26: Not safe

1.7K 82 25
                                    

Chapter 26: Not safe

Yey! Happy happy birthday to me kaya na-motivate akong mag-UD. Thank you Lord for giving me life and talents! Hulaan niyo kung ilang taon na ako may prize po sa tamang makakasagot! :) clue: Di lalagpas sa 12 at di sosorbra sa 30 haha.

Nga pala may pics. Na lalabas while you're reading. Para makatulong sa pag-iimagine nyo :D

tnx sa pagvote at pagbasa nito heartarquisal

 ****



10:20 pm, Amsterden multipurpose colleseum.

"Here we are at Amsterden Colleseum, the biggest and grandest colleseum in the southeast asia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Here we are at Amsterden Colleseum, the biggest and grandest colleseum in the southeast asia. And few minutes left, we will witness the historical event as they said...A historical event that would change the world! And I'm Lindsay Triffin from USA news, reporting..."

"Sinasabing ipapakilala na sa buong mundo ang makabagong teknolohiya at imbento ng Phantom Dystop ngayong gabi. Kaya naman 'di na magkamayaw ang mga tao ngayon at maski ang international journalists at news t.v. ay nakatutok ngayon!"

  "...Yes Mike. As you can see, maximum tolerance na ang pinapatupad ng kapulisan at dagdag mo pa ang daan-daang agents mula sa P.D. ang nagbabantay sa koleseyum. Sapagkat ilang kilalang personalid, mayayaman na pulitiko at ibang taga-ibang bansa ang dumalo sa pambihirang event ngayon..."

Buhol-buhol na trapik, nagkalat ang media at pati ang mga kapulisan sa buong paligid. Hinimpil ko ang motor bike ko sa tabi at tinanggal ang helmet na suot ko. Sinulyapan ko ang G-shock kong suot saka bumaba sa sasakyan. Malapit ng magsimula ang event at ng dahil sa trapik at kaliwa't kanang check points nalate ako ng kalahating oras. Ang dami pang tao.

Napapangiti na lamang ako habang dumadaan sa mga foreign medias na nagco-cover ng event ngayon. Tama lang iyan para mamaya ay masaksihan ng buong mundo ang kasamaan ng Phantom Dystop. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang daan kung saan ako dapat pumasok pero red carpet lang ang nakita ko at puro celebrities at politicians ang dumadaan du'n.

 Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang daan kung saan ako dapat pumasok pero red carpet lang ang nakita ko at puro celebrities at politicians ang dumadaan du'n

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon