Chapter 3

37 7 4
                                    

A/n: sorry for ERRORS

<>

         Pag tapos non ay kumain na kami ng tahimik. Nakalimutan ko tuloy pumuntang rizal pero okay lang pag tapos nalang namin siguro dito ay uuwi na ako, nalungkot naman ako sa aking naisip na aalis ako at iiwan ko silang dalawa dahil kahit papaano nakasama ko sila ngayong araw hindi ko naman sila pwedeng isama.

"Ate Royal kailan ka aalis??" tanong bigla ni jimboy.

"Mamaya jimboy" nalungkot naman siya doon pati si jia. Sorry jimboy at jia.

"Aalis ka pala ate, pwede ka naming ihatid sa sakayan ng bus!" jia, natuwa naman ako sa sugest niya pero may part parin saakin na nalulungkot ako,

"Baka ma miss ko kayong dalawa" sabi ko dito.

"Ikaw din ate mamimiss ka namin dahil ikaw palang ang tumutulong nang ganito saamin thankyou po" pumunta saakin si jia at hinug ako ganon din ang ginawa ni jimboy.

Pagtapos naming kumunain inihatid na nila ako sa terminal ng bus naluluha naman akomg tumingin sa dalawa, masyado ata akong nadadala dito mamimiss ko sila.

"Ate sa susunod na mag kita tayo sana ganyan ka parin po kabait" niyakap ako ni jia. "Sana mag kita pa tayo ate royal"  bulong niya tumulo naman ang luha ko dahil doon.

"A-ate royal thankyou po talaga salamat po salamat ate royal" naiiyak na sabi ni jimboy saakin, tumulo lang ang luha ko dahil alam kong mamimiss ko silang dalawa.

"Malay niyo mag kita pa tayo diba?" naiiyak kong sabi sakanila.

"Paano po kung hindi na??" jimboy.

"Edi hahanapin ko kayo madali lang yon" ngiti kong saad kahit may luha saaking mga mata.

"Salamat po ate royalty" nang humiwalay saakin si jia ay nakita kong may luha sa mga mata niya at pisnge, kung pwede ko lang sana kayong isama.

"Ate royal ayon napo ang bus!" tinuro ni jimboy ang bus napaparating saamin, sinulyapan ko ang bus at mabilis ko din silang tinignan.

"Hanggang sa huli nating pag kikita jia at j-jimboy" paalam ko yumakap si jia kay jimboy at umiyak.

"Sige po ate royalty bye bye po! I-ingat!" pumiyok ang boses ni jimboy, at sa huling pag kakataon hinug ko sila at tumalikod na para sumakay sa bus. Hanggang sa huli nating pag kikita salamat sa oras.

Nang makapasok ako sa bus ay sinulyapan ko sila jia at jimboy na ngayon ay nakatingin saakin at kumakaway habang may ngiti pero lungkot sa labi, kumaway naman ako pabalik at nginitian sila.

Ilang oras ang byahe pare makarating sa rizal kung nag jeep ako kanina mas matagal. Nang maka baba ako ng bus ay agad akong napatingin sa mga taong nasa paligid ko at nag simula nang mag lakad papunta saaking tutuluyan.

"Hala sorry ate!" may naka bangga saaking babaeng teenager dahil nag s-skateboard ito.

"I'm fine" nginitian ko siya at nag lakad na ulit, pumasok ako sa seven eleven para bumili ng tubig.

"Si Ella talaga kamo masyadong makulit kanina pa'yon nag s-skateboard" sabi ng katabi ko, mukhang yong babaeng naka bangga saakin ang tinutukoy niya.

"Gazer hayaan mo na" sabi naman ng kasama niya.

"Look Cristine napapagod nayon hindi parin tumitigil" naiinis na saad nung gazer ata.

"15.00 pesos po ma'am" nginitian ko ang cashier at binayaran ang tubig atsaka lumabas.

Sumakay ako ng jeep para makaabot sa apartment na titirahan ko for two days, ang apartment na iyon ay ang apartment ni sister maria pinahiram niya muna saakin for two days.

Pag karating ko sa titirhan ko may sumalubong saaking matandang babae. "Hello hija ikaw ba si royalty ang pinag bibilin saakin ni sister maria??" nakangiti nitong sabi saakin.

Ngumiti ako sakanya at sumagot "Opo, ako po" sabi ko rito, tumango lang siya saakin at ngumiti.

,"Tara at ihahatid kita sa tutuluyan mo hija" sinundan ko siya hanggang sa loob ng bahay. Nasa loob ng ang bahay ang apartment bali may aakyatan kapa para makapunta mismo sa aparent na iyong tutuluyan.

"Anong buo mong pangalan iha??" tanong ng babae saakin habang iginagaya ako papunta sa kwarto.

"Ako po si royalty meira sanjose" Pag papakilala ko dito tumango tango siya saakin.

"Napaka ganda mong bata iha, anyway ako nga pala si maribel pwede mo akong tawaging ate mari" binuksan niya ang kwarto at pumasok kami sa loob, may dalawang bintana at may kama sa gilid hindi siya single bed, mayroon din water dispencer at may aircon meron ding cabinet. Sakto na ito para saaking tutuluyan for 2 days bago pumuntang cebu.

"Ito ang tutuluyan mo hija, pag may kailangan ka sabihin mo lang saakin sa baba or kaya tawagan mo ako..." may kinuha siya sa bulsa niya at binigay saakin ang isang calling card "Ayan number ko, sige mauna na ako hija kay' marami pa akong gagawin."

"Thankyou po ate mari" lumabas na siya at sinirado ang pinto. Haysss mag aayos nga muna ako.

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon