CHAPTER 7
FELISSE
NILIBOT KO NG TINGIN ang pinnasukan naming condo unit. Madilim ito at natatakot ako! Mukhang may multo or what! Sigurado ba siyang dito niya ako patitirahin? Nang ako lang mag-isa?
Ako lang din naman ang nakatira sa apartment ko mag-isa pero may mga kapitbahay naman akong maiingay do'n na nagtatanggal ng takot ko o ano. Pero rito? Sa condo niya? Sinong kasama ko?
"P-pwede bang sa bahay na lang tayo? A-ayoko rito..." Nag-taas siya ng kilay sakin.
Nilapag niya yung susi ng kotse sa lamesa bago nagbukas ng aircon.
"Why not? I bet my place is way better than yours." Mayabang niyang sabi. Inirapan ko lang siya habang hindi siya nakatingin. "Here's your room."
Naglakad siya papasok sa isang kwarto. Sumunod ako sakanya hanggang sa makarating kami sa loob.
Panlalaki ang kulay. Halatang siya ang may-ari. Kung hindi siya rito nakatira, edi saan? Baka... may girlfriend siya at may binabahay na? Kaya roon siya nakatira at hindi rito?
"May girlfriend ka ba?" Wala sa sarili kong tanong. Nilingon niya ako gamit ang kuryoso niyang mga mata.
"Why are you asking?" Hindi ako sumagot. "You'll be my wife so don't be threatened."
Pumiksi ako. "Ayaw kitang pakasalan."
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Gulat dahil tinanggihan ko siya.
Ano bang inaakala niya? Na pupunta ako sa Quiapo nang nakaluhod para magpa-salamat dahil binigyan ako ng mayamang mapapangasawa? E, mukhang masasakal ako rito! Siya agad ang nag-desisyon sa kasal!
Gusto niyang ikasal kami habang ayaw ko naman! Ni hindi man lang niya ako tinanong. Ano bang problema nito?
Baka gusto niya 'kong maging asawa dahil maganda ako?
"Bakit ayaw mo? Do you have a boyfriend?" Natigilan ako.
Pumasok sa isip ko si Joven habang nakatitig ako kay Sir Logan. Naisip ko na... kapag pinakasalan ko si Sir Logan, matutulungan niya akong ipahuli ang Joven na 'yon!
Pero, magpapakasal ako para lang do'n? Isa pa, matatanggap niya ba ako kapag sinabi kong naging biktima ako ng gano'ng krimen?
Let's accept it. I know we shouldn't look down to those women who got victim of rape. I know. Pero alam ko rin na may mga bobong kalalakihan na mababa ang tingin sa mga gano'ng babae.
Paano kung isa si Sir Logan sa gano'ng mga lalaki?
Umiling ako. "Wala. Matagal nang wala." Nilagpasan ko siya para makita ang kwarto. "Tungkol dito... ayaw ko parin. Salamat sa alok pero hindi ko talaga gustong tumira rito."
Humalukipkip siya. "Why? May kasama ka ba sa bahay? Tell them to stay with you."
"Wala... mag-isa na lang ako." Hindi siya sumagot kaya taka ko siyang nilingon. "Bakit?"
"You're living alone?" Walang pag-aalinlangan akong tumango.
"Kamamatay lang ng lola ko. Nabaon ako sa utang kaya... sumali ako sa auction. Oh! Thank you nga pala sa pagbili mo sakin, ha?"
Kumunot ang noo nito at umiwas ng tingin. Nahihiya ba siya? Parang hindi naman niya ako pinanggigilan! Tandang tanda ko pa! Walang segundong hindi niya 'ko hinahalikan.
Umiwas ako ng tingin nang makaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko.
Feeling ko naramdaman niya rin 'yon kaya tumikhim siya.
BINABASA MO ANG
Bought for a Night
Romance[ Hurricane Cousins : Logan Reid Rivera ] "I would buy you in any auction you will join. No matter how expensive you are, I'm going to have you." - Logan Reid Rivera It all started with an Auction. An Auction for bored Billionare's and one of those...