Kabanata 10: Kapitbahay sa Kalye

32 7 1
                                    

[Nhelandrie's POV]

Hindi pwede. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. I don't know why the Officers needed to hide it from us but I have a feeling that they have a deep reason.

"Except na founders ng school ang mga ancestors nila, ano pa ang koneksyon nila sa isa't isa? I mean, magkarelated ba sila?" Naalala ko na sinabi ni President na magbest friend sila ni Vice. I can't also say na best friend din ni Vice sina Treasurer at Secretary.

"Ang dinig ko ay magkasosyo sa negosyo ang mga pamilya nila, though di ko alam kung anong klaseng negosyo. Yung mga Officers kasi ay sa school lang namin na kikita. Never sila namin nakikita by accident sa public places, kahit sa mall o sa park."

Ano pa kaya ang ibang bagay na tinatago ng mga Student Council Officers?

"What if sa bloodline ng President ay may kambal, hahatiin ba nila yung posisyon na yun?" That questions keeps running in my mind these days. I'm curious to know about the possibilities running around the Student Council Officers.

"Kinwento ng lecturer namin noon na nung 2006, ay may magkambal na babae daw na dapat hahalili sa posisyon ng Tita nila bilang Treasurer." Seryoso akong nakikinig sa kanya; full of curiosity and my bones are thrilled.

"Kaya nga lang, dapat isa lang ang uupo sa posisyon na iyun which result for them to play the Blood for Duty. Parang gladiatorial game na katulad nung sa sinaunang panahon sa Rome. One must die and the other that will survive will seat as the next Treasurer."

"You mean... magpapatayan sila?" Tanong ko sabay lunok.

"Yeah. Sa Soccer Field nga ginanap, sinabi sa akin ng pinsan ko na nawitness niya talaga kung paano sila magpatayan, but the Blood for Duty noong 2006 ay hindi maganda ang kinahihitnatnan ng laban. Parehos silang nabawian ng buhay. Yung isang kambal sana ay nanalo, yun nga lang dead on arrival sa hospital." Napakunot naman ang noo ko dahil sa kwento niya. It's sounds unbelievable for a school that produces well-disciplined students, organized such an immoral event just for a position.

"Ano ang reaksyon ng parents nila? Do they really need to do that just for the position?" Hindi ko talaga maintindihan at ma-imagine na nagpapatayan ang magkambal para lang maging Treasurer.

"We suspect na may nakukuha ang mga Student Council na reward after nilang makagraduate at yung reward hindi basta-basta... pero hakahaka lang namin yun ah. Di pa talaga sure yan. Yung family nila... we don't know, but obvious naman na mga coldblooded ang mga 'yun. Kita naman diba?"

Prince is like a living encyclopedia pagdating sa mga impormasyon tungkol sa Officers ng Student Council.

.

Habang kumakain ako sa cafeteria ay ramdam ko ang mga titig ng mga babaeng estudyante sa akin.

I could still remember kung paano ako dumugin ng mga schoolmates at classmates kong babae kaya palagi akong naiirita pero dito, wala ni isang babae ang sumubok na lumapit sa akin. The other side of me is still irritated because of boredom. I'm looking forward for the fun part of the school year that Prince was talking about.

Napaangat ang tingin ko nung maramdaman ko ang presensya ni Prince na umupo sa harapan ko na may dalang tray na puno ng desserts.

"Saan pala ang bahay niyo?"

"At Luxemburg Street. Bakit?"

"Two streets away lang pala yung bahay niyo. Ano? Sabay na tayo mamaya?" Pagyaya niya bago binuksan ang pudding niya na nakalagay sa plastic cup.

"Alam mo naman na magkasama kami Vice umuwi."

I remember kung paano din ako sumabay umuwi kasama ang mga kaibigan ko... noon. Yung magbibiruan kami sa mga kanto, stop by sa mga tiangge para bumili ng soft drinks at titingin-tingin sa mga chicks na dumadaan.

Those good old times...

Napa-iling ako sa naisip ko. I shouldn't think about it. It's all in the past and I never believe about the saying that history repeats itself.

"Ba't nandito ka pala? May pinuntahan naman ba ang mga Officers?" Curious na tanong ni Prince.

"Nah. Maaga lang akong nirelease ni Vice."

"Uy, Nhelandrie." Pukaw nito sa atensyon ko. Hinarap ko naman siya habang binubuksan ko ang pineapple can juice ko.

"You think it's possible na mag-open up si Vice sayo?" Napataas naman ang kilay ko at napatawa sa sinabi niya.

"That's nearly impossible, Dre. Ikaw din naman nagsabi na wala siyang puso." I said. Even though that it was just a lie that she's heartless, I can't still imagine that someone like her that doesn't know how to socialize would open up to a slave like me.

"Edi palambutin mo! May itsura ka naman, matangkad, ewan ko lang kung matalino..." Napangiwi naman ako sa pagdescribe niya sa akin. Ayos na sana eh.

"... pero mga babae kasi, Dre, konting lambing lang ay bumibigay agad."

"Alam mo naman na hindi lang basta babae si Vice. Siya ang Vice President. I don't even know her name, how could she possibly open up to me?"

"Take the first step. Sabi nga nila, if you want someone to trust you, you should firstly show them that you trust them."

.

"Mr. Aguilar." Napalingon ako at instantly na napalunok nung makita ko si Vice President na walang kaemo-emosyong naglalakad papalapit sa akin. Kita ko kung paano palihim na tumitingin sa amin ang ibang mga estudyante.

"Di ako makakasabay sayo umuwi. Marunong ka namang magcommute diba?" Tumango ako. Parang nakatali yata ang dila ko lalo pa na alam ko na sinusubaybayan ako ng karamihan.

"Good. See you at home." May binitawan siyang susi sa harapan ko. Mabuti na lang at mabilis ko yun nasalo. Tiningnan ko siya at natalikod na siyang umalis sa harapan ko.

.

"Prince!" I shouted his name when he was about to ride the train.

"Nhelandrie." Gulat niya akong tiningnan bago pinaypayan na bilisan ko raw.

"Bilis!" Binilisan ko ang pagtakbo bago pa magsara ang train. Nakaharang si Prince sa entrance ng train para hindi ito magsara pero kita ko naman kung paano dahan-dahang gumalaw ang train para sa pag-alis nito.

"Shit, kahingal." Sambit ko nung makapasok na sa train at nagsara na ang pinto.

"Mahal mo talaga ako, Dre." Biro nito.

"Gago. May lakad lang si Vice, huwag assuming."

VOTE PLEASE!

Crossroads [SC SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon