CHAPTER 9
FELISSE
NANLALAMIG ANG mga kamay kong nakahawak sa kubyertos. Kanina pa ang ngiti kong parang natatae dahil ayaw kong makita nilang walang ngiti sa mukha ko.
Nagtatawanan sila at minsan ay sumasabay ako sa tawanan nila kahit na medyo hindi ko nakukuha ang ibig nilang sabihin dahil nga lumulutang ang isip ko. Ang katabi kong si Sir Logan ay pinapatulan ang pang-aasar sakanya ng tatay niya.
"Mommy, I don't like this po..." Nalipat ang tingin ko sa batang babae na nasa harap ko.
Nasa dining area kami at pinagsasaluhan ang dinner. Napag-alaman kong si Keinna Faye Calin pala ang babaeng nandito kanina at dala niya ang anak niyang si Asteria. Pinsan ni Sir Logan si Miss Keinna.
Halos kuminang ang mga mata ko sa t'wing madadaanan ng paningin ko ang mata ng bata. Maganda ito. Sobrang ganda. Kulay hazel ang mga mata. Iyong pinaghalong green at brown.
"Kailan niyo planong magpakasal? Magpapagawa ako ng dress for your wedding." Halakhak ni Mrs. Rivera.
Palihim na nanulis ang nguso ko. Mukhang excited itong ikasal ang anak niya.
"I want it as early as possible, Mom," Sagot ni Sir Logan. Natigilan ako nang tignan niya ako. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko para ibaba ang tinidor na hawak ko at pinalit ang kamay niya ro'n. "My girlfriend is carrying our first baby."
Namilog ang mga mata ni Mrs. Rivera habang gulat naman ang naging reaksyon ni Mr. Rivera.
"What?!" Tumayo si Mrs. Rivera.
"Since when?" Miss Keinna asked.
"Almost two months," Sagot ni Sir Logan bago hinawakan ang t'yan ko. "I hope this will be a girl," Humalakhak siya.
"You're really pregnant?!" Tili ni Mrs. Rivera at niyakap yakap na ako.
Mahina akong natawa. 'Yon na ata ang totoong tawa ko ngayong araw dahil puro pilit ang kanina.
"Opo, Mrs. Rivera." Ngumiwi ito.
"What do you mean 'Mrs. Rivera'? Call me mommy from now on! And Dad to your Tito Diego." Humagikgik ito at hinaplos haplos ang t'yan ko. "Finally."
"Congratulations, hija. I agree with my son. It's better kung mas maaga ang kasal."
"Thank you po." Ngumiti ito.
"We want it abroad, too."
Nagulat ang parents niya sakanyang biglaang desisyon pero hindi na ito nagtanong dahil kami naman ang ikakasal.
Naging nakakapagod ang araw na 'yon samin at lalo na sakin. Pinuntahan pa kasi namin ang mga Tito at Tita niya sa kani kanilang bahay. Lahat sila, masayang masaya sa sinabi ni Sir Logan.
May ngiti pa sa mukha nito nang naglalakad na kami pabalik sa mansion nila. Galing kami roon sa Tito Jackson and Tita Loraine niya.
Natigilan ako sa paglalakad.
"Hey, what's wrong?" Tumigil din ito.
Napangiwi ako at hinawakan ang tagiliran ko dahil nanakit 'yon.
"K-kumirot lang. Napagod siguro kasi ako..." Malalim ang sunod sunod kong hinga para gumanda ang pakiramdam.
"I'll carry you." Hindi niya na hinintay pa ang sagot ko dahil binuhat niya na ako papasok sa mansion nila.
Pumikit ako at sumandal sa dibdib niya. Napadilat lang nang makarating kami sa taas at nang may binuksan siyang isang kwarto.
"Are you okay?" Tanong niya pagka-lapag sakin sa kama.
BINABASA MO ANG
Bought for a Night
Romance[ Hurricane Cousins : Logan Reid Rivera ] "I would buy you in any auction you will join. No matter how expensive you are, I'm going to have you." - Logan Reid Rivera It all started with an Auction. An Auction for bored Billionare's and one of those...