Chapter 8: Party
Hello? I like to dedicated this chapter to my chingu na siyang gumawa ng ating bagong cover. Yes, a new and amazing cover @Hayunn. Thank you Xaqy.
Oh siya, hold your breath and let's begin the party!
"Why Anastasia? Bakit nakikita kong di ka masaya?" - Haxel
***
Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap talaga! Ito na ang araw ng paglilitis ko. Ito na ang katapusan ng pagiging single ko. Wala ng party, wala ng lakwatsa, wala ng pagkakatuwaan dahil malapit na akong matali sa di ko kilalang lalaki.
"Nagkalat na naman ang mascara mo miss Anastasia," untag sa akin ng isang taga-silbi habang inaayusan ako. Doon ko napansing lumuluha na ang mata ko at kumalat ang make-up in short nasira ang ayos ko.
Inayusan nila ako ulit for what? Lagi naman nasisira e. Anong oras na ba? sana huminto ang oras para hindi matuloy ang party. I look my reflection on the big mirror in front of me. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa laki ng pagbabago ko.
Nakapusod o naka-messy bond ang buhok ko ngunit may ilang nakalaglag na hibla ng buhok ko. Inipitan nila ako ng clips na may makikintab na design at sa ulo ko may maliit na crown. I'm looks like a princess. A gorgeous princess.
A princess that will turn into a queen. Ikakasal na ako! "Iyan na naman…" nalukot ang mukha ko at nagtutubig na naman ang mata ko nang maalala ko ang tungkol sa kasal.
"Iwan mo na muna kami saglit," I heard Agatha told to my make up artist and she obeyed. Nakita ko sa salamin ang pet guardians namin na lumilipad. Si Garnet nagtransform ng isang kalapati, si Emerald na mabilis na lumilipad at si Ruby na isang camelion ay lumilipad din.
Naramdaman kong inikot ni Agatha ang upuan ko at nameywang siya sa harapan ko. "Look at yourself. Mukha ka ng pulubi sa hitsura mo," aniya. Porke't magulo ang make up pulubi na agad?
"Pero…pero… Ayokong ikasal Agathaaaa!" naiiyak kong sabi at nagpapadyak. Para akong nagtatantrums but I don't effin care basta pauloy lang ako sa pagngawa. Tinakpan pa ni Alina ang tenga niya sa ingay ko.
"Makinig ka nga hindi naman kayo ikakasal agad agad once na magkita kayo mamaya. I-aanounce lang mamaya ang engagement niyo," aniya na parang wala lang ang okasyong magaganap mamaya.
"Para ikakasal pa rin ako!" I exclaimed like duhh doon din naman ang bagsak ko. This time padabog na tumayo si Alina suot ang blue gown niya. Bagay sa kanyang kulay ng suot niya, lumalabas ang kaputian niya.
Tumabi siya kay Agatha at tumingin sa akin. "You know what? Wag kang O.A. kung ako sa iyo kukuntsabahin ko ang magiging fiancee ko na huwag ituloy ang kasal. Di ba binigyan kayo ng time upang magka-developan? I'm sure ayaw niya rin maikasal sa di kilalang tao. Magkasundo kayo na hindi kayo talaga meant to be after that you have a possibility na hindi na kayo ipapakasal at hahanap sila ng new girl," mahabang litanya niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang maproseso ko sa isip ko ang sinabi niya. "OMG, you're right! Ganun nga," tuwang tuwa kong sabi sabay yakap kay Alina.
Tama, tama nga! Ang talino talaga ni Alina. Ganun lang pala kukuntsabahin ko 'yung guy. Gagamitin ko ang charms ko at ang titulo kong Witchy Bitchy.
Naramdaman kong naki-group hug na rin si Agatha sa aming dalawa. Pinipi namin sa gitna si Alina. "A-Ate 'yung gown ko!" reklamo ni Alina.
Pero mas lalo pa namin siyang niyakap ng mahigpit at tumawa dahil sa hitsura ni Alina.
BINABASA MO ANG
Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016
FantasíaFantasia's Fairytale presents... WITCHY BITCHY SISTERS SERIES Copyright 2014 *This story is book 1* Halina't subaybayan natin ang nakakaaliw, nakakatuwa, at nakakabaliw na kwento ng tatlong magkapatid na witch sa kanilang pakikipagsapalaran sa dalaw...