For more updates and fantasy stories with touch of different genres, pls. Visit my works/profile and feel free to read them.
Dedicated to: jvs_bloom
***
Anastasia's POV
A playful smile formed on my face when I saw their reactions. Para silang nakakita ng multo. Oh, lemme rephrase it. Para silang nakakita ng diyosa na bumaba sa kanilang mundo which is 101 % true.
Pinag-krus ko ang dalawa kong kamay sa dibdib ko at tiningnan sila isa-isa. Napalunok si Lyric,
"Kanina ka pa diyan?" tanong niya na mukhang patay-malisya lang.
Nagkibit-balikat ako at nag-smirk. "What do you think?" Napawi ang pagkabigla niya at inis ang pumalit. Wrong move Tasia.
"Kung ano man ang narinig mo kalimutan mo na lang. Its none of your business. Ledge, bumalik ka na lang bukas," seryosong sabi ni Lyric.
Tumawa ako ng marahan kaya nagtatakang tumingin sa akin ang dalawa. "Hindi ko naman ipagsasabi sa iba eh..."
"Good for you! Hindi na namin kailangan patayin ka," wika ni Ledge na ikinalaki ng mga mata ko. Seryoso? Papatayin ako?
Sinamaan siya ng tingin ni Lyric. "Joke lang!" Bawi ni Ledge. Napaismid ako, hindi magandang biro iyon.
Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "And besides tutulungan ko kayo sa kung ano man misyon niyo."
"What?"
"Nagpapatawa ka ba?"
"Oh Lyric mukha ba akong nagpapatawa? Bitch please.
Inikot ko ang mga mata ko as in duhh! "Sa maniwala kayo o hindi ako mismo ay nakaharap ko na ang sinasabi niyong kakaibang hayop dahil nga nagtatrabaho ako sa Phantom Dystop."
They both gasped but Lyric never left in his face the glare that saying I should stop saying nonsense and funny thoughts. But don't mind him because I'm too pretty to stop.
"I can help you. I have a list of mythical slash magical creatures exclusively I stole in Phantom Dystop," proud na proud kong sabi.
"Talaga? Wow, you stole it? Lyric maybe she can help us!" tuwang-tuwa wika ni Ledge at kinindatan ko siya. Pabor din sa akin ito dahil matutulungan nila akong lutasin ang misteryong bumabalot sa Phantom Dystop at kay Peter Phantom.
"No," matigas at malakas na sabi ni Lyric. Naibaba ko ang dalawa kong kamay sa gilid at 'di makapaniwalang tumingin sa kanya.
Hindi pwede! Mabilis akong lumapit kay Lyric at hinawakan siya sa braso.
"Why no? Tinutulungan ko na nga kayo ayaw mo pa? 'Wag ka ngang kill joy! Let me help you. I saw those creatures at nakakaawa sila. Kailangan nila ang tulong natin, kailangan nilang maligtas!" Pagkukumbinsi ko sa pusong bato na lalaki.
"Right. Tama siya." Buti pa si Ledge sumasang-ayon sa akin.
Inalis niya ang mga kamay ko na parang napapaso sa pagkakahawak ko. "I said no. Ledge, umuwi ka na tatawagan na lang kita." Uggh. Pabebe pa talaga.
BINABASA MO ANG
Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016
FantasyFantasia's Fairytale presents... WITCHY BITCHY SISTERS SERIES Copyright 2014 *This story is book 1* Halina't subaybayan natin ang nakakaaliw, nakakatuwa, at nakakabaliw na kwento ng tatlong magkapatid na witch sa kanilang pakikipagsapalaran sa dalaw...