30: Tears of Phoenix

1.7K 81 27
                                    

30: Tears of Phoenix

All in all we have 30 chapters and yes, this is the last chapter. The end is about to happen and I do hope you enjoyed reading this fantasy story. The first installation of Witchy Bitchy Sisters Series.

Thank you @TheBlueTwister for making me a cover.

Thank you @TheBlueTwister for making me a cover

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----

Lyric

Natulala lang ako habang nakatingin sa kanya. Nahihirapan na akong huminga maski pagkurap ng mga mata ko'y 'di ko na magawa. Anong nangyayari? Akala ko tapos na pero bakit ganito?

"Aaah..." impit siyang umuungol at nahihirapan. I don't know what the hell is happening to her.

Nagulat na lang kami ng may itim na usok ang pumapaikot sa katawan niya habang siya'y walang tigil sa pag-ungol at pagdaing. Naikuyom ko ang aking palad habang lumalapit sa kanya. Nanginginig ang mga kamao ko pati tuhod ko sa mga oras na iyon.

I held her hands tightly. Habang pilit na hinahawi ang itim usok na iyon sa pamamagitan ng paghawi nito pero wala naman nangyayari.

"Anong nangyayari?! Anastasia, naririnig mo ba ako?! Anastasia! Anastasia!" I shouted with a shaky voice.

Hindi niya ako naririnig. Habang tumatagal ay lumalala ang kalagayan niya. Para siyang sinasaniban. Anong gagawin ko? Nalilito na ako. Ano ba ang silbi ko dito? Wala naman na si Phantom. Hindi ko na namalayang naiiyak na ako sa sobrang pag-aalala, takot at pagkalito.

"Dalhin na kaya natin siya sa ospital?" Natatarantang sabi ni Nerine at hinawakan ang isang kamay ni Anastasia. Sa palagay ko hindi kayang magamot ng Doctor si Anastasia. 'Di ito simpleng sakit lang. Hindi ako kumibo o ni tingnan man siya. Kasi kapag gagawin ko iyon pakiramdam ko'y maglalaho si Anastasia.

"Sumpa..." sambit ni Andy habang awang-awa nakatingin kay Anastasia.

"A-Anong sabi mo?!" sigaw ko. He looked at me and said it again.

"Sinumpa siya Lyric. Sa tingin k-ko nasa ilalim siya ng magic?" Hindi siguradong sabi niya.

"Sino naman ang gagawa nito?" I said, ignoring the pitch of my voice. Goddamit, wala na si Peter Phantom sa mundong ito.

Kailan pa ba ito matatapos?

"Aaaahh!" She screamed in agony. My heart was pounding and I felt sudden coldness as I watched her. Ano bang dapat kong gawin? Manunuod na lang ba ako dito habang siya ay nahihirapan. Namumutla na siya at ang labi niya ay nagiging itim.

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya na anumang oras ay baka maglaho siya na labis kong kinakatakutan. Animo'y humahawak ako ng yelo sa lamig ng palad niya. Humuni ang mga hayop sa gitna ng pagtatangis ko, 'di ko alam kung nakikisimpatya ba sila o hindi.

Hindi nagtagal nalaman ko na kung bakit ganu'n na lamang ang pag-iingay ng mga hayop na iyon.

"T-Tingnan niyo!" nauutal na sabi ni Andy at tinuro ang bagay na nakikita niya sa langit.

Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon