Salamat sa pagbabasa! Chapter 7 na. Uhhm, di ko muna ilalagay ang dedication kasi via phone ako e. But this chapter is dedicated to @HiredAngelOfLove. Hi! enjoy reading.
"This is the right time to marry a guy." - Marvin
***
Muli na naman akong ginagambala ng aking isipan. Mga bagay bagay na gumugulo sa aking kalooban.
"Satana, alam kong may poot at inggit kang nararamdaman diyan sa puso mo. Kaya naming tuparin ang lahat ng hihilingin mo kahit ano kapalit ang tulong mo," gumuhit ang pagkairita ko sa mga katagang naalala ko. Paulit ulit ko na lang ito naalala kahit isang araw lang ang nakakalipas.
Bumakliwas ako ng higa, humarap sa bintanang katabi ko. Kulay lila ang kalangitan may iilang alitaptap at night fairies ang kumukuti kutitap na animo'y mga bituin. Sa bandang kanan ay may kunehong malayang tumatalon sa mga ulap. Nakakatuwang tingnan.
"You are so hopless person Satana. You are socially insecure person seeking instant position!" paulit ulit na umecho ang mga masasakit na salitang binitawan ng magkapatid sa atin. Naalala ko na naman.
Sa totoo lang galit na galit ako sa kanila. Naiinis ako sa katotohanang mas matalino sila sa akin, mas sikat, maganda at perpekto.
Tuluyan ng nagising ang diwa ko nang may marinig akong kaluskos sa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at inadjust ang mga mata ko sa dilim.
I felt my eyes or lenses expanding in the darkness and it turns into dark violet color. Hudyat ito na gumagana ang night vision ko sa dilim. Right, I have this eye ability when I was born.
Nilibot ko ang mgata ko sa buong kwarto pero wala naman akong nakitang kakaiba. Napaigtad ako at napalingon sa bintana ko ng may bagay na kumalabog doon. I get my wand under my pillow.
"S-Sino ka?" kinakabahan kong tanong. Baka naman 'yung tatlong tauhan ng ministry? Ngunit hindi dahil pumapagaspas ang bagay na ito.
"Uwak!" bulalas ko ng makita ko na siya ng malapitan. Isa itong itim na itim na uwak at may mapupulang mata. Mata pa lang niya alam ko na kung kaninong pet guardian ito!
"Satana…" kay mama. Lumingon ako sa likuran ko at doon nakita kong nakatayo si Mama. Lumipad ang uwak papunta kay Mama at pumatong sa kamay nito.
"A-Anong ginagawa mo dito?!" pagalit na sabi ko habang pinipigilan kong lumuha. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pagkatapos niya akong iwanan, pinabayaan at sumama sa mayamang napangasawa niya. Habang ako nanatiling tahimik at hindi ko sinabi ang relasyon namin dalawa.
"Ganyan mo ba babatiin ang mahal mo ang ina?" lumipad muli ang uwak at dumapo sa bintana. Nanlisik ang mga mata ko.
"Pagkatapos mo akong iwan at sumama sa mga Swansbridge!" sigaw ko sa kanya. Tama, ang walang kwenta kong ina ay si Samara Monde-Swansbridge ang asawa ni Marvin Swansbridge at step-mom nila Anastasia.
Ang galing ng tadhana nu? Alam ba ng tadhana na ang hirap hirap magpanggap na okay lang ang lahat kahit alam mong nasa ibang pamilya ang ina mo at nagsasaya.
"Satana anak ko maghintay ka lang dahil malapit na ang oras magagawa ko na lahat ng plano ko. At babalikan kita anak," aniya at nakita ko ang kanyang malungkot at sinserong ngiti.
Ngiti na matagal ko ng hindi nakikita. Nalulungkot ako dahil hindi ko na siya nakasama dahil sa kanyang desisyon. Hindi ko na namalayang naglaho siya makalipas ang ilang sandali. Humangin ng malakas kasabay ng pagbagsak ng luha ko sa mata.
"M-Mama…" umiiyak kong sabi tuluyan na akong naupo at umiyak. Kailan ba ulit kita makakasama?
***
BINABASA MO ANG
Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016
FantasyFantasia's Fairytale presents... WITCHY BITCHY SISTERS SERIES Copyright 2014 *This story is book 1* Halina't subaybayan natin ang nakakaaliw, nakakatuwa, at nakakabaliw na kwento ng tatlong magkapatid na witch sa kanilang pakikipagsapalaran sa dalaw...