1: Swansbridge Sisters

9.7K 253 47
                                    

Chapter 1: Swansbridge Sisters

"But this is us, the new generation of a modern wizards." - Anastasia Swansbridge.

Sa paglipas ng panahon ay maraming nababago. May nagwawakas, may nagbabago at may panibagong pahina ang magbubukas.

Isa na lamang alaala ang kahapon. Isa na lang alaala ang mga taong gumawa ng kasaysayan sa mundo ng pantasya.

Ika nga, "Past cannot be changed, forgotten & erased. It can only be accepted."

Pero hindi pa dito nagtatapos ang kuwentong bumabalot sa mundo ng Fantasia.

Tatlong magkakapatid ang ipinanganak upang gumawa muli ng kasaysayan. Pero mukhang nagkamali yata ang tadhana sa pagpili?

Bakit? 'yun ang ating alamin sa muling pagbubukas ng panibagong pahina.

[Witchy Bitchy Sisters Song by tune of Itsy-bitsy Spiders]

*Witchy Bitchy Sisters. Gorgeous like a goddess.*

Mula sa isang magarang karwahe dahan dahan at isa isang bumaba mula doon ang tinuturing na diyosa sa balat ng Utopia. Tama kayo ng binabasa diyosa sila iyan ang pinaniniwalaan nila.

*They came up and stand
To ruin every life*

Pagkatapak ng kanilang mga takong at nagkikintabang sapatos sa lupa ay parang magnet ang kanilang presensiya sa mga tao.

Napapatigil ang mga tao at napapatingin sa kanilang tatlo. Para silang nasa ilalim ng isang kakaibang mahika dahil nakakahumaling at agaw pansin ang kanilang kagandahan atㅡkasuotan o tinatawag nilang 'fashion style'.

Halos lahat ng mga mata ay napako sa kanilang tatlo at sinusundan nila ng tingin ang bawat galaw at hakbang na ginagawa nila.

May naiinggit, may humahanga, may natatawa, may nagtataka, may nagugulat, may nagagalit, may deadma lang, may naiiyak at siyempre may nalilibugan.

*Three witchy sistersare ready to attack.*

Nahawi sa gitna ang mga tao nang dadaan na ang magkapatid papasok sa Magus School of Witchcrafts and Wizardry.

Nasa gitna ang panganay sa kanila na si Anastasia Swansbridge, sa kaliwa ay si Agatha Swansbridge ang pumapangalawa at sa kanan ni Anasthasia ay si Alina Swansbridge ang bunso.

*The Witchy Bitchy Sisters. Are ready to rock your world*

Silang tatlo ay hinahangaan dahil sa moderno't weirdo nitong suot at sa dami ng burloloy sa katawan na lihis sa kultura ng mga wizard at bago sa kanilang paningin.

Sila ay kilala sa pangalang Witchy Bitchy Sisters. Walang sinuman ang nangangahas na bumangga sa kanila.

"Hoy, tumigil kayo!" except sa kanya pala na walang kadala dala.

****

--Anastasia's POV--

Long brown curly hair that waving whenever I moved my head. Haba ng hair ko!

Dark blue eyes like an ocean in Aqua kingdom. Oh yeah!

Hot red and pouty lips that dreaming of. Muahh!

Porcelain and smooth skin that never been touch of any dirty and ugly insects. Oh lalala!

Perfect curve and sexy body that they envied. Hihihi, kahiya naman!

Walang iba kundi ako. Hindi ikaw, hindi 'yung katabi mo o kapitbahay niyong tsismosa.

Ako yun, ako at si ako wala ng iba! Wala ng kokontra, kokontra ka pa eh. Mamatay kayo sa inggit dimwitted people.

Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon