Chapter 16

11 2 0
                                    

Ito pa isang update

Royalty POV
  

          NATAPOS kaming mag bigay ng mga relief goods at ngayon ay nag papahinga nalang kami ni Lucas habang naka tingin sa mga batang nag lalaro.

Nakakapagod pero worth it naman. Nakita ko naman na masaya sila sa simpleng bagay. Kanina kasi ipinahiram ko ang aking cellphone sakanila para mag picture picture at tuwang tuwa ang mga ito.

Habang naka tingin sa mga bata, may bigla akong naisip "Paano mo nga pala nagagawa lahat ng ito mag-isa?" Tanong ko.

"Dahil sa lolo ko" sagot niya. "Para alam mo ang buong kwento at hindi kana mag tanong ng marami, ako na ang mag sasabi sa'yo. Yung lolo ko noon tinitingala ng mga tao rito dahil sa kasipagan at sa yaman niya. Mahilig yung lolo ko tumulong sa mahihirap. Sabi niya kasi noon saakin, ayaw niya na mag isa lang siyang aangat. Ayaw niya ng ganon, gusto niya na mag grow ang tao. Sabi pa niya saakin pag nabuhay kang mahirap wag mong hahayaan na mamatay kang mahirap"

"Ranas kasi ng lolo ko ang buhay bilang mhirap, napaka hirap daw talaga. Swerte ko daw dahil pinanganak ako sa pamilyang may kaya. Na-inspire ako ng lolo ko kaya ko nagagawa ang lahat ng ito. Masaya ako dahil pinalaki niya ako na hindi malaki ang ulo at puro pera lang ang alam sa buhay. Ngayon pinag-papatuloy ko ang sinimulan ng lolo. Ako naman ang mag aangat sa tao dahil ayoko na lumaki silang ganito parin ang buhay nila. Gusto ko na maging masaya sila sa buhay"

"Hindi ko man ranas ang buhay mahirap, nakikita ko naman. Hindi ako bulag, nakikita ko rin ang pag hihirap nila" mahabang saad nito. Hindi ko alam pero masaya ako na ganito siya mag-isip. Nakaka inspire din tumulong sahil sa mga sinabi nito at dahil narin sa lolo niya.

"Sabi nga nila mahirap maging mahirap" saad ko naman at tumingin sa mga batang nag lalaro ng bato-bato pik.

Nakita ko naman sa aking perip vision na bumaling ito saakin "Ikaw, ano palang ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"Nandito ako kasi wannabe traveler ako. Pangarap ko na noon pa na mag travel around the world. Panes diba HAHAHA, joke aside kaya ako nandito kasi ito nalang yung last na pupuntahan ko rito sa pilipinas. It means after nito sa ibang lugar naman ako." sagot ko.

"Saan namang lugar?" Tanong niya.

"Sa france ko naisipang pumunta after. Gusto ko kasi makita yung eiffel tower and matikman yung croissant nila then next stop ko naman sa greece"sagot ko.

Tumikhim ito "Why france?" Maikling nitong tanong.

"Nasa bucket list ko" sagot ko.

"Sinong inspirasyon mo sa pag travel?" Tanong niya.

Ngumiti ako "Naging orphan kasi ako. Noong nasa orphanage palang ako nakatira, hindi kami nakakalabas kaya noong panahon na nasa loob lang kami ng ampunan lagi akong nakaka kita ng magazine na may ibat-ibang place na pwede puntahan. Nakikita ko na sobrang gaganda nila kaya tinanong ko kay Sister Maria na gusto ko doon pumunta ang sagot niya saakin hindi pa pwede dahil bata pa ako"

"Sabi niya pa pag 18 years old na daw pwede na. Kaya nung nag 18 ako inilista ko agad ang mga gusto kong puntahan. Actually, sa bucket list ko ang unang naka lista ay Italy kasi iyon ang pinaka una sa magazine. Sumunod nman sa Italy ay Surigao dahil narinig ko iyon saaking kaibigan sabi niya doon daw naka tira ang tunay niyang mga magulang, kaya naman sinunod ko sa listahan ko iyon. Bawat lugar na nasa listahan ko ay may kwento kung saan ko sila nakuha" mahaba kong saad at tumingin sa kan'ya na nakatingin saakin.

"Saan mo pala nakukuha yung pera na pina-pang travel mo? Okay lang if hindi mo sagutin" tanong niya.

"I know how to paint. I sell my paintings and nag ipon ako. And yung iba naman galing sa suporta ni Sister Maria saakin, sabi niya kasi deserve ko daw na makita ang kagandahan ng mga lugar sa mundo dahil naka kulong lamang ako sa ampunan. Sobrang bait non ni sister maria, hindi niya ako pinapabayaan lagi siyang nand'yaan para saakin" sagot ko.

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon