Chapter 12

8 2 0
                                    


MATAPOS naming mag kwentuhan tungkol sa mga carrots dito at iba pa ay pumunta na kami sa pinaka canteen ng mga nag tratrabaho dito para mag hapunan. Ang sabi ni erman dito na daw kami kakain at kasama daw namin si  Lucas.

"Alam mo royalty maraming masasarap na pag kain rito actually noong 1st year college ako dito ako kumakain pag uwian na namin" saad ni erman.

"Anong putahe ang pinaka gusto mong kainin?" tanong ko habang tumitingin sa mga naka pagkain na nakahanda.

"Syempre ang pinaka masarap na afritada ni Lola Vilma" sagot nito habang may ngiti sa labi, kumuha ito ng kanin at nilagay sa plato ko. "Ayan sayo 'te, pati itong afritada tikman mo 'to" nilagyan niya ng afritada ang plato ko. Hindi na ako umangal dahil iyon din ang kukunin ko.

"Okay na siguro itong pag kain ko" titingin sana ako kay erman ng makita ko si luke na nakatayo sa gilid kaya napatigil ako at kunyare hinahanap ko si erman kahit nasa harap ko lang ito. Alam ko sinalubong niya din ang mga titig ko, nakakahiya.

"Nachekwat mo na ulit si lolo danny ahh ikaw lola vilma nako nako talaga ikaw ay may natitira pang sinigang" tinapik ko si erman at sinabing umupo na kami.

"Teka muna papakilala kita kay lola vilma na may kamyas pa sa buhay" tumingin ako sa matandang may apron at naka suot ng hairnet. Nginitian ko ito at binati, ganon rin ang ginawa nito.

"So lola vilma this is royalty and royalty this is lola vilma siya ang taga luto dito sa farm she's been working with us for 10 years" pakilala ni erman.

"Hello po sainyo lola vilma" bati ko.

"Hi ma'am royalty sana ay magustuhan niyo ang aking inihanda"

"Magugustuhan ko po ito promise po iyan" ngitian ko siya ng pag kalaki-laki at itinaas ko  ang aking kanang kamay na ikinatawa nila ni erman.


"Siguro nagagandahan saakin si Lucas! OMG ganda ko talaga plus mahaba pa ang buhok, 'oh sino ka don royalty emerouch" saad ni erman at kunyaring winawasiwas ang buhok.

Tinignan ko ang kabilang lamesa at nakita ko si lucas na kumakain habang nasa phone. Humarap ako kay erman "Erman, anong oras pala tayo uuwi?" tanong ko.

"Mga 7:30pm bakit?"

"Wala lang tanong ko lang" sagot ko. Bakit ba ako nag tanong? Ayy ewan bahala na.

"Ayy 'te bukas pala ang mag susundo sayo sa bahay ay si jepjep. Busy kasi ako bukas you teh papeles ng company namin" saad niya.

Bukas pala ang punta ko sa isang resort dito sa cebu. Hanggang next week akong mamamalagi roon. nag paalam na rin ako may senyorito at binigyan pa ako ng vip suite para daw sulit.

"Don't worry bakla puntahan kita doon para di ka mabored" saad niya.

"Bat ang bait bait niyo?" tanong ko. Mabait sila saakin pati sa ibang tao kaya napapaisip nalang tuloy ako na baka anghel lang sila na bumaba sa lupa.

"syempre dyosa ako duhh" sagot niya na ikinatawa ko. Wala talagang matinong sagot ito.

Nag kwentuhan lang kami nila erman hanggang sa matapos kaming kumain. Marami siyang nasabi tungkol sa farm nila at na shock din ako sa mga naikwento niya saakin tungkol sa palaisdaan nila.

"Lucas!" nakita ko mula sa malayuan ang isang magandang babae naka suot ito ng sunny dress na tumatakbo papunta kay luke.

"maddy!" sinalubong ng yakap ni luke ang babae.

"How was your day here?" tanong nung maddy.

"It's so fun here, i've met a lot of people" ngiting sagot ni luke.

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon