BFAN : 30

100K 1.1K 191
                                    

CHAPTER 30

FELISSE

                     MAINGAT KONG HINAPLOS ang mukha ng anak kong natutulog ngayon sa dibdib ko. Kanina ko pa ito iniiyakan dahil kung ano ano nang tumatakbo sa isip ko.

"Hindi ka naman magagalit sakin, hindi ba? H-hindi ka naman mandidiri kay Mama?" Humikbi ako at niyakap pa 'to. "Hindi ako gano'n, anak..."

Gumalaw ito para ilipat ng pwesto ang ulo niya. Mas lumalim ang tulog nito. Hinalikan ko ito na ikinangiti niya.

"Kung alam ko lang na gano'n ang ugali ng tatay mo, hindi ko na sana ako pumayag na kasal na 'to. Hindi na sana kami nahihirapan at ikaw, hindi ka sana mahihirapan..."

Logan can only see me as a whore. O baka hindi gano'n ang tingin niya sakin pero naging gano'n na lang. Bakit? We were okay kaninang umaga. Hindi kami super okay pero hindi niya ako sasabihan ng gano'n kaya... bakit?

Anong naging kasalanan ko para sabihan niya ako ng gano'n? Anong mali ko? Dahil ba nakipag kita ako kay Joven?

Walang alam si Logan sa mga nangyari sakin kaya hindi niya alam ang sinasabi niya. Baka nadala lang siya dahil sa mga sigawan namin. Pero kung wala siyang alam, hindi ba dapat mas magandang manahimik na lang siya kesa sabihin sakin ang mga gano'n?

I can feel his frustrations. Baka nga nakakahiya talagang makasama ako. Baka nga gano'n talaga ako. Sino ba naman kasi ang gustong mag-asawa ng isang bayaran?

Matatanggap ko pa ang sinabi niya tungkol sa pagiging asawa ko pero pagdating sa pagiging ina, sino siya para sabihin sakin 'yon?

Bakit ba bigla na lang siya nagka-gano'n? Masaya naman kami, ah? Bakit kailangan niya pang ungkatin ang mga bagay na 'yon? Pati ang unang beses ko... pinapakielaman niya.

His mouth can be that dirty when he's angry. He can't filter his words at tuloy tuloy lang sa pagpapalabas ng masasakit na salita kahit na makakasakit 'yon sakin.

What happened? Bakit biglang gano'n na lang?

Kasalanan ko ba dahil naging kampante ako sakanya? Kasalanan ko ba dahil nagtiwala ako sakanya? Kasalanan ko ba na...

Unti unti na namang tumulo ang mga luha ko nang mapagtanto ko 'yon.

Maingat kong nilapag si Ysrael dito sa kama sa kwarto niya.

Inayos ko ang buhok pati inalis na rin ang mga luhang nakakalat sa mukha. Nang tignan ko ang sarili sa salamin, namumugto ang mga mata ko at pulang pula rin ang ilong ko.

Tinakpan ko ng damit ni Ysrael ang mga CCTV o mga baby monitor sa kwarto dahil alam kong pinapanood ako ni Logan mula sa kwarto namin.

Ilang minuto kong tinitigan ang sarili ko sa salamin bago ko hinila ang duffle bag. Inumpisahan kong iimpake ang mga gamit ni Ysrael.

Mula sa mga damit nito hanggang sa mga laruan na madalas niyang ginagamit. Lahat nilagay ko sa bag dahil ayoko nang may maiwan pa rito.

Yes, we're leaving. There's no reason for us to stay here.

Sabi niya, gusto niyang sustentuhan ang anak ko? Okay. 'Yon naman talaga dapat ang ginawa na lang namin noong una pa lang. Pero anong ginawa niya? Pinagsiksikan niya itong kasal na 'to.

Nang makita kong okay na ang lahat, lumabas agad ako at dumiretsyo sa kwarto namin.

Naabutan kong nakaupo si Logan sa sofa at nakatungo. Nag-angat siya ng tingin at namilog ang mga mata nang makita akong nandito na sa kwarto.

"F-felisse,"

Sa itsura niyang 'yan, mukhang nahimasmasan na siya.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na lang sa walk-in-closet. Hinila ko palabas ang maleta ko at inisa isa ang mga damit ko. Hindi kasya ang lahat ng mga damit ko rito kaya hindi ko na dadalhin ang iba.

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon