Chapter 15: Witchy Bitchy
Dedicated to @Fairy_Dream salamat sa pagvote, comment! Love, love love!
--Book 2 and 3 posted!
***
Mundo ng mahika. Iyan ang mga kataga na napapakilala sa aming mundo ang...Fantasia. Ang mundo ito ay punong-puno ng mga kakaibang bagay at nilalang na sa panaginip mo lang makikita.
Kaiba naman sa mundo ng mga mortal. Malaki ang pinagkaiba ng mundong ito sa Fantasia not even the single of piece of it. Ni walang bahid ng mahika ang kanilang mundo. Pati ang mga nilalang dito ay masusungit.
Pero hindi ko lubos maisip na makikita ko ang mga nilalang na mula lamang sa Fantasia. Matagal ng isinara ang mga portal sa pagitan ng mortal at immortal kaya paanong may mga ganito sa mundo nila?
Anyare?
Pigil-pigil ko ang aking paghinga at nagtago habang pinapalagpas ko ang mga lalaki sa gawi ko. Buti na lang talaga hindi nila ako nakikita mula sa loob dahil tinted ang mga salamin.
"Wala na ba Garnet?" mahina kong tanong as in parang pabulong dahil baka marinig nila ako. Para akong tanga dito na nakasiksik sa ibaba ng upuan.
Nasaan na ba kasi 'yung gunggong na iyon? Si Lyric! Sumilip sa bintana si Garnet pagkatapos ay gumapang paibaba papunta sa'kin. "Wala na? Good."
Umupo ako sa upuan. At 'di ako mapakali. Ano ba Anastasia, uupo ka na lang ba? Kailangan mong alamin ang mga nangyayari. That baby cyclops he's in danger.
Please superego help me! Si Ego naman kasi puro pleasure ang alam. Si Id ay ako. Id, ego and superego. Bahala na kayo maghanap ng meaning niyan busy ako.
I sighed as I pushed open the door, cringing at the silent creak, but hoping someone would be around to hear it.
Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng kotse at agad na nagtago sa isang katabing kotse. Pumasok naman si Garnet sa bulsa ng suot ko. "Ssshhh..."
Pumasok ang mga lalaki sa tinatawag nilang elevator. Kuwarto na umaakyat baba. Lumipat ako sa isa pang kotse, sa pangalawa, sa ikatlo at sa isa pa habang nakayuko. Para na nga akong gumagapang. Sana naman 'di ako magmukhang magnanakaw o stalker dito.
Nang tuluyan ng sumara ang pinto ng elevator doon na ako naglakad ng nakatip toe at luminga linga na rin ako sa paligid baka may tao. Okay, Anastasia nasa tapat ka na ng elevator what's next?
"Eeeckk, eeckk!" My eyes rolled heavenward as I placed my hands on my waist.
"Okay Garnet susundan ko na..." pinindot ko ang button sa may gilid then nagbukas ito. I stepped inside and automatically closed the door. Buti walang mortal na nakaupo sa sulok na siyang taga-pindot.
Taga-pindot ng mga numero na hindi ko naman alam! "Oh my goodness!" napapikit ako ng mariin sa kagagahan na napasok ko. Hindi ko alam kung paano paandarin ang elevator! Baka disaster na naman ang mangyari tulad ng nangyari sa bahay ni Lyric.
"Garnet paano ito? I don't know what to do! Garnet huhuhu," nagsisimula na akong mag-hysterical. Umandar na ang elevator jusko, baka saan ako mapunta.
"Ecckkk!"
"What? Favorite number ko?" sinuggest niya kasi na pindutin ko ang favorite number ko. Hmmm, bright idea!
"Oh sige." pinindot ko ang number twenty two na favorite number ko. I took a deep breath and wait for a couple of minutes.
Ilang sandali ay bumukas ang pinto ng elevator ng nasa pang-ten ang number. Pagkabukas ay may ilang mortal ang nakatayo sa labas at mukhang papasok sila. Lahat ay nakaputi ang kasuotan at seryoso ang mga mukha. Napalunok ako ng lahat sila ay tumitig sa'kin at nagtinginan.
BINABASA MO ANG
Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016
FantasyFantasia's Fairytale presents... WITCHY BITCHY SISTERS SERIES Copyright 2014 *This story is book 1* Halina't subaybayan natin ang nakakaaliw, nakakatuwa, at nakakabaliw na kwento ng tatlong magkapatid na witch sa kanilang pakikipagsapalaran sa dalaw...