BFAN : 14

62.3K 837 11
                                    

CHAPTER 14

FELISSE

                    HILAW AKONG NAKANGITI habang sabay sabay kaming kumakain ng dinner. Ang sakit na ng labi ko kakangiti pero wala naman akong magawa dahil kaharap ko ang pamilya niya.

Kaya nga ako pumunta rito dahil gusto kong makaiwas kay Sir Logan pero dito rin dumiretsyo ang bruho pagka-uwi!

Sa buong araw kong nandito sa mansion nila, wala akong ibang ginawa kung hindi makipag-usap kay Klaus Frias Calin. Ang kakambal ni Keinna.

Magaan kausap ang lalaki at hindi mo na halos mamamalayan ang oras dahil sa pakikipag usap sakanya. Katulad ko, excited din siyang ma-meet ang anak ko. Tinanong ko siya kung kailan ba niya planong mag-anak pero tinawanan niya lang ako.

"You can always stay here while Logan's not around, Felisse." Ngiti sakin ng mama ni Logan. "I love seeing you here."

"Thank you po, Ma, Dad," Yumakap ako sakanila ng asawa niya. "Babalik po ako sa susunod."

Kumakaway ako sakanila habang papaalis ang kotseng sinasakyan namin ni Logan. May driver siyang kasama kaya hindi na need mag-drive itong katabi ko.

Walang nagsasalita samin. Kahit kaninang pagdating niya sa bahay nila, tinapunan niya lang ako ng tingin at 'yon na 'yon! Ang sama ng ugali!

Hindi kami nag-usap pagkadating sa penthouse. Dumiretsyo lang kami agad sa kwarto. Sa banyo siya habang sa kama naman ako at handa nang matulog dahil medyo napagod kanina kakatawa kasama si Klaus.

Sinamatala kong hindi pa siya nakakalabas ng banyo kaya pumunta ako sa walk-in-closet niya.

Hinugot ko ang spaghetti strap sando at itim na pajama. Hinubad ko lahat ng damit ko at itinira na lang ang panty. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin.

May umbok na ang t'yan ko konti. Hindi pa nagkaro'n ng ibang changes sa katawan ko pero alam kong soon, magkakaro'n.

Sinuot ko ang pajama nang makaramdam ako ng lamig. Hindi ko pa nasusuot ang sando ko nang biglang bumukas ang pinto!

Nalaglag ang panga ni Logan nang makita ang hubad kong dibdib. Nag-init ang pisngi ko sa nangyari. Paano ba naman kasi, hindi ako nagba-bra sa gabi kaya naman nakatambad sakanya ngayon ang dibdib ko!

"Uhm," Tumalikod agad ako sakanya at nagmamadaling sinuot ang sando ko!

Bakit ba kasi bigla bigla na lang siyang pumapasok?! Ni hindi man lang kumatok! Malamang na makikita niya akong hubad dito!

Hindi naman porket mag-asawa kami, okay lang saking makita niya akong nakahubad! Kailan ba ang huling nakita niya akong walang damit? Noong auction lang! Wala naman kasi kaming honeymoon kaya hindi niya na nakitang gano'n ang itsura ko!

Halos pumulupot ang sando habang sinusuot ko!

Nagreklamo ako nang sumabit ito sa buhok ko! Nang hinila ko naman ay nasaktan lang ako! Mas lalo tuloy akong nataranta!

"Hey," Nanlamig ako nang maramdaman ko siya sa likod ko.

Hindi ako nakakilos kaya naman pati ang pagbaba ng sando sa katawan ko ay siya na ang gumawa para sakin. Hinarap niya ako sakanya pagkatapos. Tulala ako habang nakatingin sa seryoso niyang mga mata.

Umangat ang kamay niya para ayusin ang buhok ko. Muntik na akong mapapikit sa haplos niya pero mabuti na lang at napigilan ko!

Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa harapan niya. Namilog ang mga mata ko nang makita kong naka-umbok ito.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Sigurado akong... gusto no'n gawin ang bagay na 'yon. Ano nang gagawin ko? Hindi naman kasi kami nakapag-pa check up para itanong kung pwede ba ang sex sa mga buntis kaya feeling ko, nagpipigil kami parehas ngayon!

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon