Chapter 5

45 8 0
                                    

A/n: sorry for ERRORS!

<>


NANG matapos kaming kumain ay niligpit ko na ang kinainan namin, balak pa sanang ligpitin ito ni ate mari pero i insist kasi nakakahiya naman kung sila parin mag liligpit.

"Ako napo mag huhugas ate mari" pumunta ako sa lababo at kinuha ang sponge.

"Hindi na hija, ako na diyaan tsaka bisita ka dito hija" sabi ni ate mari at tumingin saakin.

"Nakakahiya naman po kasi, ako na po diyaan" inagaw ni ate mari ang sponge at ngiti saakin. Nakakahiya naman diba nakikikain na nga lamang ako tapos siya pa mag huhugas nang pinag kainan ko.

"No hija sabi ko ako na at sige umupo ka nalang diyaan" ngumuso ako sakanya at pumunta nalang sa upuan at umupo.

"Saan ang magulang mo hija??" ngiti ako nang malungkot.

"Hindi ko po alam ate mari " napakamot ako saaking ulo.

"Sorry hija at natanong ko" nalungkot ang mukha niya nang binalingan niya ako.

"Wala po iyon ate mari, tsaka sanay napo ako sa mga ganyang tanong simula nung bata pa po ako" naalala ko dati na lagi akong nabubully sa ampunan.

Flashback's:

"bleeehhhh walang nanay at tatay!" sabi nanag aking kalaro, kala mo naman may nanay din siya at tatay.

"Ano ba taha wala rin naman tayo noon" sabi ni kluster ang batang lalaki na kalaro ko.

"meron na ako kluster na meet ko na nga sila kanina" tinarayan nito si kluster at humarap saakin habang naka taas ang kilay "eh ikaw royalty? Wala bang mag memeet sayo dito? Hahahaha kawawa ka naman" tumawa siya at tinarayan ako, naiiyak akong bumaling sakanila ni kluster.

"Tama na taha! Diporket may magulang kana ay gaganyanin mo na ako baka nakakalimitan mong galing kadin sa wala" naiiyak ko saad rito.

"atleast saakin meron na, ikaw? Wala parin royal...wala, nakakaawa kang nilalang" tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig, masakit ang aking kamay dahil sa mga bato.

"Taha! Sabi nang tama na! Ang yabang yabang mo porket may mga magulang kana! " sigaw rito ni kluster tsaka ako tinulungan para tumayo.

"Alam niyo ang panget niyo! Nakakainis kayo! Mga walang magulang!!!" sigaw nito atsaka tumakbo paalis, ako naman ay nag pag-pag lamang nang aking pwetan.

"Pag pasensyahan mo na si taha naging mayabang kasi nung may magulang na tsk kala mo ikakaganda niya yon nang sobra." ngumiti ako kay kluster.

"Okay lang kluster tsaka oo nga pala may pupuntahan pa ako." iniwan ko na doon si kluster at pumuntang garden namin.

Doon ako umiyak nang umiyak napaka sama nilang lahat saakin dito, hindi nila ako sinasama sa kahit anong larong gawin nila o di kaya sa activities sa simbahan, ayaw nila saakin dito.

"Oh royalty bakit andirito?? Ayaw mo bang sumama sa mga ibang bata roon??" nagulat ako nang biglang pumasok si sister marie sa garden kaya agad kong inayos ang aking sarili at tinuyo ang aking mga luha.

"Ayoko po sister, gusto ko pong mapag isa dito" ngumiti ako sakanya.

"Hayss ikaw talagang bata ka, kumain kanaba? Baka hindi pa at pumunta ka doon sa kusina at may pagkain doong naka handa" nanag makarating saakin si sister marie ay agad niyang hinaplos ang aking maikling buhok.

"Alam mo royal at napaka swerte mong bata dahil ako noon? Sa edad mong iyan nasa kanto pa ako at nag aantay nang mananakawan para sa pang kain ko sa aking sarili, pero lahat nang yon nag bago nang makilala ko si manang sonya at manong sentimo, sila ang nag turo saakin na mag bago at maging parte nang buhay ng diyos at paglingkuran siya" humarap ito sa langit at ngumiti nang matamis na matamis.

"Kaya wag mong kakalimutan ang diyos, at lagi kang mag dasal royal dahil doon mag babago ang lahat." humarap ito saakin at hinaplos ang aking buhok.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga ala-alang iyon na kahit ganon ang ugali ni tana ay masaya parin akong nakilala siya nakakapang hinayang nga lamang dahil hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon lalo na si kluster na pinag tatanggol ako noon sa mga nang aaway saakin.

"Sorry ulit sa tanong ko royal curious lang ako." saad ni ate mari nginitian ko ito at sinabing wala lang iyon.

"Wala namang masama macurious ate mari lahat naman siguro ng tao nacucurious diba? Kaya okay lang sakin yon dapat nga mag sorry din ako dahil sa tanong ko kanina." saad ko rito.

"Ayy nako nako tama na nga ang kwentuhan at gabi na oh tsaka baka may gagawin kapa royal." saad nito, inilagay ko ang baso sa lalagyan at pinunasan ang aking mga kamay at humarap kay ate mari.

"Ahh sige po ate baka din po marami kayong gagawin." ngumiti ako rito tsaka sumabay sakanya lumabas.

"Sige royal goodnight."

"Goodnight rin po ate mari." humiwalay ako ng daan sa hallway at pumunta sa aking kwarto umupo ako sa gilid ng aking higaan at tinignan ang aking selpon. 8:30 pm na pala ng gabi.

"Maka tulog na nga para maka pag pahinga na ako ng maaga." huminga ako ng malalim at saka pinatay ang ilaw at humiga. G-night.

.......

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon