CHAPTER 31
FELISSE
HINDI KO NA pinansin ang sinabing 'yon ng kasambahay nila. Si Mama ang humarap sa anak niya habang pumasok naman ako sa banyo para maligo.
Pakiramdam ko, sobrang nakakapagod ang araw na 'to para sakin. Pagod sa buong magdamag na pag-aalaga kay Ysrael, pagod sa pagsisilbi kay Logan, pagod sa mga iniisip ko kay Joven, at pagod dahil sa pag aaway namin ni Logan.
Binalikan ko ang anak para tabihan na pero nagulat ako nang makita kong nakaupo na si Logan sa kama at hawak hawak ang kamay ni Ysrael!
Agad uminit ang ulo ko sa nakita. Ang kapal naman ng mukha niyang sumunod dito?!
"Anong ginagawa mo rito?!" High blood kong tanong.
Binawi ko agad ang kamay ni Ysrael sa kamaya niya. Hindi siya nag-react sa ginawa ko pero halata sakanyang na-offend dahil kinuha ko ang kamay ng anak namin.
"Sumagot ka. Anong ginagawa mo rito? Bakit nandito ka? Kaya nga 'ko umalis sa penthouse mo dahil hindi ko gustong makita ang pagmumukha mo tapos susunod ka lang dito?"
He licked his lips as he stood up. Sa itsura niyang 'yan, alam ko na ang mangyayari. Lalambingin niya ako at yayayain nang umuwi!
"Felisse, let's talk, please..."
"Ayoko. Umalis ka na. Wala kang mapapala sakin,"
Sumampa ako sa kama niya at tinabunan ng kumot ang katawan ko, ready nang matulog habang nakatayo parin ang Logan na 'to sa harap ko.
Para hindi ko siya makita, piniit kong ipikit na lang ang mga mata ko.
Pero hindi pa nakakaisang minuto akong nakaapikit nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa bewang ko!
Napabalikwas ako at dahil sa bilis kong pag-tayo, nahulog si Logan sa kama dahil umupo pala ito sa maliit na space sa likuran ko!
"Fuck!" Hinawakan niya agad ang balakang niya.
"Bakit ba kasi nandito ka pa?! Umalis ka na! Alis!" Tinulak tulak ko pa siya kahit na nakasalampak parin ito sa sahig.
"Felisse, can we please talk--"
"Oh, sige! Sabihin mo sakin kung paano mo nasabi sakin ang mga 'yon?! Anong ginawa ko sayo para sabihin mo sakin 'yon? Anong ginawa ko sayo para saktan mo 'ko? Anong kasalanan ko sayo?!"
Maling desisyon atang pinili kong makipag-usap sakanya dahl wala pa kami sa simula pero lumuluha na muli ang mga mata ko!
He sighed. Kalmado siyang umupo sa kama.
"Take a look at these..."
Inabot niya sakin ang phone niya. Ayaw ko pa sanang tanggapin ito pero siya na rin mismo ang naglagay ng phone sa kamay ko.
Kahit anong sabi ko sa sarili kong ayaw kong tignan, pumupunta parin do'n ang mga mata ko at iyon na nga. Nakita ko ang nilalaman ng screen at isang iyong email.
Email kung saan naglalaman ng halos lahat ng background ko at karamihan do'n ay sigurado akong hindi alam ni Logan.
May picture kami ni Joven doon pero naka-blur ang mukha ni Joven. Sa baba no'n ay may nakalagay kung kailan naging kami at kung kailan kami naghiwalay.
Nakalagay din do'n na... naging escort ako ni Joven! Na ginawa ko itong boyfriend ko dahil may pabrika ng mga tsinelas at may kaya!
Sinungaling!
Ang sumunod na picture ay yung picture namin ng prof ko noong huling taon ng pag-aaral ko sa college bago ako huminto. Close ko ang prof na ito pero hindi ko inaasahang magiging issue ito!
BINABASA MO ANG
Bought for a Night
Romance[ Hurricane Cousins : Logan Reid Rivera ] "I would buy you in any auction you will join. No matter how expensive you are, I'm going to have you." - Logan Reid Rivera It all started with an Auction. An Auction for bored Billionare's and one of those...