BFAN : 33

89.9K 951 53
                                    

CHAPTER 33

FELISSE

"MA'AM, HINDI PO ba kayo aakyat?" Inalis ko ang tingin sa building ng penthouse namin nang magsalita ang driver ko. "Susulyap lang po ba kayo nang susulyap?"

"Ayoko pa pong umuwi riyan," Tinignan ko muli ang building.

Nagpahatid ako rito sa building ng tower ni Logan. Hindi naman ako bumaba ng kotse dahil wala naman akong pupuntahan. Naisip ko lang na dumaan dahil... wala lang! Kailangan ba laging may rason?!

"Sigurado po ba kayo?" Tanong ulit nito. Tipid lang akong ngumiti tsaka tumango sakanya.

"Umuwi na po tayo kina Mama," Nakita kong nag-aalangan ang tingin nito sakin.

"Ma'am, bakit hindi pa po kayo umuwi kay Sir? Halata namang nami-miss niyo na ang asawa niyo kaya bakit niyo pa po tinitiis?"

Natigilan ako sa sinabi nito. Naisip ko rin kung bakit ba na hindi pa 'ko umuwi para hindi ako puro ganito, puro daan sa penthouse.

"Uuwi naman po ako pero hindi pa sa ngayon. Ayaw kong masanay siyang bumabalik ako pagkatapos lahat ng away namin. Ayokong masanay siya hanggang sa hindi na siya matatakot na saktan ako."

"Naiintindihan ko po ang pinupunto niyo, Ma'am. Pero hindi po masama kung bibigyan niyo ng isa pang pagkakataon si Sir Logan dahil kita naman pong mahal niyo ang isa't isa. May mga bagay lang na-"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Po?! Nako, hindi ah! Hindi namin mahal ang isa't isa. Ako, crush ko siya pero hindi 'yon mahal, 'no! At ako rin, sigurado akong hindi niya rin ako mahal dahil kung mahal niya 'ko, hindi niya 'ko sasaktan. Haha, ikaw talaga, Manong."

Lumikot ang mata ko. Mabilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Tumatawa tawa ito kahit na noong nagmamaneho na.

Tumatawa ito na para bang may nakakatawa kahit wala naman.

Buong araw ko tuloy inisip yung sinabi niya! Ako, mahal ni Logan? Imposible! Mahal pa no'n ang ex girlfriend niya! Hindi ako ang mahal niya. At ako rin... h-hindi ko rin naman siya mahal.

Mariin akong nag-buntong hininga. Sana hindi ko niloloko ang sarili ko.

Pero anong gagawin ko kung sakaling mahal niya ako? Well, syempre wala, hindi ba?! Ano bang dapat gawin kung sakali?! Meron ba? Wala naman!

Pinapagod ko lang ang sarili ko mag-isip.

Tulog ako pag-uwi sa bahay. Hindi ko alam pero ang sama ng pakiramdam ko. Siguro dahil malapit na 'kong magkaro'n kaya ganito. Parang pagod na pagod ang katawan ko.

Mahaba ang tulog ko dahil walang umiiyak sa paligid ko. Si Ysrael kasi ay nasa lolo at lola niya for sure. Pwede akong matulog kahit gaano ko katagal gusto. Alam din kaso ng mga ito na masama ang pakiramdam ko.

Pero nabulabog ang tulog ko nang mag-ingay ang phone ko, hudyat na may tumatawag dito. Nang tignan ko ito, gano'n na lang ang naging gulat ko.

Ang asawa ko!

Sa loob ng ilang linggong 'yon, hindi niya 'ko tinawagan kaya anong nangyari at bigla niya akong tinawagan ngayon? Baka napag-isipan niyang mag divorce na talaga kami dahil sa tagal kong umuwi?

Mariin akong napalunok bago sinagot ang tawag nito. Kung gusto niya naman ng divorce, ibibigay ko naman ito agad sakanya.

["Felisse..."] Bumusangot ang mukha ko nang marinig ko ang lasing na boses nito mula sa kabilang linya.

"Logan?"

["Felisse..."] May narinig akong galabog sa kabilang linya kaya napaupo ako nang wala sa oras.

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon