Chapter 9: Tragic night
Kamusta na? Haha. Dedicated to @Akiro08 thank you sa pagsuporta. Sana magparamdam ka naman minsan haha! Nagustuhan niya ang line ni Agatha na 'Time is diamond' harhar.
Gusto niyo ba ng romance o love story? Try my new story "Reincarnation of a Prince" slight fantasy and with korean culture. Check niyo na lang thanks :D
***
PREVIOUSLY ON WBS:Nakatakda na ngang ipakasal si Anastasia sa kanyang fiancee at nalaman nila na si Haxel ito, ang magician. At ang mas bongga ay gusto pa ito ni Alina.
Habang nagaganap ang party biglang sumulpot si Satana at nakipagkita sa ina niya. Pero, pero mukhang mahuhuli siya ni Mr. Marvin Swansbridge! What will happen? Let's see.
***
"M-Marvin?!" naging garalgal na ang boses ni Samara dahil sa gulat at kabang nararamdaman.
Hindi niya maiwasang matakot sa hitsura ng kanyang asawa. Napakadilim ng ekspresyon niya, nakakuyom ang palad, naggagalawan ang mga ugat sa leeg at matatalim ang titig. Ngayon lang niya nakita na magkaganyan si Marvin.
Mabigat na humakbang papalapit si Marvin sa dalawa at bawat paghakbang niya ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib.
"Samara…" bulong niya at lumipat ang tingin niya kay Satana. Tila sinusuri ang kabuuan ng dalaga. Dali dali namang tinakpan ni Samara si Satana kaya sa kanya nalipat ang atensiyon.
"M-Marviㅡ" nabigla sila ng biglang lumipad ang kamay ni Marvin sa kanang pisngi ni Samara at nakagawa ng malakas na tunog. Sa galit ay nasampal niya ito.
"Mama!" agad na dinaluhan ni Satana ang kanyang ina na halos matumba sa lakas.
Nanlaki ang mga mata ni Marvin sa katagang narinig niya. "Mama? Sabihin mo I-Ina mo ba iyang babaeng iyan?! Tama ba ako ng pagkakarinig? Ha? sumagot ka!" galit na galit na sigaw ni Marvin na sobrang pula na ng mukha. Nais niyang makumpirma ang lahat lahat. Kung bakit nagawang magtaksil ni Samara. At sino ba si Satana.
"Hindi Marvin. H-Hindi ko siya anak!" pagsisinungaling ni Samara sabay hawi ng kamay ni Satana at lumapit sa asawa.
Naitikom bigla ni Satana ang kanyang bibig upang pigilan ang paghikbi. Sobrang nasaktan si Satana sa sinabi ng kanyang ina…na itinanggi siya sa harap ng ibang tao. Masakit 'yun para sa kanya.
Ngunit 'di naniwala si Marvin. "Sinungaling! Sabihin mo ang totoo!" bulyaw ni Marvin sa dalaga. Nagpalipat lipat ng tingin si Satana sa dalawa at nag-iisip kung sasabihin ba niya ang totoo?
Huminga ng malalim si Satana at lihim na nangangatog na ang tuhod niya dahil maski siya natatakot sa reaksyon ng matandang Swansbridge. Ang isa sa makapangyarihan at mataas na mugwump sa buong Utopia.
"O-Opo anak niya ako at ina ko siya," diretsong sagot niya na kinagalit ni Samara.
Lumapit siya kay Satana at marahas na kinabig ang braso. Idiniin niya ng ubod nang lakas ang braso ni Satana 'yung tipong mapupunit na ang balat.
"Bawiin mo! Bawiin mo ang sinabi mo! M-Marvin wag kang maniwala dito! Hindi ko siya anak!" sigaw ni Samara habang sinasaktan si Satana. Sa isip niya ay galit na galit siya. Tuluyan ng napaiyak si Satana bukod sa masakit na ang braso niya ay labis labis na rin ang sakit na nararamdaman niya.
Pumikit ng mariin si Marvin habang gumagalaw ang adam's apple niya sa pagpipigil at halo-halong emosyon.
"Tama na. Tama na Samaraa!! Nabisto ka na sa kawalang hiyaan mo! Nagsikreto ka at nagtaksil ka! Niloko mo ako. May anak ka pala at nalaman kong yaman lang ang habol mo sa akin!" galit na sigaw niya na ikinatigil ni Samara. Wala rin naman makakarinig sa kanilang usapan dahil abala sa mansion ang lahat at napakaingay gawa ng twin moons celebration.
BINABASA MO ANG
Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016
FantasíaFantasia's Fairytale presents... WITCHY BITCHY SISTERS SERIES Copyright 2014 *This story is book 1* Halina't subaybayan natin ang nakakaaliw, nakakatuwa, at nakakabaliw na kwento ng tatlong magkapatid na witch sa kanilang pakikipagsapalaran sa dalaw...