PROLOGUE
NAWALA ANG tingin ko sa pagkain namin nang bigla niyang hinampas ang table na kanina pa naming sinasaluhan. Hinampas niya yung table pagkatapos kong sabihin sakanya ang totoong sadya ko.
"Paano nangyari 'yon?!"
Malaya siyang sumigaw o kahit sakalin niya pa ako ay magagawa niya dahil nasa pribadong kwarto kami ng restaurant kung nasaan kami ngayon.
Unti unti akong nag-angat ng tingin sakin. Napalunok ako dahil mukhang galit na galit siya. He was gentle noong unang beses naming nagkita. Actually, pangalawa pa lang itong ngayon.
Hindi ko rin itatanggi na takot rin ako sa inaasta niya.
"S-sorry, hindi ko naman ginusto—"
"Are you sure that the baby is mine?" Natigilan ako at natulala sakanya.
Ilang beses pa akong napatitig sakanya para masiguro ko kung talagang tinanong niya 'yon sakin o hindi.
Pinapalabas niya bang baka iba ang tatay nitong baby ko?
Nagtangis ang ngipin ko bago sumagot. "Oo, sigurado akong ikaw ang tatay nitong baby ko kasi—"
"How are you sure? I'm not even your first! paanong sigurado ka na ako ang ama nyan?!" Napaigtad ako at bahagyang nangatog ang binti sa takot.
Natatakot akong baka bigla na lang niya ako pagbuhatan ng kamay o hindi kaya gawin ang bagay na hindi ko gusto. Nangyari na sakin 'yon noon sakin... I was abused by my ex-boyfriend.
"W-wala naman akong ibang naka-sex—" Kumuyom ang panga niya.
"Did you planned this?" Natulala ako.
"Ha?"
"Na mabuntis kita? Gusto mong makakuha ng pera sakin? Pinikot mo ko? Noong gabi sa Auction, alam mong posibleng may mangyari sainyo kung sino mang makakabili sayo. Bakit hindi ka uminom ng pills? Para mapikot mo?"
"Excuse me? Ni hindi ko nga gustong magka-anak tapos pagbibintangan mo 'kong pinipikot ka? Kahit kailangan hindi ko ginustong mabuntis!" Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses. "Isa pa, kasalanan ko bang naubusan ka ng condom at tatlo lang ang dala mo pero gusto mo pang umisa?!" Hindi ko na maiwasang sumagot
Namula ang pisngi niya.
"Oh, right! that's why your occupation is pleasuring men, huh. Ano na lang ang iisipin ng anak mo kapag nalaman niyang ganyan ka?"
Agad nangilid ang luha ko sa sinabi niya. Hindi naman ako iyakin pero sobrang emosyonal ko nitong huling araw. Siguro dahil nga sa pagbubuntis ko.
Isang gabi lang ako naging bayaran. Sakanya. Kailangan ko ng pangbayad sa upa ko sa bahay dahil mawalan ako ng trabaho. Kailangan ko rin bayaran ang mga utang ko dahil sa naging gastusin sa lola kong... wala na.
May posibilidad na may mangyari samin ng bibili sakin sa Auction na 'yon pero pumayag parin ako dahil kailangan ko nga. Isa pa, wala naman nang mawawala sakin. Hindi naman 'yon ang magiging una ko.
Hindi rin ako umiinom ng pills dahil hindi naman ako nakikipag gano'n. Hindi ko naman alam na... ganito kabilis mabuntis.
"Kung inaakala mong pinipikot kita, 'wag kang mag-alala dahil hindi ko naman gustong panagutan mo 'ko. Gusto ko lang aware ka pero kung ayaw mo sakanya at hindi mo siya matanggap, fine! Hindi kita pinipilit!"
Nag-unahan agad ang luha ko. Sana pala hindi ko na lang sinabi sakanya. Sana... sana tinago ko na lang ang tungkol dito.
Nakakasama ng loob ang inaasta niya. Lagi na nga akong pinapamigay ng mga magulang ko, pati ba naman ang anak ko mararanasan din 'yon? Hindi ako papayag!
"'W-wag kang mag-alala. B-baka nga hindi ikaw ang ama nito... bibilangin ko na lang ulit," Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Wala na akong pake kung iba iba ang statement ko basta gusto kong bawiin!
Hinanap ko agad ang bag ko. Uuwi na lang ako!
Maling mali na pumunta ako rito. Nagsisisi akong sinabi ko sakanya. Nakalimutan ko nga pala kung sino siya at kung saang pamilya siya galing.
"Kalimutan mo na lang ang sinabi ko."
Inalis ko ang mga luha sa mukha ko bago ako tumayo. Ni hindi ko na siya nilingon nang makalabas ako doon sa restaurant.
Naninikip ang dibdib ko dahil sa hayop na 'yon.
Wala akong ibang nagawa kung hindi maupo sa gilid sa parking lot paglabas ko sa restaurant. Niyakap ako ang sariling tuhod at doon umiyak.
Hinaplos ko ang sariling t'yan kaya mas lalo akong naiyak dahil naalala ko pa yung sinabi niya tungkol sakin. Ano na lang daw ang iisipin nitong anak ko.
"I'm sorry... I'm sorry, baby. Huwag kang mag-alala, kayang kaya ko naman 'to." Humikbi ako. "H-hindi ka naman magiging kaugali ng tatay mo, hindi ba?" Dinikit ko ang noo sa tuhod ko. "Hindi ka magiging pabigat..."
Bigla akong nakaramdam ng antok. Bigla akong kinabahan dahil baka dito pa ako makatulog. Isa pa, hindi pa ako kumakain kanina pang tanghali dahil wala akong gana. Kanina lang ako nagkaro'n ng gana nang makita ko yung pagkain sa restaurant pero hindi naman ako nagkaro'n ng pagkakataong kumain. Soup lang ata ang nahigop ko kanina.
Bigla akong natigilan.
Hinaplos ko ang bandang tagiliran ko nang kumirot 'yon. Bigla na naman akong umiyak kaya mas kumirot ang tagiliran ko.
"Ang sakit, ano ba 'to..."
Napatungo ulit ako habang hawak ang tagiliran. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala naman akong idea sa ganito. Suminghot ulit ako dahil hindi ko alam ang gagawin talaga.
"Fuck,"
Napatalon ako sa gulat nang biglang may dumaan na braso sa ilalim ng binti ko at kasabay no'n ang paglutang ko sa ere.
Natulala pa ako nang makita ko kung sino ang bumubuhat sakin.
"A-anong ginagawa mo? Ibaba mo 'ko!" Matalim niya akong tinignan. Naglakad siya sa kung saan kaya pumiglas ako. "Ano ba?!"
"Will you shut up? Stay still, Felisse!" Natigilan nga ako. Isang buwan mahigit na mula noong may nangyari samin at... natatandaan niya pa ang pangalan ko.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Uuwi na nga ako, e!" Sumimangot siya. Nakita kong palapit kami sa kotse niya.
"Shut up."
"Anong shut up?! Ibaba mo nga ako!"
Pinasok niya ako sa sasakyan niya. Gano'n kabilis dahil para siyang atat sa buhay! Baka ipapatay ako nito para lang matakasan niya ang responsibilidad niya?
Gusto ko tuloy ulit umiyak.
"A-ano ba?" Tanong ko nang makapasok siya.
Mariin siyang pumikit.
"Ilang linggo na 'yan?" Napakurap ako.
"S-seven weeks..." Tumango siya bago nag-umipasang magmaneho. "Saan mo ako dadalhin?"
"You can stay in my condo," Nalaglag ang panga ko. "My old condo. Don't worry I'm not staying there."
"Bakit naman doon ako titira? May apartment naman ako—"
"Damn it! What if you're carrying my baby? Doon ka parin tutuloy? I want my baby's momma to be comfortable while he's or she's still inside you." Napakurap muli ako.
"Pero akala ko ba ayaw mo sa baby ko?" Tumigil siya bigla at hinarap ako.
"I never said that. Listen, Felisse, kapag nine weeks na 'yang bata sa t'yan mo, ipapa-DNA test ko. I want to make sure that the baby is mine."
Wala ako sa sariling tumango.
"And if ever the baby inside you is mine... I'll marry you."
LESSURSTORIES
hi! i'm kinda curious kung paano kayo napapadpad sa story ko. a little favor hehe. if you're from tiktok or facebook, can you please drop the username/page name? thank you in advance!
clarification, username or page name ng nag-post as a recommendation and not your own personal accounts hehe.
BINABASA MO ANG
Bought for a Night
Romance[ Hurricane Cousins : Logan Reid Rivera ] "I would buy you in any auction you will join. No matter how expensive you are, I'm going to have you." - Logan Reid Rivera It all started with an Auction. An Auction for bored Billionare's and one of those...