19: Phantom Dystop

1.7K 76 20
                                    


Ang dami ko ng utang sa inyo! Huhu. Sorry po sa sobrang tagal ng pag-UD sobrang busy talaga. Mabuti pa at simulan muli natin ang kwento ni Anastasia! Love lots. Buhay pa kaya 'yung readers nito? :P malalaman natin hehe. Enjoy!

***

Previously: First day ni Anastasia sa trabaho niya sa Phantom Dystop. Umalis si Lyric dahil may misyon siyang gagawin within 3 days.

Present:

Anastasia's POV

"Alam mo naman na mananatiling sikreto ang lahat ng makikita at malalaman mo. Kung ayaw mong manganib ang buhay mo." Kumunot ang noo ko at nagtaka kung banta ba 'yung sinasabi niya. Itong supervisor ko na halos mawala na ang kilay.

Ginalaw ko ang muscles ko sa mukha hangga't sa makagawa ako ng isang pilit na ngiti.
"Oo naman po," sagot ko.

Makatapos ng ilang paliwanag ukol sa trabaho ko nagpalit na ako ng damit at sinuot ko ang uniform ko. Kumikinang na puting blouse at slacks lang naman ang suot ko pati ang sapatos ko ay puti rin. Mamomoblema ako nito, baka madumihan! Pinusod ko ang aking buhok hanggang sa maging dough nut style siya. Lastly, kinabit ko ang I.D. ko.

"Anastasia Salvador, Laboratory assistant." And I will solve the mysterious cases inside this company; Phantom Dystop.

Confirmed. Dito nga patagong dinadala ang mga magical creature na mula sa Fantasia.
Ang alam ko ay pinapahirapan sila dito.

Questions. Ano ang ginagawa nila sa mga nilalang na ito?
Bakit nila 'yun ginagawa, anong pakay nila?
Sino ang pasimuno sa dito?
Paano nila nabuksan ang portal sa mundo namin?

Uggh, too many questions! Dumagdag pa sa problema ko sa buhay. Pero naniniwala ako, na ako ang nakatadhanang sumagot sa mga misteryong ito.

I'm not a witch for now. I am detective Anastasia, flip hair and smile like a bitch.

I went to laboratory room. Sabi ay itatapat mo lang daw ang I.D. mo dito sa maliit na metal sa gilid. Ginawa ko nga 'yun at napaigtad ako ng biglang bumukas ang pinto. Nahati sa gitna, parang elevator door.

Hindi ito 'yung kwartong pinakita sa akin ng supervisor ko iba ito. Kaya hindi nakapagtataka na mamangha ako sa high-tech at ganda ng lugar.

May tatlo itong palapag at sa bawat palapag ay may nakahilerang human size capsule na gawa sa salamin. Sa loob ng capsule ay may lamang tubig at lumulutang dito ang iba't ibang uri ng nilalang!

OMG. Buhay pa ba sila? Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Masama talaga ang pakiramdam ko na gumagawa sila ng kababaglahan dito.

Sa gitna ng aking pagmamasid nakaramdam ako ng presence ng tao. "Ikaw siguro 'yung bago?" tanong ng babae na kapareho ng uniform ko.

Tumango ako. "Yeah," tinatamad kong sagot at saka muling tiningnan 'yung mga nilalang. I thought they're not existing here in mortal world.

"Ano pa tinatayo-tayo mo diyan?" Napaharap ako kay ateng na naiinip na. Kalerki, ano naman ang pinuputok ng butsi niya?

Iniabot niya sa akin ang isang makapal na folder. Tiningan ko ito at tinaasan ng kilay.
"Simulan mo ng i-check ang specimens. I-check mo kung stable ang vital signs nila. Ilista mo diyan. Maliwanag ba?"

Kinuha ko ang folder at putek ang bigat pala. Umalis na ang babaeng pasan ang daigdig. I think this is my job.

Binuksan ko ang folder at binasa ang nasa loob. Specimen 045
Type: Three heads
Age: 356 years
Gender: Male

Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon