2: First Wave

6.2K 179 44
                                    

Chapter 2: First Wave

"Time is diamond."- Agatha Swansbridge

***

Tik tok tik tok tik tok tik tokㅡthat's the sound of the clock in my imagination. I took a deep breath, I feel boring in our first class. Pinatong ko ang baba ko sa aking kamay at nababagot na nilibot ang paningin ko sa buong klase.

Biglang kong naalala ang ang nakakatawang eksena ni Satana. Pasikat kasi, akala mo magaling eh sipsip lang naman siya. Thirty minutes na ang nakakalipas so, I bet nawala na 'yung bisa ng spell.

I get my cute magic wand with glitters and pink ribbon from my fuschia pouch bag. I smiled as I check it. Kahit kailan talaga ang galing kong magdesign.

Pinaglaruan ko lang magic wand dahil wala akong magawa. Inikot-ikot ko ito sa ere habang nakangalumbaba ako. Nakakatamad. Mabuti pa si Alina abala sa pagbabasa ng libro tungkol sa Potion habang si Agatha ay abala sa pag-aayos ng kaniyang buhok.

Hayy, kailan kaya ako makakaalis sa eskwelahang ito na iniwanan na ng panahon. Oh geez, I hate this kind of school kahit kasing-level ito ng Archimage. Lumang-luma na tapos 'yung pamamalakad ay makaluma rin.
Palibhasa magagaling ang mga nagtuturo at mahahasa ka talaga.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa magic wand ko at nagulat ako nang may tumalsik na liwanag mula sa dulo ng wand. Huli na para mapigilan ko ito. Tumama iyon sa ulo ng isang lalaki na nasa unahan na dahilan kung bakit siya natumba sa kaniyang upuan.

My classmates laughed hard even me, I can't help myself to laugh. Now, I'm not bored. May napagtripan na ako.

Tumayo ang lalaki na nabiktima ko at galit na humarap sa amin.

"Mga gago sino gumawa nu'n ha?! At bubugbugin ko!" sigaw niya sa buong klase. I know that guy. Isa siya sa mga siga sa klase namin.

Another bright idea pop up out of my brilliant mind. I whispered a spell then I secretly tapped my wand under my desk targeting another student.

"Ako!ㅡha? hi…hindi ako." biglang tumayo ang panget na nerd na nasa sulok. Sorry na lang siya dahil siya ang napagtripan ko.

"Ikaw pala ah. Humanda kang gago ka! Yaahh!" sumugod ang ugok sa payatot na nerd tapos pinagsusuntok siya. Naghiyawan ang buong klase at may ilan nagpustahan. Our class is no longer boring.

"Masaya ka na niyan?" sabi ni Alina sa'kin habang nagbabasa. I don't answer her because I'm now busy in thinking what's next to do.

"Agatha, destiny ka ba?" Narinig kong tanong ng isang lalaki kulay pula ang buhok kay Agatha na mukhang ibang klase galing.

Binaba ni Agatha ang mirror na hawak niya at nakangiting tumingin du'n sa red-haired guy.

"Hindi. Bakit?" She answered. Don't tell me papatulan niya ang pick up line.

"Ikaw kasi ang nakatakda sa akin!" banat niya sabay kindat na nakakasuya. Nai-imagine ko ang mata niya ay naghugis puso.

 
"BOOM PANES!" sigaw naman ng mga kaklase ko sa likod ng tukmol tapos lumiyad-liyad pa.

"What a lucky girl," asar ni Alina na katabi ko habang nakapako ang tingin niya sa librong binabasa niya. Alina is a nerd, not a typical na nerd na manang, may salamin o buhaghag ang hair. Alina is different 'di mo mapaghahalataang nerd iyan.

"Naniniwala ka ba sa destiny?" Agatha asked to that guy. 'Yung tukmol naman kumislap ang mata at nagawa pang ayusin ang kwelyo ng kaniyang damit. Ang lakas din ng loob niya.

"Oo! bakit?" sagot ng lalaki habang nagtaas-baba ang kanyang mga kilay.

"Kasi nakadestiny ka maging panget at alalay ko eh. You ugly monkey," Agatha answered in sweet voice then she turns into a monster, a beautiful monster.

Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon