Chapter 20

18 2 0
                                    

NAPA DAMI ako nang pagkain dahil sobrang sarap ng foods nila dito, napansin pa nga ni erman na naparami ako ng kain kaya sabi niya ito-tour niya ako sa cousine ng restaurant na ito. Na e-excite akong makita kung paano nila inihahanda ang mga pagkain.

"Are you done sissy? tara na at mag go sa loob kung saan inihahanda ang mga foodies" saad ni Erman. Tumayo kami at nag lakad patungo sa isang malaki at magarang pintuan.

Mukhang pati si erman ay nae-excite rin na ipakita sa akin ang loob ng kusina ng Restaurant nila.

Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang isang maikling hallway patungo sa isa pang pintuan. Ang pintuan na ito ay may dalawang knight na display na naka tayo. Nakakamangha dahil pati ang patungo sa kusina nito ay sobrang ganda at sobrang linis.

"Para akong prinsesa sa hallway na 'to ah" sabi ko kay erman.

"You liked it?" tanong niya.

"Oo naman sis" sagot ko.

"Aww thankyou at nagustuhan mo 'tong design ko" saad niya. Design niya? architect ba 'to?.

"Design mo?" tanong ko.

"Oo design niya" sagot naman ni jepjep sa likod namin. Napatingin ako sa kanya at kay erman.

"Wow nice nice" saad ko.

Binuksan ni Erman ang pintuan. Bumungad sa akin ang isang napaka lawak at napaka linis  na kusina. Woahh! ang ganda rito, para akong nasa kusina ng isang palasyo. Kusina ba talaga ito? ngayon alam ko na bakit ang mahal ng pagkain nila rito-parang ang babaw naman non hays nevermind.

"Ang ganda dito pwede ba matulog ako dito?" pabiro kong sabi. Kung ako lang masusunod dito ako matutulog hanggang bukas.

"Gaga ka talaga" natatawang saad namin niya. Lumakad ako patungo sa isang sobrang habang lamesa kung saan andoon lahat ng orders ng mga tao. Hindi kaya sila malito? kung ako 'yan malilito ako.

"tanong ko lang... Erman hindi ba sila nalilito diyan?" itinuro ko ang lamesa.

"Hindi naman daw sabi ni chef arky, nasanay na rin kasi sila sa ganyan. Actually noon sabi ko baguhin na namin 'yan pero sila na nag sabi na ayaw nila" saad nito. wow kung ibang tao ito hindi na pinakinggan yung mga staffs nila, pero sila erman ang bait.

"Ang bait niyo ah" nag lakad kami papunta sa mga nag luluto pero bago iyon pinag suot muna kami ng hair net atsaka nag mask yung transparent. Maraming bumati kay erman, jepjpep at sa akin. Tumingin ako sa paligid, parang lahat yata rito ay ginto.

"Bakit parang lahat yata ng gianagamit pang luto rito ay ginto?" tanong ko sa kaniya.

"Ha? hindi naman lahat yung iba stainless steal lang 'yan" saad niya, pero di ako naniniwalang stainless steal yung iba rito mahahalata mo kasi na gold.

"By the way niluluto ni chef ryan ay yung best dishes namin rito, mostly kasi siya at si chef arky ang nag luluto non. Yung iba naman ay sa staff na namin." tinuro ni erman ang dalawang chef na busy sa kani-kanilang gawain. 

"So marunong din staff niyo rito mag luto?" tanng ko naman.

"Oo naman may classes 'yan sila sa pag luluto, doon sila tinuturuan ng mga putahe rito" sagot niya.

"what if manakaw?" tanong ko.

"Then makukulong sila, we find ways to find the culprits" sagot niya. 

"Tapos na kayo? bored na'ko" mahinang saad ni jepjep. Napa irap na lamang si Erman.

"edi bumalik doon sa room mygod" saad ni erman na parang na fru-frustrate.

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon