14: AnaRic (Part 2)

2.3K 101 25
                                    

Chapter 14: AnaRic (Part 2)

Tatapusin ko muna ito bago magproceed sa book two at three. Kasi mahihirapan tayo kung alin ang dapat unahin. Mahirap kapag sabay-sabay.

Dedicated to @ALaSimpleWriter
Uy, paramdam naman diyan haha.

***

"Saan mo ba ako dinala?" naiinis kong tanong nang bumaba kami sa sasakyan panlupa na may apat na gulong.

Paano naman 'di ako maiinis? Tanong ako ng tanong tapos 'di man lang niya ako sinasagot. Hindi niya ba nakikita ang magandang dilag sa harapan niya? He is worst guy I ever met. Parang ipinanganak siya na may mental disorder. At tila nasalo na niya ang pagiging suplado.

He is not gentleman! Hindi man lang niya binuksan ang pinto ng what do you called this?ㅡahh car! Right it's a car. Ang sasakyan ng mga mortal.

Pero ang loko nilagpasan lang ako at tuloy-tuloy na lumakad. "Okay fine pakatawanan mo iyan. You dimwitted guy," bulong ko sa sarili ko habang matalim ko siyang tinitigan. Gosh, I don't deserved treatment like this!

I folded my arms on my chest while standing. Hindi ako susunod sa kanya hangga't 'di niya ako kinakausap. I rolled my eyes heavenward and shifted my gaze.

I glanced around. Hindi ko maiwasang humanga sa nakikita ko. Mortal world is different from Fantasia. I was surrounding by tall, unfriendly looking buildings yet it's beautiful and breath-taking.

May mga kotse ang dumadaan sa 'di  kalayuan at may iilan mortal akong nakita. Mga naglalakad, nagjojogging, may nakasakay sa sa sasakyan dalawa ang gulong at mga nakaupo.

And the reality hits me I'm no longer a witch… Paano ko naman hahanapin ang kapatid ko? Mukhang mahirap ito.

"Anastasia!" Ohh, ang ever-supladong lalaki dumating na. Sabi ko  na nga ba papansin na niya ako. Slowly, I turned my heels with my hair swaying.

I flashed my bitchy smile but I met his look like a heavy metal rocker. Magkasalubong ang kilay niya ng lumapit siya sa akin.

"Thanks goodness pinansin mo na ako after many years huhu," sabi ko ng sarcastic at kunwaring nagpupunas ng luha. Ewan ko pero bakit kaya napapatingin ang mga mortal sa amin. Oh my gosh! Attention I like it.

Mas ginanahan ako sa pinagagawa ko. Ginalingan ko ang pag-acting ko. Nang maalala ko ang minsang napanuod ko sa P.V. ba 'yun? D.V. iyong bagay na nakalagay sa sala ni Lyric. Ano nga ba iyon?

Ahh, T.V.

Naalala ko ang palabas ng isang facial clean. Magaya nga. Sinabon mo ngunit kulang hehe.

Tinaas ko ang mukha ko at pinatong ko sa noo ko ang isang kamay at 'yung likod ko ay bahagyang lumiyad. At sinabi ko with feelings,

"Bakit ganu'n?! Sinabon ko naman!" Sayang walang kurtina pero okay lang. Invisible curtain kunware.

"Ayaw kuminisssss!" my gosh ang saya nito! 'Yung mga mortal ay tuwang tuwa sa akin. Ang galing ko siguro um-acting.

Tiningnan ko ang reaction niya na halos magpalit na ang kilay niya na nagsalubong na at nagtatagis ang bagang. Pulang pula ang mukha niya.

Napahawak siya sa kanyang sentido at mahinang napamura. Matalim niya akong tinitigan halos ikamatay ko bwiset. "Tara na nga!" he said as he pulled me over in front of restaurant. Restaurant kasi maraming lamesa at may kumakain. Halerr, I'm not ignorant.

Pero, pero I felt strange sa puntong 'yun. Parang naground ako. Nevermind.

"Lyric, mali naman sinabi mo eh dapat sinabi mo ay girl! Tama na ang drama, mag-eskiㅡ" kusang nagsara ang bibig ko ng tiningnan niya ako ng nakakamatay at nakalalag panty.

Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon