BFAN : 24

59K 731 22
                                    

CHAPTER 24

FELISSE

"YOU'RE OVER THINKING, Felisse. Reading that text message doesn't mean my cousin's cheating on you." Suway sakin ni Klaus.

Natahimik naman ako sa sinabi niya.

Kanina pa kami nandito sa mall dahil nagpasama ako sakanyang mamili ng kung ano-ano. Bibili na rin ako ng grocery para samin dahil konti na lang at paubos na ito.

"Anong ibig sabihin ng hotel na nabasa ko kanina?" Nilingon ko ang katabi ko. "Tingin mo ba mahal pa ni Logan si Elvira? Ang tagal din nila. Limang taon, Klaus. Noong nangyari yung auction, mahal niya pa ang babaeng 'yon kaya naglalasing siya."

He snorted, ayaw nang marinig ang kung ano mang sasabihin ko dahil paulit ulit lang ang mga sinasabi ko mula pa kanina.

Kinuha ni Klaus ang stroller ni Ysrael para siya na ang magtulak. Hinayaan ko namang gawin niya 'yon. Napatitig ako sakanya. Ayaw niya talagang pag-isipan ng masama si Logan habang ako... iba iba na ang nasa isip.

"You've been married for almost two years, Felisse. You shouldn't worry, you know. Ikaw na ang asawa niya. Hindi ka dapat natatakot dahil ikaw ang may karapatan sa pinsan ko."

Halos lumabas lang sa kabilang tenga ko ang sinabi niya dahil iba na ang nasa isip ko ngayon.

"Pinili ni Logan ang babaeng 'yon para pakasalan dahil mahal niya ito habang ako... pinili dahil nabuntis." Malungkot kong tinignan si Ysrael. "Paano kung isang araw, sabihin niya saking mahal niya pa si Elvira? Paano kung mag-divorce kami?"

"What the hell are you thinking, Felisse?" Iritadong tanong ni Klaus.

"Tingin mo ba... mas magandang ako na lang ang makipag-divorce? Para hindi na siya mahirapan? Para hindi na komplikado?"

Inirapan ako ni Klaus. Nag-simula siyang sermunan ako dahil sa mga pinagsasasabi ko.

"Nasa divorce agad ang isip mo. Akala ko ba malaki ang tiwala mo sa asawa mo? Do you really think na ipagpapalit ka no'n? Na iiwan niya ang pamilya niya para sa ex niya? Think, Felisse. Use your brain."

Inirapan ako muli ni Klaus. Tahimik na lang tuloy ako nang pumasok kami sa restaurant para kumain.

Sinalubong agad kami para sa mauupuan namin.

Kinuha ko ang stroller ni Ysrael. Natutulog na ito ngayon kaya naman nilagyan ko siya ng maliit na towel para magsilbing kumot ng maliit niyang katawan.

"You order, Felisse." Klaus took out his mirror to check his face. Inirapan ko siya dahil napupuno na naman siya ng... tss.

Nag-order ako ng pagkain bago binalikan ang anak ko. Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, nakita kong nag-ring ang phone ko! Sino pa ba ang tatawag? Malamang ang asawa ko.

Labag sa loob ko itong sinagot.

"Oh?"

["Are you at home?"] Kumunot ang noo ko sa itinanong niya.

"Hindi, bakit?" Tinignan ko si Klaus dahil nakatingin na rin ito sakin ngayon.

["Where are you? Sinong kasama mo?"] Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya dahil hindi naman siya pala tanong kung sinong kasama ko kaya nagtataka ako ngayon kung bakit ganyan ang tanong niya.

"Nasa mall ako kasama si Klaus."

Nasamid bigla si Klaus sa sinabi ko kaya inabutan ko siya ng tubig. Inirapan lang ako nito.

"Hello? Nand'yan ka pa ba?" Tinignan ko ang phone para makita kung nawala ba ang tawag pero hindi naman.

["Yeah. Make sure you'll be home safe. I'll be late."]

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon