Paread naman po ako ng story kong Hashtag Magic. Thank you hehe.
***
Alina's POV
Narinig ko ang kaluskos ng mga damo sa paggalaw ng kanilang mga paa. Mabilis akong nakapag-isip ng paraan para makaalis sa sitwasyong ito. Malamang, ang slow mag-isip ng mga kapatid ko lalo na't sa ganitong sitwasyon.
"Humawak kayo sa akin. Bilis," sabi ko at agad naman silang humawak sa akin kaya agad akong nagchant ng spell kahit ninerbiyos ako.
"Triple lositum!"
Naramdaman kong na hinigop ang aming katawan ng isang pwersa at naging puti na ang paligid. Ang pakiramdam ko ay parang nasa ere kami at lumulutang. Ang triple lositum ay isang teleporting spell, 'yun nga lang wala akong ideya kung saan kami dadalhin nito.
Ang mahalaga hindi kami nahuli. At sa loob ng limang segundo naramdaman ko na ang pagtapak ng paa ko sa lupa.
Nakapag-teleport na kami. 'Yun nga lang sa maling lugar!
"Aaahh!" nagulat ako ng bigla akong nahila ni Ate Tasia at nagpagulong gulong kami pababa ng bubong?!
Minulat ko ng mabuti ang aking mga mata at ako'y nagimbal nang nagpagulong gulong kami sa bubong ng isang gusali ng Academy. Naku, naku naku! malaking disgrasya ito.
Naririnig ko ang palakpakan sa ibaba dahil isinasagawa na ngayon ang grand opening ng wax figure monument ng twenty four chosen wizards.
Naramdaman ko ang pagkirot ng balat ko habang gumugulong kami sa bubong. Hanggang sa tuluyan na kaming bumagsak sa lupa.
"Woaaah!" nakita ko ang pagsinghap ng mga tao doon sa venue at nagulat sa pagbagsak namin.
"Ouch!" napa-aray si Ate Agatha ng siya ang unang bumagsak. Sunod ako at huli ay si Ate Tasia na tumitili at bumagsak sa akin. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang pagbagsak ng mga bagay.
Hindi ko na lang pinansin.
"Noo! ang skin ko," nakangiwing sabi ni Ate Agatha nang nakahiga. Hindi na ako makahinga sa totoo lang at nahihilo ako. Ang daming stars.
"A-Ate Tasia. A-Ang bigat mo!" hirap na hirap kong sabi at tinulak si Ate. Napaupo ako at ininda ang masakit kong balakang. Buti nabuhay pa kami.
"OMG," narinig kong sabi ng isang babae at nag-angat na ako ng tingin. Nahulog pa nga ang mic na hawak ng isang lalaki.
Nanigas ako sa puwesto ko ng maraming tao at nilalang ang nakapaligid sa amin. Gulat na gulat na nakatingin sa amin, may galit at nagbubulungan. Mas malala pa ay ilan doon ay ang headmasters ng Archimage Academy!
Hala, bakit mukha silang galit? Naramdaman ko ang paglapit ng dalawa kong kapatid. "Alina…"
Nagulat ako ng biglang natumba ang isang bagay. Ang wax figure! Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko ang nagawa namin.
Nagsitumbahan ang wax figure monument at natigil ang programa ng dahil sa amin.
"A-Alina?" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Haxel na naka-mask pa rin.
Tulad nila gulat na gulat siya at hindi makapaniwala. Biglang kumirot ang dibdib ko at napayuko sa sobrang kahihiyan.
"Anong ginawa niyo?!" galit na sabi ng isang headmaster sa amin. Napalunok ako ng laway sa sobrang kaba.
Anong nagawa namin?
***
"I am very disappointed to you Anastasia, Agatha and Alina!"
BINABASA MO ANG
Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016
FantasyFantasia's Fairytale presents... WITCHY BITCHY SISTERS SERIES Copyright 2014 *This story is book 1* Halina't subaybayan natin ang nakakaaliw, nakakatuwa, at nakakabaliw na kwento ng tatlong magkapatid na witch sa kanilang pakikipagsapalaran sa dalaw...