24: Only way

1.7K 82 23
                                    

Chapter 24: Only way.

Dedicated to: rsnnexocruz

Hope you enjoy!

***

Matapos ang pagpupulong na naganap naging abala na kami sa paghahanda sa gaganaping grand opening conference. Okay, ano nga ba ang event na ito?

Grand opening conference is the biggest and very important event that would be happen in Phantom Dystop and will change the world. Para siyang APEC na kumbaga. First time lalabas sa publiko ang mga pinagagawa ng Phantom Dystop. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ng gobyerno ng mundo nila ang ganito!

Layunin nito na ipapakilala ang bagong tuklas na species ng animals sa mundo nila at mga nilalang na mula sa mundo namin na hanggang sa ngayon 'di ko alam kung paano napunta sa mundo ng mga tao. But I have an ideas...

Maaring binuksan ni Headmaster Peter Phantom ang traydor na wizard ang portal sa Fantasia sa tulong ng tatlo pang traydor sa mundo namin sina--Rhaj, Salve at Sierro. May isa pa pala...si Satana! Gustong-gusto ko ng gilitan ang babaeng iyon.

Anyways, bukod sa mga hayop pati human race pinapakelam na nila makagawa lang ng bagong lahi ng mortal, I wonder kung saan gagamitin ni Peter Phantom itong experimento niya. At ang pasabog nila sa gabing iyon ay ang crossbreed ng tao sa phoenix.

Hayy, I already told these to Lyric at sila na raw ang bahala. May gagawin yata sila against P.D. and I want to help! I want to be part of it.

"Anastasia, nakikinig ka ba sa akin?" Napakurap ako at natigil ang pagde-daydream ko. I realized na kasama ko pala ang boyfriend ko (yeah, pinagpipilitan niya na kami na kahit nililigiwan niya pa rin ako at 'di ko pa siya sinasagot).

Napatingin ako sa paligid, until I found out that we're here in a cozy restaurant having a dinner.

Napasimangot siya. "You're not listening!" Dahil sa pagsigaw niya napatalon tuloy si Garnet mula sa lap ko at natabig niya ang kutsara ko.

Nagulat si Lyric. "At dinala mo pa iyang alaga mo?" he said, frowning. Kinuha ko ang squirrel at nilagay ulit sa lap ko.

I raised my eyebrow. "Pet guardian ko siya at 'di ka naman inaano ni Garnet," sagot ko ng nakanguso.

"Ano ba iyong sinasabi mo?"

"I was saying that you wust be careful. Mag-iingat ka kapag nasa Phantom Dystop ka at huwag na hawag kang gagawa ng kahit ano na ikakapahamak mo at namin. Leave it to us and stop reporting like you are detective. At isa pa bla bla bla..." wika niya na hindi ko na sinundan dahil paulit-ulit na at kahit ano naman pagbabawal niya susuwayin ko pa rin siya. He's wasting his saliva. Para siyang si Dad.

Kaya kesa pagtuunan siya ng pansin pinag-tripan ko na lang ang tinatawag nilang pork steak infairness ang sarap pero ayoko naman tumaba. Sa mundo ng mortal marami akong nakakain na masasarap na pagkain. Ang pinakagusto ko ay 'yung adobong pusit at lumpiang sariwa. Sobrang sarap talaga nu'n!

"...Naiintindihan mo ba huh?"

"Yeah yeah. Oo na." Whatever.

"Isa pa...mawawala ako ng ilang araw dahil sa alam mo na." Hmp, lagi naman. Hindi niya ako sinasali sa misyon nila lalo na ngayon ay malapit na ang big event ng P.D.

"Okay, ingat ka," sagot ko. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya edi huwag. Magsasarili na lang ako.

"How about the phoenix?" I asked lately. Hindi naman pwedeng pabayaan ang phoenix. Balita ko itong nakaraang araw, on-going pa rin ang paghahanap ng guinea pig ika nga o sample na tugma sa genes ng phoenix.

Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon