Chapter 6

41 9 0
                                    

A/n: sorry for ERRORS!!

<>



       KINABUKASAN maaga akong nagising para maligo at ihanda ang aking mga gamit upang lumuwas na. Inaayos ko ngayon ang aking mga gamit nang biglang nag ring ang aking selpon kinuha ko ito at sinagot.

"Hello po?"

"Ahh hello ikaw ba si Royalty Meira Sanjose?" tanong nung caller.

"yes po ako po ito, bakit po?" tanong ko, bakit kaya siya napa tawag.

"Ito si Mang teddy inaantay ka na namin rito sa farm hija." lumaki ang aking mata dahil nag aabang pala saakin ang farm kung saan muna ako mag lilibot libot. Hala baka late na ako.

"Ayy hala sorry po!" nag mamadali kong kinuha ang aking bag at lumabas, naabutan ko naman si ate mari sa labas na nag wawalis.

"Ate mari mauna na po ako, thankyou po pala sa pag papatuloy saakin dito." sabi ko rito, ngumiti naman siya saakin at niyakapap ako.

"Sige mag iingat ka hija tuparin mo ang pangarap mo." humiwaly siya sa yakap at nginitian ako ng matamis.

"Sige po bye bye po thankyou po ulit!" bago ako tumakbo ay nag wave naman ako sakanya tsaka bumaba sa hagdan.

Naka salubong ko si Ella na may dalang skate board, "Ate Royal! Uuwi na po kayo? Bakit ang aga naman po ata?" bungad na tanong nito ng maka baba ako ng hagdan.

"Ganon talaga ella may nag aantay din kasi sakin kaya napa aga ako." sagot ko rito, binaba niya ang kanyang skate board at lumapit saakin, nagulat naman ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Ingat po ate, tsaka po kita kits po tayo sa susunod gusto pa po kasi kitang makilala pa ng sobra ate royal." saad nito at humiwalay ng yakap saakin. nginitian ko ito dahil sa kaniyang mga sinabi.

"Gusto parin kita maka sama kahit sandali lang kaso need ko na talagang umalis ng maaga dahil baka ma late pa ako sa flight papuntang cebu." saad ko, nakakalungkot lang isipin na wala akong natitirang oras sa mga taong nakakasama ko bawat araw, hindi ko sila makilala ng lubos dahil oras ang hinahabol ko.... Kung may chance lang sana akong makilala pa sila ng lubos susulitin ko na sa susunod at isusulat ko ang mga pangalan nila saaking sinusulat na libro kung saan ang bawat taong nakakasalamuha ko ay nakalagay ang pangalan rito at itatatak ko ito sa aking isipan at babaunin kung saan man ako pumunta.

"Sige ate royal ingat po!! Bye bye." kinuha ni ella ang kaniyang skate board atsaka ako kinawayan.

"Bye ella! Wag kang mag kukulit sa mama mo ha?" tumawa lang si ella sa aking sinabi, lumabas ako at tinignan ang aking tinirahan para sa isang araw, 'babalikan ko 'to' sabi ko saaking isipan.

"Sana safe po akong makarating sa cebu Lord." bulong ko sa hangin, sumakay ako ng  taxi papuntang airport. Sana maging maayos ang pag tuloy ko sa cebu pinaplano ko pa kung saan ang next destination ko after cebu i'm still choosing between Paris, Italy, Greece, nasa bucket list ko ang Paris after cebu but need ko munang ipag sure kung desidido na ba ako na sa Paris france ang next kong pupuntahan maybe i should ask si kuyang nag dridrive.

"Kuya...kuya?" tawag ko rito ng pansin.

"Ayy yes po ma'am bakit po?" tanong nito.

"Kuya sa tingin niyo saan magandang puntahan after ng cebu? Paris, Italy, or Greece?" tanong ko.

"Saakin po ma'am? Siguro po sa Paris kasi po yung anak ko doon po nag tratrabaho kaya doon po maganda, tsaka baka po ma meet niyo ang anak ko pag pumunta po kayo roon.'" sagot nito.

"Sige po kuya, next ko pong pupuntahan ay Paris france." natawa naman si kuya driver doon kaya napa tawa naang din ako.

"Ako po pala mag dedecide ng pupuntahan niyo po nakaka tuwa naman po iyon ma'am, first time lang may nag tanong ng susunod niya pong pupuntahan saakin."  naka ngiting saad ni kuya.

"ngayon po kuya ako po ang naunang mag tanong haha pero sige po ang next stop ko po ay sa paris. Sana ma meet ko din yung anak niyo po." saad ko rito habang naka ngiti. "Ano po palang pangalan niyo kuya?" tanong ko.

"Ma'am ako po si Hermano Navidad 45 na taong gulang po." sagot nito.

"Sige po tatandaan ko po ang name niyo." saad ko.

"Kayo po ma'am ano pong name ninyo?" tanong nito saakin.

"Ako po si Royalty San jose" sagot ko.

"Bakit ninyo natanong saakin kung anong susunod na magandang puntahan ma'am royalty?" tanong nito saakin.

"Hindi po kasi ako maka pag decide kuya." natatawang sagot ko rito kaya pati rin si kiya napa tawa.

"Basta ma'am pag nakita niyo po ang anak kong si Hariyah Navidad sabihin niyo po ay kilala niyo ang tatay niya, at sigurado akong matutuwa yon."

"Sana po ay ma meet ko siya sa Paris at nga pala kuya anong trabaho niya doon?" tanong ko, kinuha ko ang aking notebook at ballpen at sinimulang isulat ang name nila.


"Taga bantay po ng Matanda." sagot nito.

"Taga bantay po ng matanda, saan naman po banda sa Paris?" tanong ko ulit.

"Gordes, gordes po ang pag kakaalala ko sa sinabi niya na kung saan siya mag tratrabaho." sagot ni kuya saakin. Gordes? Baka maligaw ako doon dahil naalala ko inilagay ko ang Gordes sa aking booklet na pupuntahan ko pag nakarating ako ng Paris.


"Sige po kuya baka po maligaw ako doon, may mga pilipino naman pong nag tratrabaho roon diba po? Baka po maspottan ko po ang anak ninyo." saad ko, pinasok ko angaking notebook at ballpen saaking bag pag katapos isulat ang mga dapat isulat at umayos ng upo.


"Sana nga ay mag kita kayo, ayy ito nga pala ang picture kung sakali.." kinuha ni kuya ang  wallet niya na nasa harapan lamang ng sasakyan at iniabot ito saakin habang ang mga mata nito ay nasa daanan pinakita ni kuya ang picture ng babae na mahaba ang buhok at kulay brown ang mata, maputi ito at maganda,


"Siya po si Hariyah? Ang ganda niya po." saad ko.

"Sobrang ganda ng anak ko na yan sayang lang dahil hindi pa kami nag kikita pero pangako ko mag kikita rin kami." saad nito, napangiti naman ako ng malungkot, buti pa si hariyah may mapag mahal na pamilya at pinagmamalaki siya ng papa niya...paano ako? Wala naman akong tatay iniwan lang ako sa ampunan.


"Ang saya po siguro ng pamilya ninyo." saad ko nalang bigla.

"Opo ma'am! Sobrang thankful po ako kay God dahil binigyan niya ako ng pamilya na kumpleto masaya ngunit di mag kasama-sama....pero ayos lang iyon masaya naman kami pag nag kikita kita at kahit sa videocall masaya parin." natutuwang saad ni kuya, nakakainggit nilalamon ako ng inggit saaking pwesto...hayy..

"Kayo po ma'am masaya po ba ang pamilya ninyo?" tanong nito. Napa buga nalangako ng hangin tsaka ngumiti kay kuya.



"Siguro... Kung hindi nila ako inabanduna." saad ko tsaka napatingin sa labas ng sasakyan, ayokong maiyak dahil hindi na dapat ako naaapektuhan  sa ganitong bagay  dahil nasanay na ako pero hindi mo naman mapipigilan ang damdamin.


"Sorry po ma'am." biglang hingi ng paumanhin nito.

"Nako kuya wag na po kayong mag sorry di na ako apektado sa ganyang bagay 'no hahaha." saad ko at tumingin sa aking harapan.


.....

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon