Chapter 9

35 3 0
                                    

This is edited :)

Tumigil ang aming sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Napatingin ako sa mga kasama ko na mukhang pagod sa byahe dahil malayo airport

"Arat na mga emz!—" sabi ni erman at biglang napatigil. "tara na bumaba na tayo." sabi niya sa mababang boses.

Naunang bumaba si erman sumunod si jepjep na pumunta sa likod at sumunod naman si senyorito wabeck na bumaba, kaya ako naman ang bumaba.

Pumunta ako sa likod para kuhanin ang aking gamit pero nakuha na pala ito ni jepjep.

"Ako na lang mag dadala jep." sabi ko rito.

"hindi ako na" saad niya naman. Tinry ko pang agawin ito ngunit hindi niya talaga binitawan hanggang sa maka pasok kami sa loov ng bahay.

Namangha ako sa sobrang laki at ganda ng istraktura nito sa loob, parang napupuno ng real gold ang buong bahay o sabihin nalang natin na mansyon dahil sa laki.

"Welcome po señorito wabeck." saad ng mga kasambahay na sumalubong saamin.

Parang hindi sila kasambahay dahil sa ganda ng kanilang suot.

"ang ganda." mangha kong bulong.

"Everyone, this is Royalty Meira San Jose, treat her well. Dito siya mag sta-stay for 30 days." saad ni Señorito wabeck sa mga kasamabahay.

"Kaano-ano niyo po siya Senyorito wabeck?." tanong ng isang kasambahay.

"Isa siya sa mga trusted tourist ko na mag lilibot libot sa farm and to clarify something kung bat andito siya is may kakilala ako na isang madre. Sabi niya ay parang tinuring niya na, na anak si Royalty thats why gusto niya matupad ang pangarap nito. Sana maging maayos ang pakikitungo niyo sakanya." saad ni senyorito wabeck sa lahat. Nakakahiya naman kung ganto ayoko naman tratuhin na parang isang prinsesa, kaya sana hindi nila ako tratuhin ng ganon siguro yung trato na nirerespeto ka 'yon lang sana.

"Ano beks g kaba mamaya sa farm mag lilibot libot?" bulong saakin ni jepjep. Tumango naman ako bilang sagot. Excited na ako makita ang farm at libutin ito. Pinag masdan ko ang buong kabuoan ng bahay napaka linis nito at napaka laki. Nakakahiya naman tumapak dito ng naka sapatos. Napaka kinang ng sahig, napaka linis at ayos na ayos ang sofa at unan nito. Pwede kaya dyan umupo? Kaso nakakahiya naman ang ayos pa naman.

"I'm going dahil malalate na 'ko saaking meeting. Erman ilibot niyo si Royalty sa buong kabahayan." tumingin ito kila erman at sumunod naman ay saakin. "Royalty sasamahan ka nila mag libot, kaya mauna na 'ko." ngumiti ako at nag paalam rito.

Kinalabit ako ni jepjep "Ano go na tayo? Ilibot kana namin sa buong kabahayan ni senyorito wabeck" tumango naman ako sakanya bilang tugon. "Nako beks magugustuhan mo 'tong bahay namin." excited na saad ni erman.

UNA naming pinuntahan ang garden ni senyorito wabeck Napaka ganda rito ang daming bulaklak at halaman na magaganda, may maliit din na foutain sa gilid nito at may mga koi iyon. Sumunod naman ay sa mga kabayo kami ni senyorito pumunta mayroon itong tatlong kabayo si Qi at Wi at Ei sabi ni erman siya daw ang nag pangalan sa mga ito.

"Si qi ay isang klase ng kabayo na tamad tumayo at walang pake sa lahat." saad ni erman. "ito naman si wi the matakaw of the group, she always eat all the veggies i give to them for short she eats the most." pumunta kami sa huling kabayo. "For the last its Ei he's the matapang of all them, at first i didnt like him and now gusto ko na siya." pag papakilala niya sa mga ito.

"Why tatlo lang kabayo ni senyorito?" tanong ko. Mayaman si senyorito pero tatlo lang ang kabayo niya? Nababasa ko kasi pag mayayaman hindi lang isa ang kabayo.

"Kasi 'yon lang ang gusto ni senyorito, ayaw niya ng madami gusto niya tatlo lang. Hindi kasi nito nasunod ang dati nitong asawa na gusto tatlo anak kaya kabayo nalang ang ginawang tatlo nito." sabat ni jepjep. Hindi ko alam kung tatawa ba ako or mananahimik nalang dahil sa sinagot niya.

"ewan ko pa dyan kay dad ka stress siya minsan." saad ni erman. "Hindi kamo siya marunong bumayo noon kaya ganyan." sagot nito na ikinatawa namin ni jepjep.

"Moving on to the next stop yung pool area." pumunta kami roon at namangha ako sa laki ng pool nito. Grabe mayayaman lang makaka afford nang ganito kalaking pool.

"Itong pool na 'to ako lang nag swiswimming dyan, pinagawa yan ni dad for me, only. Dahil gusto ko daw maging swimmer noon." kwento ni erman. "actually ngayon nga minsan minsan nalang ako gumamit nyan dahil hindi na exciting paulit ulit lang din naman walang nabago sa itsura."

"Edi sabihin mo kay senyorito wabeck para baguhin niya. Tsaka mayaman ka rin bat hindi mo ipabago?" sagot ko rito.

"Bibili ako ng bahay next year kaya hindi ko na need ipa-bago ito." sagot niya. Nice, sana ol may pang bili ng bahay.

"So next natin ay ang kitchen dahil tapos na tayo sa labas" Pumasok kami sa loob ng kabahayan at tumungo sa kitchen. Ang bango dito amoy ulam nakaka gutom.

"Ito ang kitchen namin may chef kami dito si Chef federio." may lalaking naka suot ng pang chef na lumapit saamin.

"Hello chef this is royalty, royalty this is chef federio." nginitian ko ito at binati ko

"Hello chef good afternoon po"

"Hi miss royalty meira welcome po sa bahay ni senyorito wabeck, ako po pala si chef federio ang chef sa bahay na ito." pag papakilala nito.

"chef anong ulam natin?" tabong bigla ni jepjep habang naka tingin sa niluluto ni chef. Natawa naman ako rito dahil mukhang gutom na ito dahil naka hawak na siya sa kaniyang tiyan.

"Afritada ang req ni senyorito pero mukhang umalis ata siya" sagot nito. Nakakagutom ang amoy rito sa kusina.

"Ano kakain na ba kayo? Mukhang gutom na gutom na kayo" natawa naman kami lahat at pinag handaan kami ng plato nito.

"Gutom na gutom na talaga kami chef" sagot ni erman at kumuha nang kanin.

--
Pag may nakita kayong "bramwell" na name typo iyon huhuhu. Gosh nag kanta lito-lito na 'ko 〒_〒.

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon