Chapter 4

33 8 3
                                    

A/n: sorry for ERRORS.

<>


       Bumaba na ako pag tapos maligo at naabutan ko si ate mari na nag huhugas nang plato, kumatok ako para maagaw ang kaniyang atensyon.

napatingin siya saakin "Oh hija andyaan ka napala tara na at kumain" ngumiti ako sakanya at umupo na sa upuan at sumandok ng kanin. Medyo makapal ang mukha pero gutom na ako, ps wag niyo akong gagayahin.

"Mukhang gutom na gutom ka nga royalty hahaha" sumandok din si ate mari ng kanin at kumuha ng sabaw.

"Mag dasal muna tayo" pumikit ako at nag dasal kay Lord, nang matapos kaming mag dasal ay umayos ako ng upo at sumubo ng kanin.

"Saan ka nga pala papunta royalty?" tanong ni ate mari saakin, nilunok ko muna ang aking kinakain at uminom ng tubig.

"Sa cebu po para mag libot libot" mag didiskubre naman ako nang ganda ng cebu dahil hindi pa ako nakakapunta roon.

"Taga doon ang aking asawa at doon din kami nag kakilala" naka ngiti niyang saad ngunit may lungkot doon na naka ukat sa mga ngiti niyang nilalahad saakin.

"Asan nga po pala ang asawa niyo ate mari?" tanong ko rito, ngumiti naman siya saakin ng tipid at uminom ng tubig.

"Matagal na siyang wala royalty.....matagal niya naakong iniwan pati ang dalawa naming anak...napaka sayang lang at hindi niya naabutan si ella" ngumiti siya ng tipid, i feel bad bakit ko ba kasi tinanong tsk.

"Hala sorry po ate mari sorry po " humingi ako ng tawad dito.

"Okay lang royalty hahahaha wala iyon" bumalik na siya sa pag kain, nalungkot naman ako doon.

Habang kumakain biglang may kumatok sa pintuan at pumasok roon ang isang babae—wait siya yung naka bangga ko kanina yung nag sk-skateboard siya ata si ella.

"Mama mari im home na po" napatingin siya saakin na parang may gulat sa mukha "Ikaw yong naka bangga ko kanina diba miss? Hala sorry po nag pra-practice kasi ako mag skate board"

"Hindi okay lang yon wag kanang mag sorry nag sorry ka naman na kanina hahaha" ngumiti siya saakin at lumapit saamin at tumabi sa mama niya.

"Hell—" bago pa siya matapos nag salita na agad si ate mari.

"Ikaw talagang bata ka! Kung saan saan ka nag pupunta! Nako talaga ella tumakas ka pa sabi mo saakin diba kaninang nag paalam ka pupunta kalang kila gazer para sa project niyo sa school?? Nag sumbong saakin si gazer na nag skateboard ka pala!"

"Mama naman ihh gusto kong matuto mag skateboard! Tsaka kaya sinabi kong gagawa po kami ng project para maka takas sainyo kasi hindi mo nanaman ako papayagan" pag eexplain nito sa mama niya. Sana lahat nakakapag explain sa mama niya ng ganito, gusto ko ding maranasan mapagalitan ng magulang dahil sa pag takas. Nalungkot ako sa aking naisipan.

"Sa susunod kasi mag paalam ella para hindi ako nagagalit" sabi ni ate mari.

"Ma, kahit mag paalam ako papagalitan at papagalitan mo parin ako" sagot ni ella, tinuloy ko ang aking pag kain dahil gutom narin ako.

"Tsk, sige na at umupo kana mag join ka samin  kumain ni ate mo royalty" umupo si ella sa tabi ni ate mari at nag sandok na nang ulam at kanin.

"Ate royalty ilang araw po kayo dito???" tanong ni ella habang may laman ang bibig napangiti naman ako sakanya ang cute cute niya kasi.

"two days lang ella dahil kailangan ko nang pumuntang cebu dahil may mga tutulungan din kami doon, atsaka isa din akong traveler"

"Ang galing! Ayoko lang maging traveler gusto ko maging racer ng motor para cool akong tignan" napatawa naman ako ng mahina roon, napaka cute.

"anong racer racer ng motor? Paano kung maaksidente ka doon??" angal ng kaniyang ina, nang' siyang nag pasimangot kay ella.

"Ate mari hayaan mo muna, malay mo mag bago pa ang gusto niya diba?" saboat ko.

"Kaya nga mama" pag sangayon naman ni ella saakin.


Short update- word's 656

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon