[Nhelandrie's POV]
Dalawang araw na... dalawang araw ko na siyang iniiwasan. Hinihintay niya ako kahapon sa parking lot kaya nag-commute na lang ako at iniwan ang kotse ko. Kanina, nakaabang siya sa akin sa entrance ng school pero nagbingi-bingihan ako. Madaming estudyante na ang nakapansin sa paghabol niya sa akin para kausapin ako, but I can't.
It hurts me seeing her in pain, but I know she'll eventually get tired of chasing me. She's comfortable with me and maybe she sees me as her only friend... that's why she wants to talk to me. I love her, i'm in love with her...
But I need to let her go in order not to lose her. Yung pinagsamahan namin, i'll treasure it as it's already part of my soul.
Busy ako sa pagsuot ng itim kong hoodie nung marinig ang pagtunog ng phone kong nakapatong sa kama.
[Prince: Nasa'n ka na? Pinaghihintay mo naman ako eh.] I rolled my eyes. Parang bading talaga 'to.
[Me: Okay lang naman kahit ma-late ako, manonood lang naman ako tas madami ka namang kakilala. Kilala mo nga siguro lahat ng tao diyan.]
Matapos kong mag-reply ay pinatay ko na agad ang phone ko. Bahala siya diyan, 'di ko naman kailangang magmadali.
.
Kasabay ko si Mexie na pumunta sa skating ground at mula sa kanto pa lang ay nakakabingi na ang sound system at ang kasama nitong dim lights ang siyang nagpabuhay sa buong lugar.
"First time mo bang makapanood ng The Leap?" Tanong ko kay Mexie. Nung nagkita kami kasi sa bar nung nakaraan ay madami na siyang alam sa lugar.
"Yeah, kakalipat lang kasi naman at ang mga kasama ko sa workshop ang nag-invite sa aking pumunta rito."
Kaya pala kahit bagong salta siya ay madami siyang alam dahil may lahing-Marites pala ang isang 'to.
Pagpasok namin ay punong-puno ng tao at mukhang nagsisimula na. Agad naming nakita si Prince na nakaupo sa gilid ng skating bowl. Nakasuot ito ng cap na nakabaliktad at umiinom ng tubig.
"Prince!" sigaw ni Mexie at tumakbo na papunta rito. Buti na lang pala at wala yung mga sira ulong binugbog ko nung kamakailan.
"Ba't ngayon lang kayo?" Nakasimangot na tanong niya nung pareho na kaming makalapit sa kanya.
"Traffic," sagot ko.
"Bakit? Tapos ka na ba?"
"Mamaya pa. Pangpito ako at panglima pa lang siya," turo niya sa lalaking nasa loob ng skating bowl at nakatirintas ang buhok. Napahiyaw ang lahat nung mag-kickflip ito sa may hagdan na hanggang tatlo ang palapag.
"Kinakabahan ka ba?" tanong ko. Madami kasing tao at halos sa mga ito ay intimidating, lalo yung mga mukhang may trabaho na at professionals.
"Ilang Leap na ang nasalihan ko at dalawa na ang napanalunan ko."
Edi wow. Tumahimik na lang ako habang nanonood nung pumasok na ang pang-anim na finalist. Bali, walo sila ang maglalaban-laban.
Ewan ko pero parang ako yung kinakabahan para kay Prince. Tiningnan ko siya at walang bahid na kaba ang kanyang mukha, mukha pa nga itong excited na pumasok ng bowl.
Naghanda ito at kinuha ang skateboard niya. Natigilan ako nung makita ang nakaguhit sa likuran ng board niya.
'MALLINO'
"Hey, Prince, ba't-" Hindi na ako nagkaroon ng tyiempo na tanungin niya nung tinawag na siya ng speaker.
Mallino... kaano-ano niya si Klare? Why did he hid it from me na isa siyang Mallino? All people know na isa sa mga founder ng KPA ay isang Mallino. Sa kanya ba yung board?
Malalim akong nag-isip na hindi ko na namamalayan ang nangyayari sa paligid hanggang sa biglang nagsigawan ang mga tao na parang nanalo silang lahat sa lotto.
Tumingin ako kay Prince at biglang nag-slow motion ang paligid nung nag-slide siya sa side rail ng hagdan sa harapan ko, sa likuran niya ay napansin ko ang pader na may pamilyar na sining.
Napa-iling ako at bumalik ang lahat sa normal. Kaya pala... kaya pala pamilyar ang lotus flower na ipinakita sa akin ni Dad nung nag-usap kami. Dito ko pala nakita... pero ba't naman?
Si Klare kaya ang nagpinta nun? It should be her, identical yung pagpinta even down to the smallest detail.
"Napanood mo ako? So how was I?" tanong ni Prince at mabilis na kinuha ang tubig sa upuan at uminom.
"You're good, amazing actually." I wasn't smiling when I complimented him kaya ang excited niyang mukha ay biglang naging seryoso.
"Tell me the truth, Prince, are you a Mallino?" Napataas ang kilay niya bago itinapon ang water bottle kung saan.
"Yeah, what about it?"
"Ba't hindi mo sinabi sa 'kin?" Nagulat siya nung bigla ko siyang kinwelyuhan.
"Hey, Nhelandrie, chill." Awat ni Mexie sa akin na may nag-aalalang mukha. Dahan-dahan ko siyang binitawan habang nakatitig ng matalim sa kanya.
"You never asked about my personal life at kung nagtanong ka, hindi ko naman ide-deny yun." Naiinis akong bumuntong-hininga.
"Magkaano-ano kayo ni Klare?" Unti-unti akong huminahon.
"She's my cousin. Basically, yung Mom ko at Dad niya'y magkapatid." He's unbelievable, how can he be chill despite of being a Mallino this entire time?
"Then why are you not in the Student Council?"
"Magkasing-edad lang kami ni Vice President and Granny saw a lot of potential in her compared to me. Tsaka, hindi ko hobby gumawa ng paper works at magdisiplina ng kapwa-estudyante ko."
Prince said that it was his older cousin that started all this; the skating ground and The Leap. Siya rin kaya ang kapatid ni Klare na gumagamit noon ng training room sa kanyang bahay?
"Is your older cousin named Richmond Villegas?"
"Yeah, Kuya ni Vice. He's here actually, just like what I said."
Sabi ni Klare na ang Kuya niya ang nagprotekta sa kanya nung inaapi siya ng Tita at Ate niya. He treated her like his own sister kahit sa ama lang sila magkapatid. Richmond protected the woman I love in her dark times.
"I want to see him, Prince." Nagulat silang dalawa ni Mexie sa sinabi ko pero tumango rin si Prince.
BINABASA MO ANG
Crossroads [SC SERIES #1]
Roman pour Adolescents[COMPLETED] STUDENT COUNCIL SERIES BOOK ONE Nhelandrie Aguilar was forcely transferred to a particular academy where rules live, a place of torture for someone who is impatient as him. After breaking the Smith's rule on his first day there, it leade...