Chapter 13: AnaRic
(Anastasia + Lyric)Dedicated kay @The_Chinita_Princess na siyang gumawa ng trailer ni Anastasia. Napanuod mo na ba? Oo? Yes apir tayo diyan! Hindi pa? Edi panuorin na dali! Then comment kung ok lang. Nasa multimedia be :3
Special mention to @QueenPastel, na nagbigay ng name ni Nerine sa story na ito. Bigyan ko siya ng exposure ah? Para happy hehe!
P.S. Posted na ang prologue at chap. 1 ng book 2!
***
--Nerine's POV--
Nakakaloka ang babaeng ito.
Nakakaloka ang babae.
Nakakaloka ang.
Nakakaloka.
Loka-loka.
Loka.
LokㅡAhh whatever! basta nakakaloka ito. Itong magandang babae na kinulang ng tamang pag-iisip. Okay na sana e pero bigla siyang nag-run away from us. At sigaw nang sigaw ng 'Agatha? Nasaan ka!'
Tapos ang tanga tanga pa kita na ngang naka-red ang stop light kanina tumawid pa rin. Nakakaloka. Muntik ng lumabas ang lungs ko sa pagsigaw ng mahaba niyang pangalan baka sakaling huminto ang bruha. Pero hindi.
Muntik na siyang mabangga ng bus. Oo, ang laki nu'n 'di ba? For sure mamatay siya du'n. Lahat ng tao doon muntik ng atakihin sa puso. Konti na lang eh at mababangga na siya. Shunga shunga talaga! Sarap kutongan sa pancreas!
Pagagastusin pa kami ng pangburol e. Buti na lang…Phew! Thanks to God dumating si Superman na nasa katawan ng gunggong na pinsan ko na si Lyric. Nag-ala lastik man siya para lang masagip ang babaeng ito na kasalukuyang mahimbing ang tulog.
Tapos mawawalan siya ng malay after niya kaming pakabahin? Aba matinde nakakaloka. Muntik pa kaming murahin ng drayber na panot na 'yun. Laking abala talaga ng ginawa ni Anastasia.
"Anong gagawin natin diyan?" tanong ni Lyric habang nakatayo at nakatitig sa babaeng nakahiga. Tss, nakakaimbyerna siya patulog tulog na lang tapos kami ito mamatay na sa kakaisip.
"Pa-salvage na lang natin para tapos," tinatamad kong sagot at sinandal ang likod ko sa upuan ko. Kung pwede lang sana.
"Hindi nga? Seryoso ka?!" Wow convincing naman ang acting nito. Seriously, naniniwala siya? Gunggong talaga.
Tinirik ko ang mga mata ko paitaas. "Duhhh, wala ka bang sense of humor? Joke 'yun dre joke lang!" Puro pagpapaguwapo lang alam nito e.
"Ewan ko sa'yo. I want a serious answer! A serious!" aniya na akala mo kinapogi niya. Ang hitsura niya ay parang pasan niya ang mundo.
"Edi search mo sa google!" inis kong sagot. Serious answer? Psh. Tapos ang loko handa na akong suntukin kaya tinapunan ko siya ng matalim na tingin ko. 'Di mabiro.
"Pwede ba? Wala ako sa mood mag-isip ng matino. Pagod na pagod na ako at antok na antok. Look, nagkaka-white heads na ako sa iyo. Jusko, lay-lay tumahimik ka muna. And let my brain rest!" naiiyak kong sabi parang totoo naman. Charot lang 'yun para 'di ako masapak ni 'Insan.
Ganito kami magpinsan. Medyo close lang at nagsasapakan kapag napipikon haha. As if naman na magagawa niya akong suntukin. Lagot siya sa akin kapag ginawa niya 'yun baka mawalan siya ng kinabukasan sa mga kamay ko.
"Tss diyan ka na nga. I'll take a shower. Nagkaka-black heads ako sa'yo eh." at iniwan niya ako dito sa kwarto kasama ang bruha.
"Tse, gaya-gaya!" sigaw ko at tumawa. As if naman na magkakawhite o black heads kami. Alaga kaya kami ng doktor namin sa skin. Charot lang 'yun.
BINABASA MO ANG
Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016
FantasyFantasia's Fairytale presents... WITCHY BITCHY SISTERS SERIES Copyright 2014 *This story is book 1* Halina't subaybayan natin ang nakakaaliw, nakakatuwa, at nakakabaliw na kwento ng tatlong magkapatid na witch sa kanilang pakikipagsapalaran sa dalaw...