Kabanata 4: Down-to-earth

42 11 0
                                    

[Nhelandrie's POV]

Walang umimik sa aming dalawa. Well, ano ba kasi ang dapat naming pag-usapan? It's obvious that I should take the first move when it comes to having a conversation.

Tutok na tutok ito sa kanyang pagkain kaya sumubo ako ng meatballs at parang umindak ang mga mata ko sa linamnam.

"The food is... great." I was almost left speechless. The tenderness made it more delicious. The meat and the sweet sauce have a perfect combination. Nalunok ko ang pagkain ko nang wala sa oras nung bigla niyang inangat ang tingin niya sa akin.

What should I say? Ngingiti ba ako? Gods, I never felt so nervous before. Simula nung nakilala ko siya ay parang umiikli ang lifespan ko sa bawat pagtagpo ng mga mata namin.

"Thank you. I appreciate you like the food." Kumawala ang isang maikling ngiti sa labi ko.

She's seemed to be so responsible, bossy, perfectionist and rich yet so down-to-earth. They are really the same.

"So... why did you chose to live alone?" Ba't feeling ko napaka-feeling close ko? Curious lang ako eh at tsaka ang tahimik, hindi ako sanay. Sa bahay kasi, parang machine gun yung bunganga ni Mama na aakalain mong hindi nawawalan ng hininga.

"I didn't chose to live here but... it's like a tradition to our family that we would got to live alone in a house once we turn twelve with no maids or any servants. It's a training for us to be independent."

"Wait, you got to clean this gigantic house all alone?" Tinitingnan ko pa lang yung laki ng lilinisan ko ay parang tinatamad na ako... actually, di naman talaga ako naglilinis.

"Yeah, once a week." Di ba marunong ngumiti ang isang 'to?

"You look so comfortable telling these things to me. Di ka ba naiilang?" Nagpapasalamat ako na parang swag yung boses ko pero deep inside parang may nakasabit na karayom sa tonsils ko kapag nakikipag-usap ako sa kanya.

"Sino ka ba?"

Ito na naman yung feeling na sinasabi ko eh. Her words has no expression pero parang naramdaman ko ang pagtalon ng dibdib ko.

"Your slave?" We lost eye contact when she continued eating. Hindi niya pinansin ang sagot ko na parang patanong.

"Nagtanong ka sa akin, of course I'll answer it. It's not like I'm trying to hide something too private."

Feel ko parang tuta ako. Ano kaya mangyayari kung bwesitin ko siya? No, no, huwag ka nang sumubok, Nhelandrie, tsaka wala naman siyang may ginawang masama diba? Yung inuupakan mo lang ay yung mga bobo pero ang isang 'to... baka ako pa nga yung bobo sa paningin niya.

"I'll wash the plates. Pumunta ka na sa kwarto mo at matulog. Maaga pa tayo bukas." Ma-otoridad na utos niya bago kinuha ang pinggan sa kamay ko.

"Umm... diba sabi ni President na susundan kita kahit san ka pumunta? Then does it mean that I don't have to attend classes anymore?" Nilagay niya sa sink yung mga pinggan at pinahid ang kanyang mga kamay sa skirt niya bago humarap sakin.

"You need to attend your classes but every vacant and after dismissal, you need to proceed to the Student Council's Office. Go to your room now."

Parang nanay naman kung umasta ang Vice President na 'to. So bossy and very straightforward. Ito ba ang tinutukoy ni Dad na makapagpabago sa akin?

.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napabalikwas ako nang bangon nung bumungad sa akin ang titig na titig na mga mata ni Vice President.

"Ano ang ginagawa mo dito?!" Di ko maiwasang hindi tumaas ang boses ko. Parang aatakihin ako sa puso. Ang creepy talaga at nakakanerbiyos kung pagising mo ay mukha ng kung sino ang agad na makikita mo.

"I was about to wake you up."

"You should have knock!"

"Why do I need to do that? I own every inch of this house." Is she that innocent? I guess she lack social skills, a disadvantage of having to live alone.

"Vice President, everyone needs privacy." Umawang ang labi niya na parang ngayon niya lang nagets kung ba't ako nagulat nung nagising ako.

"Sorry. I promise to knock next time. Get change, breakfast will be ready soon." Sabi niya bago lumabas ng kwarto.

Nakatulala lang ako sa pintuang nakasarado. Did she just said sorry? Marahan akong napailing. Even with the position she have and the superiority she obtained over me... she doesn't have the thing called ego. Maybe that's the reason they were called the Rulekeepers.

Nung natapos kaming dalawa sa pag-aayos ay lumabas na kami ng bahay. Nagtaka naman ako kung ano yung sasakyan namin since walang garage yung bahay.

"Do we need to take the bus?"

"Yeah." Napaawang ang labi ko. I have never ride a bus before... as in never. Aircon rin ba? Nahihiya akong magtanong at baka aakalain pa ni Vice na maarteng nilalang ako.

Ilang minuto kami nakatayo at nung tumagal ay may nakita akong itim na sasakyan.

Wait... it's not just an ordinary car. It's a limousine. Nanlaki ang mga matang nakatulala ako sa limousine hanggang sa tumigil na lang ito sa harapan naming dalawa.

"Hindi naman ito bus ah."

"I have my own definition of things. Open the door for me." Nagtaka ako nung ang huling pangungusap niya ay pabulong kaya naman bigla kong naalala na slave pala ako at siya ang master ko. Di na ako umangal pa at pinagbuksan ko siya ng pinto.

Sumunod ako sa kanya papasok at sinara bago umupo sa tabi niya. Yung ibang officers ay naroroon rin. I guess this limousine is a service vehicle for the Student Council. Cool.

"Kamusta pagiging slave mo?" Tanong ni Richkid- este ni President.

"Ewan." Di ko talaga alam ang isasagot ko. Sasabihin ko ba na parang prinsipe ako sa bahay ni Vice?

"Hindi ka naman siguro masyadong pinapahirapan ni Vice President no?" Nakangising tanong ni President bago sumulyap kay Vice.

"Hindi naman."

"Parang hindi kapanipaniwala. Knowing Vice President... she's heartless." Dinig kong sabi ni Treasurer.

"Yeah. She also suck at socializing." Natatawang kutya ni Secretary. Tinignan ko si Vice at parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ng kapwa Officers niya.

Heartless? Is that what everyone thinks of her?

VOTE PLEASE!

Crossroads [SC SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon