23: Suprise

1.6K 87 15
                                    

Salamat po sa nagtitiyagang magbasa ng trilogy na ito :)

para kay: beawesomex, salamat sa pagbabasa ng mga story ko,

*****

Anastasia--

Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi pwedeng magkamali ang mga mata ko. Si Agatha, ang kapatid ko, ang nakita kong dumaan sa harapan ko. Pero hindi niya suot ang gown na huling damit niya ng magkahiwalay kami. Tandang-tanda ko pa nga 'yung disenyo nu'n.

"Agatha!" tawag kong muli and these time naigalaw ko na ang mga binti ko. Kahit mataas ang takong na suot ko pinilit ko pa rin habulin ang kapatid kong parang walang naririnig.

"Anastasia! Saan punta?!" Holy crap Andy kahit ngayon lang 'wag ka munang umeksena.

Kahit nabubunggo ko na ang mga nakasalubong ko at natatapilok na ako wala akong pake. Ang mga mata ko ay tutok na tutok sa likod ni Agatha habang bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Nanabik muling makita siya.

"Agatha, Agatha sandali lang! Aray! A-Agatha ako ito!" hingal na hingal kong sigaw. Gusto kong magtatalon sa saya ng huminto siya at luminga-linga sa paligid.

Shit. Tumakbo na ako papalapit sa kanya at hinigit ang braso niya.

"Agatha..." I said. Humarap siya sa akin ng gulat na gulat at sa puntong 'yun doon ko na siya natitigan.

Bukod sa pantalon at itim na blouse ang suot niya ngayon mas umikli ang dati niyang mahabang buhok, pumayat siya at maputla ang balat. Pero kahit ganu'n maganda pa rin siya, kamukha ko.

"Ikaw nga!" bulalas ko at niyakap siya. Siya nga si Agatha! Nahanap ko na siya sa wakas.

"A-Ano ba!" nagulat ako ng bigla niya akong tinulak at disgusted na tumingin sa akin.
Tila huminto ang oras ko at naguguluhan sa nangyayari.

"Agatha ako ito si Anastasia. Ang ate mo. Don't you remember?" sabi ko na parang iiyak na. Umiling siya at naawang tumingin sa akin.

Bumuntong-hininga siya.
"I'm sorry miss pero hindi kita kilala. Wala akong kapatid," sabi niya.

Doon na uminit ang dalawang sulok ng mga mata ko at biglang nanikip ang dibdib ko. Ang mga kataga niya'y parang baba ni Andy...parang patalim na tumutusok sa puso ko.

"H-Hindi. May kapatid ka! Agatha----" sinubukan kong lumapit pero umiwas siya at natatakot na umatras palayo sa akin. Napahikbi ako, labis akong nasasaktan sa ginawa niya.

Bakit? Bakit 'di niya ako naalala. Siya ang kapatid ko. Buhok at damit lang ang nabago sa kanya!

"Sorry talaga. Uhh, nagmamadali kasi ako. Sige." Mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling lumakad.

"A-Agathaa!" I yelled as I walked fast. Sa kakamadali ko natapilok ako at nadapa sa harapan ng maraming tao.

Napamura ako dahil bukod sa napahiya ako ay 'di na ako makatayo dahil ang sakit ng paa ko. Bwisit talaga!

"Wait Agatha bumalik ka dito!" naiinis kong sigaw at parang baliw na gumagapang sa sahig.

"Anastasia!" Dumating si Andy at agad akong dinaluhan.

Nangangatog na hinarap ko siya. "Andy, nakita ko na siya! Ang kapatid ko, si Agatha. Andy, nakita ko na siya. Habulin natin siya...Ahh!"

"Naku na-sprain ang paa mo. Huwag ka munang tumayo." Dali-dali akong kumapit sa balikat ni Andy at pilit na lumakad pero punyeta I can't!

Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon