CHAPTER 23
FELISSE
SINARA KO ANG magazine na hawak ko. Kanina ko pa ito binabasa dahil wala akong magawa. Gusto kasing maglaro ni Ysrael kasama si Logan kaya nag-iisa ako ngayon.
Rest day ni Logan kaya nasa anak namin ang buong atensyon niya at mamayang gabi, sakin naman.
Wala akong idea sa trabahong ginagawa ni Logan at Elvira pero ang pagkakaalam ko, hindi pa masyadong maraming meetings ang ginagawa nila at bihira lang magkita dahil as much as possible, ang sekretarya ni Logan ang pinapadala niya.
Binalingan ko ng tingin ang magazine. Kanina ko pa ito pinag-iisipan gawin. Hindi ko alam kung papayag ba si Logan sa gagawin ko pero sa tingin ko, okay lang naman sakanya.
I was reading this article that's connected with rape. I want to raise awareness about rape and to empower those rape victims. Gusto kong gumawa ng isang maliit na event para ro'n.
Matagal ko nang gustong gawin 'to pero wala naman akong pera noon at ngayong meron na, wala akong nakikitang hindi maganda para hindi ito gawin.
Alam kong may mga lalaki at babaeng biktima nito na natatakot magsalita o gumawa ng aksyon dahil alam nilang hindi sila paniniwalaan o maaaring gamitan ng pera o baliktarin.
Katulad ko noon.
Kung hindi ako nagkakamali, 21 ako nang magawa sakin ni Joven 'yon. Sinubukan kong lumapit sa mga pulis. At nitong mag 23 ako, nawala naman ang lola ko kaya halos tumagal ng isang taon ang mga utang ko dahil buhay pa ito, baon na 'ko sa utang. 24 ako nang mag-pakasal kay Logan at ngayon... Mahigit isa't kalahating taon na kami nagsasama. I celebrated my birthday with him for the first time.
Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang paparating kong mag-ama. Alam ko dahil hindi pa man sila nakakapasok sa kwarto, naririnig ko na ang tawa ni Ysrael.
Lihim akong napangiti nang sumulpot ang dalawa.
Kahit nailabas ko na si Ysrael, hindi naman nag-bago ang pakikituno sakin ni Logan. In fact, mas lumambing siya. Pakiramdam ko tuloy... nasanay na siya sa buhay na meron kami ngayon.
Akala ko kasi noon, kapag nailabas ko na si Ysrael, magbabago na siya sakin pero hindi.
Isa lang ang ayaw niya... yung pag-uusapan ang naging trabaho ko no'n sakanya. Ang pagiging escort ko. Sinubukan kong i-open ang topic na 'yon sakanya noon pero nagalit lang siya.
Pakiramdam ko... kung hindi ako ang naging asawa niya, mababa ang tingin niya sakin ngayon.
"Here's your momma," Pinugpog ni Logan ng halik ang pisngi ng anak namin.
Tumatawa namang nagpakuha sakin si Ysrael. Inalis ko lahat ng nasa isip ko bago kinuha ang anak kong gusto ng atensyon mula sakin.
Tinitigan ko ito. Ang mga mata niya, nakuha niya sakin pero kamukha niya ang daddy niya.
"What's this?" Dinampot ni Logan ang magazine na nakalapag sa kama. Umupo na rin kasi ito sa tabi ko.
Tumayo ako para isayaw si Ysrael. Umangat ang tingin sakin ni Logan at kahit hindi niya sabihin o pilit man niyang itago, dumaan ang init sa mga mata niya sa simpleng pag-tayo ko sa harap niya!
Hindi niya na siguro napigilan ang sarili niya dahil hinaplos niya na ang likod ko at pati na rin ang pwet ko!
"B-buhat ko si Ysrael," Sabi ko agad.
Ngumisi lang siya at humilig kaonti sa kama. Nag-parte ang mga hita niya at hinila niya ako para gumitna ro'n! Sa tingin niyang 'yan, alam ko naman ang gusto niya!
BINABASA MO ANG
Bought for a Night
Romance[ Hurricane Cousins : Logan Reid Rivera ] "I would buy you in any auction you will join. No matter how expensive you are, I'm going to have you." - Logan Reid Rivera It all started with an Auction. An Auction for bored Billionare's and one of those...