Kabanata 12: Sino Mas Maangas?

26 6 0
                                    

[Nhelandrie's POV]

Napatunganga ako nung marinig ang sinabi niya. Parang gusto kong maawa sa kanya nung masayang-masaya niyang sinabi iyun sa akin.

"Uy, ayos ka lang?" Pukaw nito sa akin nung mistulang nakatulala lang ako.

"O-oo. Hmm, bukas ka na lilipat dun?" I hope my voice doesn't sound so disappointed.

"Oo. Tutulungan mo naman akong makilala ng lubusan ang school diba? Tas dinig ko daw na dun din nag-aaral si Founder."

"Tama pero... strikto dun, sobrang strikto." Pagsasabi ko ng totoo.

"Susurvive ako dun. Nakakaya mo nga eh, diba?" Biro niya bago tumawa. I just forced a smile, nakaya ko dahil sa Vice President ako napunta nung inikot ko ang ruleta... hindi ko ma-imagine kung ano kaya kinahantungan ko kung sa ibang officers ako napunta... especially yung Superman na Treasurer o di kaya yung parang baliw na Secretary.

"Parang tinatawag ka yata." Tinuro ni Mexie ang bintana kung saan nakatayo sa labas si Prince at pinapaypay ako.

"Alis na ako." Pagpapaalam ko at lumapag ng pera sa counter.

"Ingat ka. See you tomorrow!" Lumingon ako at nakitang ngumiti siya but I just turned around, forgetting that I saw that. I just don't feel like smiling back at her... it's just feel awkward.

"Uwi na tayo?" Tanong ko nung marinig na nagpapaalam na siya sa kanyang mga kaibigan.

"Yeah. Ba't binayaran mo pa ang beer mo? Sabi ko na sagot ko yun eh."

"It's fine." I pat his shoulder. Akmang lalabas na sana kami ng field nung may tumawag kay Prince.

"Sasali ka pala sa Leap next week?"

Leap... yan yung contest diba? Nakacross ang kamay ko habang nakikinig sa kanila hanggang sa may naaninag akong grupo ng mga lalaki sa hindi kalayuan... matalim ang kanilang pagtingin sa amin dahilan para ngumisi ako. Exciting naman...

"Basta, pumunta ka ah?"

"Di lang basta pupunta, mananalo ako." Mayabang niyang biro sa mga kaibigan bago nagsimulang maglakad kasama ko.

Tanaw ko kung paano maglakad ang tatlo na mga lalaking kanina pa nakatingin sa amin papunta sa hallway kung saan din kami dadaan.

Tinitigan nila kami ni Prince mula ulo hanggang paa at ramdam kong napansin din iyun ni Prince.

Nilabanan ko ang mga tingin nila at nung hindi sila nagpaawat ay pinatunog ko ang mga daliri ko, isang senyales na nangangati yung kalamnan kong sumuntok.

Di bali nang umuwi akong duguan, at least hindi magkakapare-pareho ang mga araw ko diba?... para maiba naman.

"Problema niyo?! Magkasabay ba kayong pinaglihi sa tarsier at kung makatingin kayo parang pati brief namin ay interesado kayong kunin." Taas-noo akong lumapit sa kanila na may panghamong tingin.

Mga kupal, baka di nila kilala kung sino ang binabangga nila.

"Dre, yaan na lang natin."

Hindi ko pinansin si Prince at tumigil sa harapan ng mga asungot na akala mo ay inilampaso sa puke ng nirereglang babae ang mga mata nila sa sobrang pula.

"Nakahigop ka yata, tol? Huwag mo kaming angasan at baka sumabog yang etits mo." Napatawa ako. Galing, pero di ako matatalo nito sa trashtalkan at suntukan.

"Uunahin muna kitang lumpuhin bago mo mahawakan 'tong etits ko."

Pagkasabi ko nun ay hindi na ako nagdalawang-isip na paulanan siya ng suntok sa isang parte na nasa gitna ng hita niya.

Parang nahimasmasan naman ang dalawa nitong kasamahan mula sa mga pang-iinsultong binitawan ko. Akmang susuntukin sana ako ng lalaking nakahead-band na mukhang ipinanganak na baliktad pero mabuti na lang at nakaatras ako. Dali-dali ko siyang sinipa sa tagiliran dahilan para matumba ito katabi ang lalaking dumadaing habang nakahawak sa gitnaang parte ng mga hita niya.

"Kayo lang ba ang maangas dito?!" Sigaw ko at susuntukin na sana ang last man standing sa kanila pero nahawakan niya ang braso ko. Sa mukha pa lang niya ay nagdadalawang-isip ito kung ano ang kasunod na hakbang ang kanyang gagawin kaya bago pa man gumana ang ulo niyang puno ng grasa ay mariin kong ibinalibag ang kamay niyang nakahawak sa sa braso ko at tinadyakan ang lower back niya and he stumbled on the ground.

I looked at the other two whom I took down earlier and was surprised to see the both of them rushing towards me, ready to attack. Yumuko ako at na-out of balance ang dalawa kaya sinalit-salit kong pinatamaan ang ilong at panga nila bago pa sila makarecover.

Duguan ang mga mukha nila at napangisi ako. Tumalikod na ako para tingnan ang lagay ni Prince pero napaatras ako nung sumalubong sa akin ang isang mabigat na sapok.

"Nhelandrie!" Rinig kong sigaw ni Prince nung may kasunod pang isang suntok at tadyak sa tagiliran ko.

Umiling ako para matingnan ko sila ng klaro at napatawa. This is what I want... something to prove me that i'm alive. Something that would change the cycle of my days. I rolled fast to the other side before standing up.

Tumakbo ako nung makitang tumatakbo rin sila at bigla akong yumuko at hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabili kong siniko ang batok nung isa kaya bigla itong nawalan ng malay. Yung isa naman ay nahila niya ang damit ko at bago pa niya ako maabot ng kamao niya ay tinulak ko siya.

Pumaibabaw ako sa kanya nung matumba siya sa damuhan. I threw punches one after the another until my fists went numb. The pleasure that I felt got me addicted, I was about to give him another heavy one but someone stopped me.

"Nhelandrie, stop. You've already done enough." It was Prince who look so worried.

Inalalayan niya akong tumayo and I just noticed how everyone was surprised by what i've done. I turned around, not giving them a chance to stare at my face for too long.

"Let's get you home."

Tahimik lang kaming nakatayo sa bus station. Hinawakan ko ang pisngi ko at napagtantong dumugo pala kaya kumikirot. Agad kong kinuha ang panyo ko at maingat na pinunasan.

"Sa bahay ni Vice na ako didiretso." Sabi ko bago sumunod na sumakay sa kanya sa bus.

"Prepare yourself. Vice will question what happened to your face and please, Nhelandrie, don't tell her that I brought you to the skating place. Sinabihan naman kasi kita na hayaan na lang." Dinig kong reklamo niya. Kaya pala naging sobrang tahimik niya...

Well, it was my fault anyway.

"This is my mess, not yours. Don't need to worry."

Nauna nang bumaba si Prince sa bahay nila at nung huminto na ang bus sa harapan ng bahay ni Vice ay napalunok ako.

"What the fuck?"

VOTE PLEASE!

Crossroads [SC SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon