BFAN : 35

91.5K 945 32
                                    

CHAPTER 35

FELISSE

                        "HOW DARE YOU?!" Nanggagalaiti na ito sa inis pero hindi ko na pinalitan pa ang pasya ko.

Kasal pa kami ni Logan. Kasal kami at hindi ako papayag na basta basta na lang maapakan ang pagkababae ko rito. Ako ang may mas karapatan samin ni Elvira. Ni wala nga siyang pinanghahawakan sa asawa ko!

Wala nga ba?

"Makakaalis ka na. Hindi na kailangan ni Logan ang pagkain na 'yan. Ipagluluto ko na lang ang asawa ko dahil for sure, nami-miss na niya ang luto ko," Matamis akong ngumiti sa babae.

Tumanaw pa ang babae sa likod dahil bukas pa ang pinto. She shut her mouth as she rolled her eyes on me and walked away.

Naka-backless nga.

Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa suot ko. Yung shorts ko kagabi at itong shirt ni Logan ang suot ko. Nanulis ang nguso ko.

Okay lang. Mas maganda naman ko sakanya.

Chinita lang siya pero kulay abo ang mga mata ko.

"Felisse," Napatalon ako sa gulat nang biglang may humawak sa braso ko.

"A-ano ba?" Nagulat ako ro'n, ha? Ang bilis ng kabog ng puso ko dahil sa bigla niyang pag-sulpot.

"Why are you still here? Hindi ka na ba uuwi kina Mommy? Are you going to stay here?" May bakas ng pag-asa ang tono niya. Iiling pa lang sana ako nang maalala ko si Elvira.

Sure akong babalik 'yon dito para tignan kung talagang bumalik na 'ko. At kapag nalaman wala pa ako rito, kukunin niya ang pagkakataon na 'yon para kunin sakin ang asawa ko.

Hindi ko hahayaang maapakan ng babaeng 'yon ang pride ko.

Unti unti akong tumango kay Logan, tinanaw ko siya para makita ang reaksyon niya.

Namilog ang mga mata niya at agad gumuhit ang malaking ngiti sa mga labi niya.

"Thank you!" He grabbed my pulse to hug me. Sumubsob ako sa dibdib niya! Mahigpit ang yakap niya sakin at nakikiliti ako dahil tumatama ang hininga nito sa leeg ko.

Unti unting umangat ang kamay ko para tapikin siya. I don't want to hug him back, 'no!

"You don't know how happy I am, Felisse... I've been waiting for this," Tinigilan niya ang pag-yakap sakin para tignan ako. "I'll do better. I'll be a better husband, Felisse. I won't hurt you anymore,"

He caressed my cheeks. I swallowed hard when I felt his warmth. Ngayon ko lang naramdaman, na sa loob ng apat na linggong 'yon, ito pala ang hinahanap hanap ko.

So, this is how it feels like to come home. To come home to my husband.

"Thank you for giving me another chance..."

My lips trembled, umiwas agad ako ng tingin bago pa lumuha ang mga mata ko.

"Hindi madali saking gawin 'to pero susubukan ko parin para kay... para kay Ysrael," Nabawasan ng saya ang mukha nito. "Konting oras pa,"

He forced himself to smile. He held my hand and kissed it.

"That's more than enough, wife."

We went back inside our penthouse.  Umakyat kami sa kwarto to shower, but not together!

Ako muna ang nag-shower habang nilinis naman ni Logan ang kalat niya kagabi. And nang matapos ako, ako na ang naglaba para naman makaligo na siya at para masundo na namin ang anak namin!

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon