Kabanata 17: Her Name

28 6 1
                                    

[Nhelandrie's POV]

Prince explained everything to Mexie habang ako ay busy sa pag-ubos ng tanghalian ko. I already heard his explanation, so there's no point of listening.

"Talaga? That's creepy," sabi niya pero yung mata niya ay kumikislap na may paghanga.

"But i'm so glad to enter this school. Parang nasa ibang dimension ako, by the way may dance club ba ang KPA?"

Seriously? Ibang klase. Nakakunot ang noo ko siyang tiningnan. Napa-weirdo niya talaga at pansin ko na palagi siyang naka-bonnet.

"Clubs? Y-yeah, pero during summer lang ang recruitment. The rest of the year ay focus na sa pagpaplano ng mga anticipated programs."

Clubs? Ngayon ko lang nalaman na may mga ganyan din pala ang KPA. Naging interesado ako sa topic nila.

"Ikaw, Prince, ano ang club na sinalihan mo?" Pagsali ko sa usapan.

"Organization yung sinalihan ko. SMSO, Student Military Service Organization. Under supervision kami ng Student Council." Nakakamot sa ulong sagot niya na parang nahihiya o ewan.

"Is that why you know almost everything about them?"

"Just some things at si Sergeant naman yung naghahatid ng mga orders or favor mula sa Officers. Di ko pa sila nakaka-usap, I never dared to. Yung karamihan, naririnig ko lang kung saan-saan."

Obvious naman na may pagkatsismoso ang isang 'to. Lalo pa na magaling siyang kumausap kung kani-kanino.

"Nhelandrie, so sabi ni Tito na pinarusahan ka raw?"

"Pinaparusahan, hindi pa tapos yung punishment ko. Mga two weeks pa." Kinwento ko sa kanya kung ba't ako naparusahan at mabuti na lang at di siya naawa sa 'kin. Nanlaki pa ang mga mata niya na parang kahanga-hanga yung nagawa ko.

Seryoso ba siya? Baka interesado ang isang 'to na magkaroon ng parusa. Psh, kung maparusahan siya sana huwag lang si Vice maging master niya... baka maagawan pa ako ng pwesto.

"Dad made a right choice to enroll me here. At least dito madami akong reason para magbago. You know, the rules."

.

Reasons... isa sa mga dapat na meron ako para magbago. I guess it's really possible. Mas buti pa nga na naging slave ako, nakikita ko rin na mas nagkaroon ako ng kontrol sa sarili ko... unlike before.

In my previous schools, everyone would look up at me. I was powerful but even so... I know that I was never happy being on top. Here in KPA, there's a part of me that wants to stay as Klare's servant.

Nung mag-vacant na ay tinulungan ko si Vice mag-staple ng mga textbook. Yung ibang mga officers ay nagsigawa naman ng kani-kanilang gawain sa labas ng office.

Panay sulyap ako sa kanya and she was so focus on the papers scattered all over her desk.

"V-vice," tawag ko sa kanya at letse naman kasi dahil pumiyok pa ang boses ko.

"Hmm?"

"Required ba na sumakay ka sa limousine kasama ang ibang mga officers?"

"Di naman. I just don't know how to drive a car." Wala kagana-gana niyang sagot. Hindi man lang siya tumitingin, that's why I can't tell her emotion.

"C-can I take you home then?" Napalunok ako. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Sana pumayag....

"Why?"

Questions.... again. Are we having an experiment? I sighed bago ko siya sinagot, "g-gusto kong panindigan yung role ko bilang slave mo."

"Then I can't." Napakunot ang noo ko sa sagot niya.

Napabuntong-hininga ulit ako bago hinampas ang desk at tumayo. Nagulat siya sa ginawa ko pero seryoso ko lang siyang tiningnan sa mata.

"Be my Master, Vice President Klare Villegas, or I will report you to the Dean."

.

I called Dad to bring my Hatchback Trabant and just what I expected, my car is already parked on the school's parking area. Madami ang estudyante na gulat na gulat... hindi sa sasakyan ko kundi dahil kay Vice President na nakabuntot sa 'kin.

Kumunot ang noo nito nung pinagbuksan ko siya ng pinto sa front seat. Tahimik siyang pumasok at nung makapasok na rin ako ay nginitian ko siya.

"Hey, what's with the face? Pagsisilbihan nga kita like I should pero di ka naman mukhang masaya."

"Hindi ako sanay na pinagsisilbihan lalo na kung iba yung gagawa ng mga bagay na dapat ako ang gumagawa."

"Independence nga naman." Kibit-balikat ko bago ko sinimulan ang pagmamaneho.

"Mr. Aguilar, why are you doing this?"

"It's because i'm your slave?" Mabilis akong nagnakaw ng sulyap sa kanya habang busy ako sa pagd-drive.

"Hindi ba maayos ang pagtrato ko?"

Nagpapatawa ba siya? Hindi maayos? I am more than comfortable to spend a month as her slave.

"Maayos naman."

"Then why do you have to do this? I don't understand."

"You don't need to understand everything, Klare." Napangisi ako... at last, nabigkas ko rin ang pangalan niya. I feel satisfied to hear her name coming from my own mouth.

"I told you not to call me-" Hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin nung bigla ko na lang hininto ang sasakyan.

Malakas akong napatawa nung makita ang reaksyon. Bwisit, hahaha parang nakakita ng multo sa mainit na hapon ngayon.

"Mr. Aguilar-"

"It's Nhelandrie, Klare."

"I have forbid you to call me by my name. It's Vice President-"

"Klare."

Bigla naman siyang nawalan ng hininga nung inilapit ko ang mukha ko sa kanya matapos kong hubarin yung seatbelt ko. Mahina kong binulong ulit ang pangalan niya at napatitig siya sa mukha ko na nanlalaki ang mga mata.

"Miss Vice President, can I call you with your name?" I huskily whispered as I caressed her pale and clear cheek.

"What's your game?"

Napabuntong-hininga ako bago bumalik sa pagkaka-upo. Seriously, ano ang lahi ng isang 'to? Kung ibang babae yata ang ginanon ko baka nakahubo't hubad na kami pero si Vice... she's so innocent and strict.

Damn, this is hard.

Lumabas ako ng kotse at pinagbuksan ko siya ng pintuan. Nagtataka naman siyang lumabas at hinarap ako.

"Where are we, Mr. Aguilar-"

"I want to take you somewhere, Klare. Somewhere far from Keyyato Private Academy. Call me Nhelandrie, cause today you're not the Vice President of the Student Council. You are Klare Villegas... just Klare."

VOTE PLEASE!

Crossroads [SC SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon