jia and jimboy chapter

5 2 4
                                    


NANG magising ako ay agad akong nag palit ng damit upang pumunta sa rizal dahil doon ko sila huling nakita.

Medyo mahaba ang byahe pero nanabrating naman agad ako dahil kay Kuya Hermano. Nag tungo ako sa bus station kung saan ko sila huling nakita. Napaka sarap balikan ng lugar na ito, it's so good to be back here. Ang ingay pa rin dito.

"Hoy bata!!! Pera ko!!!" Sigaw ng matanda. Nakita ko ang batang naka hoodie. Hinarang ko ito atsaka hinawakan sa hoodie niya, nag pupumiglas pa ito upang maka takas ngunit hindi ko ito hinayaan pero sa huli ay naka takbo pa rin siya.

"yung pera ko!! Kuyang guard pahabol po!!" Sigaw ng babae. Napakunot ako ng noo hindi pa rin nag babago marami pa ring magnanakaw dito.

"Mani, mani, mani! Bili kayo mani! Ate bili ka mani oh 20 pesos" alok sa akin ng kuya.

"Hindi na po" tanggi ko.

"Edi wag" sagot niya at umalis na sa harap ko. Ang attitude ni kuya tsk.

"Grabe mga kabataan ngayon nagiging magnanakaw na hays" rinig kong saad ng nasa likod ko.

" i am very dissapointed kung saan na sila patungo jusko" rinig ko namang saad ng isa pang babae.

Hindi ko na sila pinansin at nag lakad lakad na lamang. Nakaka miss yung jeep, paramg gusto kong sumakay dyaan ulit pero mamaya na. Napansin ko namang dumidilim na kaya nag text ako kay kuya Hermano na jung pwede sunduin niya ako sa tapat ng grocery store rito.

Bumagal ang lakad ko ng makita ang isang batang babae na naka hoodie. Siya yung bata kanina. Naka tingin ito sa isang drug store.

"Sorry kuya" rinig kong hikbi nito "sana kung mas maaga, sana naagapan *hik*" saad niya. Napahinto ako sa pag lalakad at tinitigan siya.

"May pambili na ako ng g-gamot oh, k-kuya *hik* " iyak nito. Naluluha ako na naka tingin sa bata na naka tingala na ngayon.

"K-kuya j-jimboy o-oh" iyak niya. Jimboy?!!? Jia??!!.

"Jia?" Tanong ko habang naka tingin sa bata. Lumingon ito sa akin dahilan para bumagal ang lahat. Si jia nga!

"Jia! Kumusta?" Tanong ko at nilapitan siya.

"S-sino kayo?" Tanong niya habang umiiyak. Lumambot ang ekpresyon ng aking mukha.

"Ako ito si ate Royalty niyo, nasaan si Jimboy? Sabihin mo nandito ako" saad ko.

"A-ate s-si kuya...wala na p-po siya" iyak niya. Parang nawasak ang mundo ko sa aking narinig. Wala na?! Paano? Bakit?.

"H-ha?" Tanong ko. Napaluhod ako bigla, parang nanghina ako.

"Wala na p-po siya" iyak niya. Tumulo ang naipong luha sa aking mata. "1 year na po siyang wala a-ate nasagasaan po siya dahil gusto niya ako maging magaling sa s-sakit ko" saad nito.

"Hindi t-totoo 'yan..." Nanghihina kong saad.

"S-sana po hindi, sana hindi ate! Sana nga hindi na lang!" Iyak nito. Napaiyak na rin ako.

Bakit binawi? Bakit hindi ako hinayaang makita yung bata? Bakit kinuha? Ang sakit kahit di nila ako kaano-ano, napamahal na rin ako sa kanila sa onting panahon.

"Ate lagi niyang sinasabi na babalikan mo kami, halos po gabi-gabi niyang bukang bibig 'yon." Saad niya.

Jia's short POV:
"Pupuntahan pa rin tayo ni ate royal jia" saad ni kuya jimboy.

"Kumain na tayo, sa susunod makakain na rin tayo ng mas masarap dito jia..." Saad niya naman ulit. Tahimik lang ako sa gilid ni kuya.

"Babalik si kuya mo jia ah dyaan ka lang wag kang aalis may sakit ka pa naman.." saad ni kuya smjimboy bago maka alis.

Royalty POV:

PINAKINGGAN ko lang an kwento ni jia about kay jimboy. Napaka sakit ng pinag daan nila na pati ako ako napapatanong na bakut sa kanila nangyari?.

"Gusto ko pag laki ko ate maging doctor ako hindi para mag pagaling ng tao para na rin sana sa maayos na pag trato sa mga tao....kasi ate royal hindi namin naranasan 'yan sa hospital kung saan dinala si kuya" malungkot na saad ni jia. "Hindi ko gustong mag nakaw ate royal pero ginagawa ko para may pangkain ako sabi kasi ni kuya wag daw ako papagutom eh kahit wala raw pera gumawa raw ng paraan kaya ito gumagawa ako ng paraan"

"Kung mas maaga lang akong naka uwi ng pinas edi sana naabutan ko pa sana si j-jimboy, sorry jia ang bagal ng ate royal niyo eh" saad ko. Nalulungkot ako sa nangyayari hindi ko alam na ganito ang magiging bungad.

"Hindi mo kasalanan ate, kasalanan ko po dahil may sakit ako noon" saad niya naman.

"Hindi mo kasalanan okay? Wala kang kasalanan...." Naluluha kong saad. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo jia, hindi mo naman kasalanan.

"Paano kung hindi ako nag kasakit? Edi sana hindi siya nabangga ate, sana masaya siya ngayon oh kasi kasama kita"

"Alam mo ate Royalty ang sakit sakit po, pero kailangan kong maging okay para mabuhay ako. Kailangan kong maging matapang sa harap ng mga tao kahit ubos na ubos na ako at sobrang pagod na talaga ako. Ang bata ko pa raw po ate para sa ganito, kaya nga eh ang bata ko pa pero lahat ng kamalasan salong salo ko na" ramdam ko ang pagod ni jia, nararamdam ko ang nararamdaman niya ngayon.

Ang bata bata pa nila para maranasan ang ganitong klaseng bagay. Hindi niya deserve ang nangyayari ngayon.

"Ate ano bang ginawa ko para parusahan ako ng ganito? Mag nakaw ba? Kasi kung oo wala akong nagagawa eh, bata pa po ako lahat ng pwede gawin gagawin ko para maka survive sa magulong buhay na ito, para na rin mairaos ko ang sarili ko sa gutom na halos araw-araw nararamdaman ko"

"Shhh stop crying jia, dadalhin na lang kita sa france, gusto mo ba sumama sa akin?" Umiiyak kong tanong.

"Ano pong gagawin ko roon?" Tanong niya. "Tsaka saan 'yon?"

"Sa Ibang bansa, doon na ako nag tratrabaho jia...gusto mo bang sumama sa mga madre?" Tanong ko

"Mababait po ba sila? Hindi niyo naman siguro ako dadalhin sa kung saan ano po?" Saad niya. Napatawa ako ng kaunti at umiling.

"Hindi jia, kasama mo ako sa france at mga madre at pari"

"Sige po ate Royalty" saad nito at napangiti ako kahyt na sobrang lungkot ko ngayon

"Royalty nandito lang pala kayo" nagulat ako ng bumungad saamin si kuya Hermano.

"Tara na jia" aya ko kay jia.

"Tara na po" naka ngiti niyang tugon.

Sa pag ukit ng memorya may kailangan at may masasaktan talaga....

Sa panibagong yugto ng buhay ko sana lahat ay maayos na at may kulay.

Sa mga taong naiwan, nandito ako para samahan ka sa laban na akala mo hindi mo kayang wakasan...

Again this is
Royalty Meira San Jose
signing off




SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon