Kabanata 31: The Good Sister

21 5 2
                                    

[Nhelandrie's POV]

Humugot ako ng malalim na hininga habang inaayos ang pulang necktie ko.

Parang kinakabahan ako, hindi dahil makikita ko si Klare, kundi ay mahaharap ko ang ka-date ko sa prom na si Richmond at Prince ang nagplano.

Iba ang kutob ko pero wala naman akong magagawa kundi sundin silang magpinsan.

"Ang gwapo-gwapo ng baby ko!" I rolled my eyes over my Mother's overreacting excitement. She's all hyped up like this is the first time she's seeing me in a suit.

"I'm eighteen." Matigas na sabi ko. Alam naman kasi niyang ayaw kong bine-baby.

"Sino pala ang ka-date mo? Susunduin mo siya?"

"Doon na kami sa convention hall magkikita. Si Prince po ang susundo sa akin tas sasabay na rin si Mexie." Sagot ko habang pababa na ng hagdan at isinabit ang coat ko sa balikat.

"Alis na ako, Mom." Binigyan ko si Mom ng mabilis na halik sa pisngi at tumakbo na palabas nung marinig ang busina ng kotse ni Prince.

Isang itim na Dodge ang nakaparada sa harapan ng bahay namin paglabas ko. Nakita ko si Mexie na nakasuot ng itim na hoodie at royal blue na palda shorts. Nasa labas sila ni Prince at nag-uusap habang hinihintay ako.

"Red necktie, seriously?" Hindi makapaniwalang iling ni Prince.

"I'm predicting that Klare will wear something red kaya ito ang ipapares ko. Ano sa tingin mo, Mexie? Masama ba?"

"You look outstanding. I'm sure Vice will notice you even with the large crowds." Napangisi ako sa sagot niya at nakipag-fist bump sa kanya.

"You're obsessed with my cousin." Napairap ang kontrabidang si Prince dahil sa rason ko.

"Bagay naman kami."

.

"Nandoon na ba ang ka-date ko?" Tanong ko kay Prince habang panay hila at ayos ko sa necktie ko.

"Oo, Richmond is entertaining her. Swerte mo sa makaka-date mo, maraming kalalakihan ang maiinggit sayo, Nhelandrie."

"Sino ba kasi? Sabihin mo na."

"No, para naman surprise." Nakangising iling niya habang nagmamaneho.

"Kilala ko ba?" I groaned when he just shrugged na ikinatawa ni Mexie.

Ilang kilometro pa ang layo namin sa convention center pero kitang-kita ang mga ilaw sa langit na nagmumula roon. Nagsasayawan ang mga ilaw at alam kong maraming estudyante na ang excited.

"Baba na kayo, park ko lang 'to." Agad naman kaming bumaba ni Mexie.

"Cool!" Namamanghang pinagmasdan namin ang panglabas ng convention. Umiilaw ang bawat edge ng mga glass window at paiba-iba ang kulay. Sa Grand Entrance ay may mga security na mukhang approachable naman at alam ko, sa loob ay isang mahabang red carpet ang naghihintay sa amin.

Maraming mga estudyante, guro at alumni na nagkalat sa buong parking space habang naghihintay buksan ang engrandeng golden door.

"Sinabi ba ni Prince sayo kung sino ang date ko?" Tanong ko kay Mex habang iniikot ang paningin ko, hoping to see a single clue kung sino ang magiging date ko tonight. Si Richmond lang ang kilalang alumni ko rito.

"Hindi eh, curious nga ako."

"Tara na?" Napalingon kami kay Prince na tumatakbo papalapit sa amin. Mukhang excited ang isang 'to.

"Where is she, Prince? Baka naman maarte yang partner ko." Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya habang nakatingin sa gilid ko.

"Don't tell me na siya ang magiging ka-date ko..." Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa babaeng masama ang tingin sa akin at naka-cross ang mga braso sa kanyang harapan. Katabi nito si Richmond na komportable sa kanyang green two piece suit.

"Siya nga," nakangisi ang loko habang nakatingin sa reaksyon ko.

"Klare will be hysterical if she'll be my date."

"Exactly!"

"Ba't ang tagal niyo?" Naiiritang irap niya. Yeah... every guys will die if they'll see me with her.

"Parang hindi ka naman nababaguhan kay Prince."

"Nhelandrei, Ate Steph will be your date tonight." Steph scanned me and a sarcastic chuckle left her mouth.

"I'm just doing Kuya a favor, huwag mong bigyan ng malisya, kiddo."

"I know, i'm here for Klare."

"Lame."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa harapan na nakakabit ang kamay ni Steph sa braso ko.

She looks perfect. Perfectly enough to make everyone turn their heads at us. She outstand with her backless prom gown.

"Diba Ate yan ni Vice?"

"Is that Nhelandrie? Oh my, they look so good together!"

"I thought may namamagitan sa kanila ni Vice? Aw, bawal nga pala."

Hindi ko maiwasang mamangha nung taas-noong sumabay sa akin si Steph na parang hindi niya naririnig ang mga bulung-bulungan and I guess that's what makes her a Villegas... her confidence.

Nagsipila na kami katabi ang mga dates namin nung huminto na ang isang limousine na may flag ng KPA sa hood nito. Hindi ito ang service ng Student Council.

Lumabas si Dean at ang mga kasunod na lumabas ay ang mga tao na isang tingin na nagmumula sa kanila ay manginginig ka. They look intimidating and all of them are in their fifty's, their every action shouts respect and authority.

"Who are they?"

"Our parents," kalmadong sagot niya habang nags-swipe ng kung ano sa kanyang phone.

"Why did you agreed to this? I thought you hate Klare?" Pinatay niya ang kanyang phone at ipinasok sa kanyang evening bag. Tiningnan niya ako sa mata at ngayon na malapit ako sa kanya ay doon ko napagtanto ang mapupungay niyang mga mata No wonder she is Klare's sister.

"I hate her. She's my lifetime enemy, but she's still my sister. Galit lang ako sa kanya for stealing the spotlight from me, but I guess she also did me a favor. I am free because of her, both me and Kuya. The two of us never dreamed of running the company and we got to choose our own path, all thanks to her."

"Then why did act like you're threatening her nung pumunta ka sa bahay niya?" Agad siyang umiwas ng tingin sa kompronta ko.

"I want my Mom to know that I appreciate her. Wala na siyang ibang kakampi kundi ako lang. Ayokong malaman niya na ayaw ko talagang maging kalaban ni Klare in terms sa pagpapatakbo ng kompanya. I don't want to break Mom's heart."

"You're a good sister and a great daughter..." I genuinely said. Now I understand that she's been acting all along.

"Ba't panay tanong ka sa buhay ko? You know what, masyado kang tsismoso." Irap niya sabay talikod. Nakalimutan ko, maarte at mataray pala ang isang 'to.

Crossroads [SC SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon