish anything and leaves with zero evidence. House of Anler, personification of Ant. Rhea Anler is an obedient woman, secretive and best in spying around. House of Dolson, personification of Dolphin. Joseph Dolson is the most wisest, he always pay attention to even the smallest detail and could easily figure out any life problems with the best solution."
The Founders of Keyyato Private Academy. I'm wondering kung sino sa apat ang ancestor ni Vice.
"Ang galing galing." Pinalakpakan niya ako at di ko naman maiwasang ngumiti dahil sa excitement and kabibohan niya.
"Sasabay ba tayong maglu-lunch mamaya?"
"S-sure," nahihiya akong hindi humindi. Dapat dobleng ingat ako sa mga galaw ko, lalo na't baka spy siya at isusumbong ako kay Mom at Dad.
"Ito na yung classroom mo. Natatandaan mo naman siguro yung way palabas?" Tumango siya na parang bata bago kumaway at pumasok na sa classroom niya.
Putcha naman! Ba't ba kasi siya lumipat dito? Nakasimangot akong tumabi kay Prince nung maabutan ko siya sa classroom na naka-upo. As usual, early bird pa rin.
"Aga-aga nakasimangot. Anyare?"
"Si Mexie lumipat dito," pabulong na sagot ko habang nakasubsob ang mukha ko sa desk.
"Ah, yung babaeng kausap mo sa bar kahapon?" Tumango ako.
"Bakit? Ayaw mo nun, hindi lang ako ang kaibigan mo."
"She's not a friend, she's my neighbor. I'm worried na baka panay sumbong niya sa parents ko sa bawat galaw ko dito."
"Bakit? Takot ka ba sa parents mo?" Napatawa ako sa tanong niya bago sumandal sa inuupuan ko.
"That's a silly thing to say. I'm only worried na baka sasabihin nila na walang epek yung pagiging slave ko at baka ilipat pa ako ng mga yun." Parang bata akong ngumuso.
"Ayaw mo nun? Di mo na kailangang magtiis pa rito."
Natigilan ako nung marealize ko ang mga salitang binitawan ko. Ayokong lumipat ng school... Tangina, ako ba 'to? Napasalubong ang kilay ko nung alam ko na kung bakit... it's because of Vice.
Something is pushing me to be closer to her, get to know her more and make her open up some things to me. That's why I need to behave as much as possible.
"By the way, ano pala ang reaksyon ni Vice President nung makita niya ang mga sugat mo kahapon?"
"S-sinermunan ako at pinatulog sa salas nang nakahubad," pagsisinungaling ko pero di naman yun nahalata ni Prince at tumawa pa ito nang malakas. Mabuti na lang at hindi kami pinansin ng mga classmates namin.
"Teka, patingin nga." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ng mabuti ang buong mukha ko, "asan na ang mga pasa mo?"
"Nilagyan ko ng concealer. Buti na lang at hindi nakita ni Mex."
"Nagpapatawa ka ba, dre? Kahit hindi niya makita ang pasa mo ay nasaksihan ng mga nasa skating ground kung paano mo sila bugbugin kahapon."
Oo nga... baka nasumbong na ako nang isang 'yun kina Mom, but of course kung paprangkahin ako ng parents ko, I will make a stand na hindi ako ang nauna.
.
"... You mean mabigat sila magbigay ng parusa?" Tanong ni Mexie kay Prince. Madami talaga siyang baon na mga tanong at mabuti na lang at nasasagot naman ni Prince. Prince obviously likes question.
"Parang ganun na nga. May binigay silang copy ng rules at regulations sayo diba?" Nakakamot sa ulong nilabas niya ang papel na binigay sa kanya ng Dean at parang kumislap ang mata niya nung mabasa ang mga rules at regulations.
"Student Council Officers? Exciting naman ng school. Sa tingin niyo ba, kaya kong tumakbo bilang President? o di kaya kahit Auditor? Pwede ring Muse. Ano sa tingin niyo?" Nagkatinginan kami ni Prince. Wala talaga siyang kamalay-malay kung paano tumakbo ang school na 'to.
VOTE PLEASE!
BINABASA MO ANG
Crossroads [SC SERIES #1]
Teen Fiction[COMPLETED] STUDENT COUNCIL SERIES BOOK ONE Nhelandrie Aguilar was forcely transferred to a particular academy where rules live, a place of torture for someone who is impatient as him. After breaking the Smith's rule on his first day there, it leade...