Chapter 18

14 2 0
                                    


Royalty POV:


          ILANG araw na lang pala ay aalis na ako kaya kaylangan ko nang i-meet si Erman at JepJep, pati rin pala si Senyorito Wabeck. Kinuha ko ang aking cellphone. Tawagan ko na lang kaya si erman kaysa itext.

*RING RING*

"HELLO!!!" 

nailayo ko ang aking cellphone sa aking tenga. 

"ouch grabe maka tili" saad ko.

"sorry naman, na miss lang kita!! huhuhu! hindi mo ako tinatawagan royal nakakatampo ka!" sagot niya sa kabilang linya.

"Ayy shhh nakakalimutan ko lang ikaw naman" sagot ko. Bigla naman akong nauhaw kaya tumayo ako at tumungo sa kusina para kumuha ng tubig.

"namimiss na kita bheeeee!!" 

"same bhe namimiss na rin kita" saad ko habang nag sasalin ng tubig sa baso.

"By the way kumusta ka d'yan, inaaway ka ba ni papi lucas?" tanong niya. Natawa naman ako dahil sa 'papi' niya.

"hindi naman, tsaka 'di kami masyadong close ano" sagot ko at uminom.

"baka may something na d'yaan a!" saad niya bigla. Nabuga ko ang aking iniinom dahil sa kaniya.

"t-teka!*cough* bat ka nag iisip ng ganyan! *cough* potek" pinunasan ko ang aking bibig.

"Hoy anong ako ikaw kaya HAHAHA ikaw ha! anong iniisip mong bata ka" saad niya naman.

"Heh! hindi ako madumi mag isip ano" sagot ko. Tumingin ako sa aking paligid, madilim na kasi rito sa bahay at mukhang ako na lang ang gising.

"Alam ko HAHAHA shutek 'to....pero teka bat ka na patawag? anong oras na kaya royal masisira beauty ko sa'yo sis eh" 

"Hays, alam mo na ba?" tanong ko. sumandal muna ako sa islan kitchen.

"Mukha ba? Kaya nga tinanong kita eh, hays stress much sa'yo siszt"

"haha gaga, ano erman diba nga aalis ako" simula ko.

"Oo alam ko yan emz" sagot niya.

Rinig na rinig ko ang pag hampas ng alon mula rito sa kinatatayuan ko.

" malapit na akong umalis..." mahina kong saad.

"a-ah? teh pot- teka nga ilang araw pa lang ah? Tsaka tapos na ba yung gusto mong gawin dito?"

"Actually ang bilis nga ng panahon" saad ko. Parang kahapon lang nung time na na-meet ko sila jimboy at jia.

"tang/na nasa-sad ako mhiema tama na" saad niya sa kabilang linya.

"ako rin, parehas tayo" sagot ko, sabay kaming natawa.

"pwede ba bonding tayo tomorrow? papaalam ako kay lolo tsaka pag papaalam kita kay papi lucas" saad niya sa kabilang linya. Napa isi ako kung papayag ba ang lalaking iyon, siguro papayagan naman ako ni lucas dahil wala naman kaming gagawin bukas.

"sure! saan tayo mag memeet?" tanong ko. Bumalik ako sa sala at naupo ulit sa sofa.

"sunduin kita dyan you know bestie, ma-traffic at hassle pa kapag nag commute ka" sagot niya.  Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"sure ka ha? or baka gusto mo lang makita si lucas" pang-aasar ko rito.

"hele enebe hende keye" maarte niyang saad na ikinatawa ko. Isa lang ang masasabi ko pag kausap ko si si erman ito ay napaka saya niya kausap. Napa hikab na lang ako, i think oras na para matulog.

"hahaha sige pala anong oras na kita na lang tayo tomorrow, bye bye"  paalam ko rito.

"gusto ko pang mag usap bestie may ispi-spill pa sana akong tea sa'yo hihi" saad niya. napa irap na lamang ako sa hangin.

"mag kikita naman us bukas, kaya bukas mo na ispill 'yan" inaantok kong saad. Onti na lang pipikit na mata ko shet.

"Hayss sige na pala byeeee kita kits emC ko muah muah" 

"byeee" huli kong sinabi bago patayin  ang tawag.

tumingin ako sa ceiling ng bahay dahil feel ko lang. Napaisip ako bigla...kumusta na kaya 'yong mga taong nakilala ko, sana matatag sila ngayon sana kahit papaano gumaan ang buhay nila. Hindi man ako naka pagbigay ng magandang payo at least nasabi nila iyong mga gusto nilang sabihin. Alam kong hindi pa ito ang simula ng lahat..alam kong marami pang daraan na pag subok marami pa rin akong kailangan tapusin . Hindi naman ako nandirito para lang sa simpleng gusto ko, alam kong nandito ako sa posisyong ako mismo ang nag lagay sa akin. Gusto ko maging parte ako ng memorya ng mga tao, ako rin naman ang gumagawa ng sarili kong  memories kasi alam kong walang ibang gagawa non dahil nga mag-isa lamang ako.

Siguro kung hindi ako iniwan ng pamilya ko sa ampunan masaya ako ngayon, feeling ko kasi parang hindi pa ako sapat, kulang pa rin ako. Kailan ako magiging buo? Kung hindi ko matanggap na iniwan nila ako roon. Pasikreto ko lang naman 'tong dinaramdam dahil ayokong pati ang iba mamroblema sa sarili kong problema...

"hayss kadramahan ko nanaman oh" saad ko nang maramdaman kong may isang butil ng luha na tumulo mula sa aking mata, agad ko naman itong pinunasan. "matutulog na nga ako" Tumayo at pumuntang kwarto para mag pahinga.

"Royalty" rinig kong saad ng taong may mababang boses.

"hmm?" humarap ako kay lucas at ngumiti.

"Uhm...umiiyak ka ba kanina?" tanong niya. Shit nakita niya yata kanina yung pag punas ko sa aking mata.

"h-huh? hindi ba't ako iiyak?" saad ko. Napa kunot siya ng noo pero kalaunan napa ngiti rin.

"Wag mo na itanggi nakita kita kanina" saad niya. Napa nga-nga na lamang ako. Ano raw?! nakita niya ako?!?

"ha-hahaha ano kasi naalala ko yung movie na napanood ko kanina eh" sagot ko.

"alam ko Royalty Meira..." mahina niyang saad. Napa-kunot noo ako, anong alam.

"namimiss mo na si Jimboy at Jia?" saad niya. Napangiti ako dahil he pays attention pala pag nababangit ko sila Jimboy at Jia.

"Hindi lang sila." saad ko. NApa tango tango naman siya.

"alam ko na, yung mga taong naka sama mo ano?" tanong niya. napa ngiti ako dahil this time na kuha niya na.

"Correct." 

"sabi na eh..." mahina niyang saad.

"Bakit alam na alam mo?" tanong ko.

"Lagi kong napapansin" sagot niya. Ang galing niya naman para mapansin. 

"ohh so halata pala" mahina kong saad.

"Ilang araw pa lang tayo mag kasama rito pero alam ko na agad diba? magaling kasi ako" saad niya na ikinatawa ko. Baliw pala 'to pag gabi akala ko pa naman lagi lang siyang seryoso.

"Nagiging baliw ka pala pag gabi" natatawa kong saad.

"hindi ah, pero anyways kaya alam ko agad kasi based sa na-observe ko sa'yo pag naka tingin ka sa malayo alam kong marami kang iniisip, ganyan din kasi ako kaya alam ko." saad niya. Hindi ba lahat ng tao minsan ganon.

"eh naka tingin ako sa ceiling, malayo ba 'yon" sabi ko na ikinatawa niya.

"Ganon na rin 'yon, still naka tulala ka parin tsaka kitang-kita ko nga parang may hinahanap yang mga mata mo."

Napatingin ako sa mga mata niya, ganon din siya. "Hays matulog ka na" saad ko.

"Hahahaha bukas kita tatanongin ng sobrang dami, byeeee goodnight sweetdreams"

"G-night sweetdreams din"

"sana mapaginipan mo 'ko" habol niya pa bago tumungo sa pinto ng kaniyang kwarto at pumasok.

"bad dreams na 'yon" saad ko bago tuluyang pumasok sa loob ng aking silid.


----------

happy new year sa isa dyan sana masaya ka na ginanon-ganon mo lang ako.

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon