BFAN : 3

68.2K 901 114
                                    

CHAPTER 3

FELISSE

                     "KAPAG SINABING labas, lalabas na kayong lahat, okay? Bunutan kung sino ang mauuna sainyong ipa-bid. Lalabas sa screen ang pictures na pinadala niyo at konting personal info like name and age. Maghintay lang kayo sa gitna and wait for you to get sold." Paalala samin ng babae.

Sabay sabay kaming tumango. Nang okay na lahat, binalingan ko ng tingin ang ang salamin. Naka-makeup na ako pero sinabi kong light lang. Inayos pa nila ang pagkakakulot ng buhok ko.

Today is Friday. Ngayon na ang auction. Kinakabahan ako. Gusto kong umiyak pero hindi ko naman gustong masabihan ng maarte.

Pinili kong gawin 'to kaya pangangatawanan ko. Mabuti nga at napili ako.

"Girls, line up!" Tumayo ako agad.

Sa kamamadali ko, tumama pa ang hita ko sa vanity mirror na nasa harap ko! Saglit akong dumaing bago luminya na rin.

Ako ang huling napili noon kaya naman ako ang nasa huli. Nanlalamig ang mga kamay ko. Wala akong ibang dala kung hindi ang sarili ko lang. Pinaiwan kasi samin ang mga bag namin at kunin na lang kapag aalis na.

Napapikit ako nang tumama sa mata ko ang puting ilaw paglabas namin. Saglit pa akong nag-adjust bago ko tuluyang natanaw ang paligid.

Nalaglag ang panga ko.

Akala ko ba... matatandang lalaki ang nandirito?!

Isa isa ko silang tinignan. Malayo ang inimagine ko sa mga lalaking nasa harap ko ngayon. Mga bata pa ito at siguro'y kaedad ko. Mga seryosong nakatingin samin ngayon.

Tinignan ko kung nasaan ako. Nasa stage kami at naiilawan habang ang mga taong gustong gastusin ang pera nila para sa isang gabi ay nasa baba.

Puro matataas na lamesa lang at walang mga upuan. Sa lamesa nila, kanya kanya sila ng iniinom.

Mariin akong napalunok at tinignan ang mga kasama ko. Nakangiti silang lahat habang ako lang yung parang tangang litong lito!

"Good evening again, ladies and gentlemen! They're our chosen women that you can take home for tonight." Bungad ng emcee. Nagpalakpakan naman ang mga tao habang nag-init naman ang pisngi ko. "Same rules, people. Just raise your hand and offer your price." Nanginig ang tuhod ko sa kaba.

Paano kung walang may gusto sakin nito?!

"Our women are already checked by our doctors and they are all harmless." Humagikgik pa ang nagsasalita. "Take a look at them before we start."

Mariin akong napalunok. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Nararamdaman ko ang mga titig nila. Parang... gusto ko nang mauna para naman matapos na ang kaba ko!

Bumunot na sila sa isang itim na box. "Okay, hmm. Let us all have Ms. Daiseree. Other women, please step back." Umatras naman kaming mga hindi natawag.

Tinignan ko ang babae. Naka-pamewang na ito ngayon at ngiting ngiti.

"Daiseree Chavez, 24. Got her pretty black long hair and almond eyes and of course, her thin lips." Sabi ng emcee. "Starting price will be two hundred thousand pesos."

Pinigilan kong malaglag ang panga ko sa narinig. Talaga?! 200k?! Not bad! Gusto ko rin no'n! Siguradong bayad lahat ng utang ko!

"Three hundred thousand!" The older man shouted. Namilog ang mga mata ko.

Sinasabi ko na nga ba! May ganyan dito! Baka bodyguard lang ang mga poging lalaki? Hay, nako!

"Three hundred and fifty thousand," Sabi naman ng mas batang lalaki.

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon