3: Pain inside

5.4K 151 10
                                    

Chapter 3: Pain inside

"And my story is a secret. No one knows except me and my Dad." -Agatha

--Agatha's POV--

You know I love about my sister Tasia? she's unpredictable, she likes to suprise us in her pranks, she likes to catch people attention and she's definitely a bitch.

Yes, minsan naiinis ako sa mga padalos dalos niyang desisyon, sa panti-trip niya, sa pagiging bobita niya at sa pandadamay niya sa amin pero nasanay na rin kami ni Alina.

Tulad kanina wala siyang pasabi na maglalagay pala siya ng frogs sa room. Iyan tuloy 'di natuloy 'yung ka-blind date ko and uggh, my hair.

Nag-fly away na, ano na lang ang sasabihin ng mga lalaking nahuhumaling sakin? sa fans ko? Kainis naman.

"Stop touching your hair nakakairita, ate." puna ni Alina habang sinusuklay ko ang aking mahabang buhok.

"As usual playing with her broomie," sagot ni Alina habang binubuklat 'yung librong hawak niya. Nasa karwahe kaming dalawa pauwi na sa aming mansion at natatanaw ko na ang mansion. Bumaba na kami ng karwahe nang makarating kami ng aming mansion.

Mataas at kulay pula ang gate na may nakapulupot na malalaking ugat at baging ng halaman. Gumapang paalis ang mga baging at ugat nang maamoy nito kami dahil may kakayahan sila na malaman ang kung sino ang mga nakatira sa mansion.

But once na mag-trespassing ka 'di ito magdadalawang isip na atakihin ka nito. Agad na sumalubong sa amin ang fairies na lumilipad lipad pati ang garden gnome na masayang naglalaro sa garden. Mayroon din maliit na crystal water fountain at garden na pagmamay-ari namin.

"Hi, kamusta kayo? Masaya ba kayo?" masigla kong tanong sa fairies na lumilipas. Syempre, hindi ito nagsasalita kaya naman body language lang ang naiintindihan ko.

Nakita kong kinukulit ng garden gnomes at fairies si Alina pero  hindi niya pinapansin ang mga iyon.

'Di man lang niya ito babatiin?

"Hey, pansinin mo naman daw sila," I said to Alina. Huminto siya sa paglalakad, tumingin sa mga cute na nilalang at nag-aalinlangang ngumiti.

You know ayaw ni Alina ang makipag-socialize o makipag-usap sa iba kung hindi ka niya close o kapag wala siyang kailangan sa'yo.

"H-hello," bati ni Alina at natuwa naman 'yung fairies sa pagbati ng kapatid ko.

Naglakad na kami papunta sa bahay at sa tapat ng main door, natatanaw na namin si Oliver. A six-armed monster in human form, ang aming family butler.

196 years old na siya kaya mula sa aming ninuno ay matapat siyang naninilbihan sa Swansbridge family.

Pero ang hitsura niya ay parang nasa mid-40's na dahil may iniinom siyang aging potion kaya nagmukha siyang bata at malakas.

Kulay pilak ang buhok niya, matipuno ang pangangatawan, malaking tao, magandang lalaki kung tutuusin at may anim siyang kamay.

Nag-bow siya sa amin at bumati. "Magandang araw young ladies, bakit ang aga niyo pong nakauwi?"

"As usual because of Ate. Nandiyan na po ba si Tita Samara?" sagot ni Alina kay Oliver. Parang biglang sumama 'yung pakiramdam ko nang mabanggit ni Alina ang nakakasukang pangalan sa buong Fantasia.

"Opo nandito na siya. Si Young lady Anastasia po?" tanong ni Oliver sa amin nang mapansin niyang kulang kami.

"Naririnig ko na siya and within 20 seconds ay nandito na siya sa area." wow, bukod sa may enhance intelligence siya na ang sadyang napakatalino talaga.

Anastasia: The Troubled Witch (Completed) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon