Chapter 19

10 2 0
                                    

Royalty Meira POV:

               OUR day went so well maraming chismis ang na-ikwento sa akin si erman at ang dami ring kwento ni Jepjep sa akin tungkol sa bagong hacienda nila senyorito Wabeck. Ayon sa kaniya may pina patayo rin itong bagong Hotel at isa sa mga holders ay si Lucas. Kaya pala laging busy ang taong 'yon. Nag lalakad-lakad lang kami sa mall at nag window shopping, naisipan pa nga ni Erman na bilhan ako ng bag sa isa sa mga Luxury brand.

"Alam mo bhe hindi ko naman ito magagamit habang buhay." saad ko habang tinitignan ang bag.

"Kahit na! authentic ito atsaka pag nag hirap ka pwede mo ito ma-benta." kontra niya. Tinignan ko ang presyo nito at shit masasabi ko lang ay pwede na siya maging tuition sa mamahaling school. Napangiwi na lang ako at ibinalik ang bag.

"Hindi mo ibabalik 'yan, akin na babayaran ko na" kinuha niya ang bag at pumunta sa staff. Napa kagat labi na lamang ako, i guess wala na akong magagawa kasi kinuha niya na. Sumunod lang kami ni jepjep sa kaniya.

"Thankyou" saad ng staff at ibinigay kay Erman ang malaking paper bag, ngumiti si Erman sa staff at nag tungo sa amin, ini-abot nito ang paper bag sa akin at kinuha ko naman ito.

"Sa'yo yan at gagamitin mo yan sa France okay?" saad niya.

"Yung presyo nito pwede ko na ipambili ng matitirahan" pabulong kong saad.

"Actually Royalty mura pa yan kay Erman, barya lang 'yan sa kanya" bulong sa akin ni jepjep. Mayayaman things hays kailan ko kaya mararanasan 'yon.

"saan niyo gusto kumain? Or mag ikot ikot muna us to buy Royalty a dress to wear" sabi ni Erman habang maarteng nag lalakad. Natawa si jepjep pati ako dahil sa lakad niya. Para siyang nag momodel sa mall.

"Marami pa akong damit bhe, kaya wag na tama na itong bag na mas mahal pa sa kaluluwa ko"

"Ayy! No no no beshycakes bibili us ng damit for you" sagot niya. Wala nanaman akong palag dito.

Nag lakad lakad kami hanggang sa makita namin ang isang Fashion Botique na nag titinda ng mga magagarang damit. Nakita ko sa internet na ganito ang suot ng ibang tao sa Paris France. Tinignan ko ang jacket na beige dahil gusto ko ang design nito, tinignan ko ang presyo at holy crap 5k?!? Binitawan ko agad ang damit at tumingin sa iba pang naka display. Jusko nakaka lula naman presyo ng damit dito. Napatingin ako sa isang black na damit napaka ganda nito na parang pag sinuot ko ito gaganda rin pati mukha ko. Tinignan ko ang presyo at shit 10k? for a freaking dress?!? nakakaiyak naman dito, binitawan ko ito at tumungo naman sa palda, mahaba ito hanggang tuhod ko siguro, kulay purple siya at ang pretty niya kaso ang presyo pang skincare na. 

"tara na sa iba na lang tay-" humarap ako sa kanila at na pa tulala dahil ang mga hinawakan ko kanina ay inilalagay nila sa basket na dala-dala naman ni jepjep. 

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila. Ngumiti si Erman sa akin pati na rin si jepjep.

"kumukuha ng damit" mahinang saad ni Erman.

"tama siya" sagot naman ni jepjep.

"minsan lang naman royalty... tsaka ano bayad ko na 'to sa'yo kasi kahit papaano napasaya mo ako bestie" saad ni Erman.

"Pero these clothes are expensive as hell" saad ko.

"kaya ko naman bayaran 'yan lahat don't worry" simple niyang saad. Oh to be rich.

"Mukhang wala ka nanamng magagawa royalty, si Erman 'to eh" natatawang saad ni Jepjep bago sila tumungo sa akin at kunin ang paldang hinawakan ko. 

Pag kalabas namin ng boutique ay agad kaming nag hanap nang makakainan, ang sinuggest namin ni jepjep ay sa Private Reasto na lang nila Erman. Hindi na ako nagulat ng malaman na may sarili silang restaurant, well sa yaman ba naman nila eh.

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon