[Nhelandrie's POV]
Nagkaroon ng mga performances at mga speeches habang busy sa pagdedesisyon ang mga hurado at tyiempo na namin yun para makita ko si Richmond Villegas.
Parang nasa marathon ako sa bahagyang paghingal ko. Nakasunod lang ako kay Mexie at Prince at habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa pader na may pinta ng lotus flower.
"It was Klare that painted it?" Tanong ko sabay turo.
"Yeah, you got it right. It was the first painting ever allowed by Kuya Richmond. Nung nakita ni Kuya kung gaano ka-importante para kay Vice ang sining ay tsaka niya inanyayahan ang mga skaters na may talento sa art na magpinta sa mga pader at sulok ng ground."
Kaya hindi na nakakapagtaka-taka ang mga nakakamanghang mga imahe sa paligid.
"Siya yan, Nhelandrie." Turo niya sa lalaking itim ang buhok at mapula ang mga labi. Nakaitim na basic blazer ito at puting polo sa loob. Matangkad ito at busy sa pakikipag-usap sa announcer. The way he speak, you can really determine that he's a gentle person. Kumikinang ang mga mata nito na halatang nakikinig talaga sa kausap.
"You wanna talk to him?" Umiling ako, "I just want to see what he looks like. May hawig pala sila ni Klare."
Parehos silang matangkad, itim ang buhok at shape ng mukha, pero masasabi ko na parang kakambal nito ang ate ni Klare. Maliban na lang sa buhok.
"He's way more cooler than Vice at tsaka, mabait si Kuya Richmond. Ewan ko nga ba't nagkasundo sila ni Vice."
Pinsan ba niya talaga si Klare? Eh mukhang mas madami pa akong alam.
.
Patalon-talon si Prince sa kaba habang naghihintay ng ranking announcement.
"Mananalo ako! Mananalo ako! Mananalo ako..." Paulit-ulit na sambit niya sa sarili dahilan para mapailing ako at mapairap si Mexie.
"Huwag ka nang umasa, Prince. Ang galing kaya nung number 8." Prangkang kontra niya kay Prince dahilan para matigilan siya sa pagtalon.
"Nag-slide kaya ako sa railings, ang cool ko kaya!"
"Mas malaking puntos yung sa kanya dahil sa flip combinations niya." Napanguso na lang si Prince nung mapagtanto niyang tama si Mexie.
At nung ina-announce na ang winners ay nanalo si Prince ng third place. Kahit third place lang ang nakuha niya ay kitang-kita ang pagkagalak sa kanyang mga mata habang tinatanggap ang trophy niya.
"Hindi mo ba talaga kakausapin ang Kuya ni Vice?" Mabilis akong umiling nung tanungin ako ni Mexie
"Ba't mo ba pinipigilan ang puso mo, Nhelandrie?"
"I just... don't want to cause anymore trouble for her." Hindi na siya umimik at alam niya namang hindi na mababago ang desisyon ko.
Napalingon kami nung makita si Prince na tumatakbo papalapit sa amin habang hawak-hawak ang bronze nitong trophy.
"Nhelandrie, Kuya Richmond wants to talk to you... privately." Bigla naman akong namutla sa anunsyo niya na hindi ko na magalaw pa ang mga paa ko. Mas lumala pa yun nung bumulong si Mexie sa kanang tenga ko, "hala ka."
"Hintayin ka na lang namin sa labas." Sabi ni Prince at tinapik ako sa balikat bago umalis kasabay si Mexie.
Napalunok ako and at last, nagalaw ko rin ang mga naninigas kong paa.
Calm down, Nhelandrie. Mabait siya, i've handled Klare better than I expected... siguro wala namang rason para kabahan pa ako.
Panay papakalma ko sa sarili habang naglalakad. Nakita ko siya na mag-isa siya at nakahilig sa gilid ng platform. Mapupungay ang mga mata niyang nakatutok sa akin.
"You're Nhelandrie? Klare's boyfriend?" Nagulat ako sa diretsahang tanong niya.
"Good evening. Yes, i'm Nhelandrie. Klare and I are not official." Napangisi siya sa naging sagot ko
"I can see that, I guess the KPA Rules are the ones getting in your way." Hindi ako umimik at napa-iwas ng tingin. It's not it... I could transfer when the hell I want to.
"Nakalimutan ko. Richmond Villegas pala, siguro ay hindi pa ako naikwento ni Klare."
"Naikwento ka na niya. She looks up to you." Malungkot siyang ngumiti. Kung titingnan ay parang ordinaryo lang itong bachelor na nasa twenty's niya dahil sa simple niyang pananamit at magiliw niyang ugali. Nawala nga ang kaba ko... mabait nga siya, ibang-iba sa dalawang kapatid niya.
"Si Klare... she's not in her usual self lately, yun din ang sinabi sa akin ni Prince. Palagi itong matamlay at mukhang clouded palagi ang isip niya. Tas nabalitaan ko na iniiwasan mo siya, Nhelandrie."
"My sister might be strict and controlling, but she's fragile. Hindi man niya naikwento lahat sayo ang tungkol sa akin pero madami akong pagkukulangan sa kanya bilang nakatatandang kapatid niya. I've never wanted anything for her but happiness. Sana huwag mong ipagkait iyun sa kapatid ko."
Napayuko ako nung maramdamang nakikiusap siya. I know he's sincere about it, I can obviously see his purpose.
"I don't want to hurt her. She messed up in things because of me."
"Hindi ba't mas mabuti nga na tulungan mo siya? Klare got used to your presence and now that she's deeply in love with you ay tsaka mo sasabihin na ayaw mo siyang masaktan? I'm not a violent man, Nhelandrie, pero mukhang masasapak kita if I don't get a decisive answer." Matalim ang pagkakasabi niya at mukhang seryoso niyang gagawin niya iyun pero pagtingin ko sa kanyang mga mata ay malambot pa rin ang mga ito.
"I just don't want her to end up the way my ex-lover did," he let out a chuckle, my face remain serious. There's no funny in what I said.
"She died right in front of my sight because of me." Tumigil ito sa pagtawa pero hindi napapawi ang kanyang mapaglarong ngisi.
"Just because your ex-lover died, it doesn't mean that you need to keep yourself from loving again. Ignoring my sister is also means killing her. You don't want Klare to die right?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. He chuckled again after seeing my reaction.
This man... has a different level of mentality. I could already see what kind of person Klare is in the future.
"Tomorrow night, at the prom. Prince and I already planned something. I need your cooperation."
BINABASA MO ANG
Crossroads [SC SERIES #1]
Teen Fiction[COMPLETED] STUDENT COUNCIL SERIES BOOK ONE Nhelandrie Aguilar was forcely transferred to a particular academy where rules live, a place of torture for someone who is impatient as him. After breaking the Smith's rule on his first day there, it leade...