BFAN : 46

86.1K 989 22
                                    

CHAPTER 46

FELISSE

                 PINANOOD KONG MAGHUBAD ng pang-itaas ang asawa ko. Sinunod niya ang pants niya at itinira ang boxers. We're here in our room, ready to take a nap.

Wala akong planong matulog pero hindi ko alam kung bakit ako sumama sakanya rito kahit na wala naman akong gagawin. I should see my son now.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama namin. Naagaw ko agad ang atensyon niya kaya naman inilapag niya agad ang pants niya sa pinakamalapit na sofa.

"Maiwan na kita. Pupuntahan ko na si Ysrael—"

"Can I sleep on your chest?" Pagpuputol niya sa sinasabi ko. Hindi ako nakasagot agad kaya naman umiwas na ito ng tingin. "I'm sorry. I just missed it."

Matamlay itong sumampa sa kama. He covered himself with the comforter. Mariin akong lumunok dahil nagdadalawang isip. Pero sa huli, lumabas parin ako.

I went to Ysrael's room. He's sleeping, too.

"Ma'am..."

"Kukunin ko lang si Ysrael,"

Maingat kong binuhat ang anak ko. I shush him when he was about to cry. Sumiksik ito sa dibdib ko kaya lumalim lalo ang tulog niya.

Dala dala si Ysrael, bumalik ako sa kwarto namin ni Logan. And I saw him, staring at the ceiling pero bumaling agad ang tingin sakin nang dumating ako.

"Felisse..." Maliit akong ngumiti.

"Dinala ko na siya rito so we could cuddle all together."

Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Hindi ko maiwasang mahawa sa hitsura niya lalo na nang inalis niya ang comforter sa side ko sa kama, sign na tumabi na 'ko sakanya.

Maingat kong nilapag si Ysrael sa kama namin. Nilagyan ko ng unan ang gilid nito dahil sa gitna ako naka-pwesto.

Logan offered his arm. Patalikod akong humiga ro'n. Hindi pa lumilipas ang ilang segundo nang maramdaman ko ang mainit niyang yakap mula sa likod.

"I missed you... so much," He kissed my shoulder.

"M-marami pa tayong kailangang pag-usapan kaya matulog ka na."

He chuckled. Humigpit ang yakap niya sakin. Hindi na ako kumibo pa kaya naman hindi nagtagal nang maramdaman kong nakatulog na ito.

Malalim na ang tulog ni Logan at mahimbing parin ang tulog ni Ysrael. Slowly, umikot ako para harapin si Logan.

I smiled bitterly when I saw his face this close.

Anong nagawa ko sa buhay ko para magkaro'n ng asawang katulad niya?

Noong una, I didn't expect him to be this good. I mean, a good husband. Puro affection lang kasi kay Ysrael ang pinapakita niya noong una. And when he started to give me the attention, pakiramdam ko dahil lang kay Ysrael.

I never wanted to get married, especially to him. Takot ako sa kalalabasan, but now... I can't imagine myself being a wife to someone else.

Ano na lang ang mangyayari sakin kung hindi niya katulad ang magiging asawa ko pa kung sakali?

I know Logan. I mean, he's known as a billionaire. Magaan ang buhay dahil sa pera at impluwensya. I've seen it, too. Nito lang siguro siya naghirap. Nang maging kami.
 
I don't want to remember all my wrong doings again because I've had enough.

I traced my husband's nose using my finger.

"Do you think I still deserve you?" Bulong ko kahit na hindi naman ito sasagot dahil tulog. "Ang daming beses na kita pinahirapan, Logan... I don't think I still deserve you."

Bought for a NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon