Chapter 11

24 2 0
                                    

Here's the update :)) enjoy reading.

             NANG matapos kami sa maglibot-libot sa malaking bahay na ito napag isip isipan namin nila erman na pumunta sa carrots farm nila.

"Ipapakilala ko sayo ang mga nag mamanage at nag tratrabaho sa farm na iyon. Im sure magugustuhan ka nila" excited na sabi ni erman.

"Naka receive pala ako ng text kay senyorito" biglang saad ni jepjep. "Sabi niya nandoon daw si Sir Lucas"

"OMG!!!" tili ni erman na ikinagulat ko "Kailangan kong mag ayos! Omg! Ang pogi sa lahat ng pogi ay nasa farm namin!!" tili niya pa.

"Grabe naman maka tili inday" saad ni jepjep .

"Excited lang 'no" kunwari nitong hinawi ang buhok.

"Anong oras tayo pupunta? Ngayon na ba or mamaya?" tanong ko sakanila.

"Ngayon na! Go na!" excited namang sagot ni erman na ikinatawa namin ni jepjep.

HINDI naman sobrang layo ng farm nila erman kaya maaga kaming nakarating rito. Pumasok kami sa isang malaking gate na white at may sulat na Carrots Farm owned by Ermano. Nang pumasok kami sa pinaka loob napa 'wow' ako sa ganda, sobrang ganda rito mahahalata mo talaga na araw-araw dinidiligan ang mga halaman at napaka ganda ng mga bulaklak.

"Wow ang ganda dito" saad ko habang nakatingin sa kabuoan.

"Kasing fresh ko ang mga halaman at bulaklak rito, ang pinagkaibahan lang namin sila nadidiligan ako hindi" saad niya. Napa ngiti na lamang ako sa sinabi niya. Nakakatawa rin 'to si erman, hermosa talaga.

"Halatang Araw araw nadidiligan ang mga halaman rito napaka ganda nila" saad ko at nilapitan ang rosas.

"Ako din napaka ganda hastag dyosa ng buhay mo" napatingin ako sakanya. Nag peace ito at ngumuso.

"Ikaw talaga erman" natatawa kong saad. Tumayo ako at pumunta sa isang pond doon, natuwa ako ng may makitang may mga koi iyon.

"Omygosh! May koi!" turo ko sa tubig.

"Cute mo teh— omg si lucas ba 'yon?!" humina ang boses nito. "Ang pogi niya omg!! Papakasalan Lord"

"Hoy baka marinig ka nyan" natatawa kong saway sakanya. Tumingin ako sa lalaking naka upo at may shades itong suot umiinom ito ng juice habang nakatingin sa mga nag tratrabaho. Mala senyorito ang datingan nito.

"teka?" tinitigan ko ang lalaki "Siya yung kasama ko sa eroplano" saad ko.

"Ay teh ngayon mo lang narealize?" saad naman ni erman.

"Di ko naman alam na tawag mo sakanya ay 'lucas' teh" sagot ko.

"Ayy nako papakilala ko siya sayo mamaya"  sagot nito. Umangal naman ako sa sinabi nitong ipapakilala.

"Nakakahiya tsaka mukhang may inis pa ako sakanya dahil sa pag bangga niya saakin" pag jo-joke ko rito.

"Ikaw talaga ang funny mo 'te, anyway tara lapitan na natin si papa lucas" excited niya akong hinaltak papunta sa lalaki.

"Hey lucas welcome!" bungad ni erman rito. Napatingin siya kay erman pero 'diko alam kung tumingin rin ito saakin dahil naka shades siya.

"Wassup bro" tumayo ito at niyakap si erman, ang gaga naman ay sobrang kilig. Lumingon ito saakin at nginitian ako, sinuklian ko naman ito ng tipid na ngiti.

"Wait i remember you" tinanggal nito ang kanyang salamin. Napatitig ako sa mga mata nito napaka ganda—i mean mga mata nitong kulay brown.

"Hoy kayo ah ayoko ng ganito baka ma heartbroken ako mga bakla, di joke lang" saad ni erman.

napatigtig ako sa lalaking nasa harap ko, napaka fresh ng kanyang mukha, napaka kinis, makapal kilay, matangos ilong, magandang pilik mata, pluss kissable lips—este magandang labi, pag kissable lips para namang pinapahatid ko na gusto kong ikiss 'tong lalaki na 'to.

"Stop staring Miss" nagulat ako at nabawi ang aking tingin. Nakatitig na pala ako sa lalaking 'to, nakakahiya ka royalty.

"Ahm...sorry may dumi kasi sa mukha mo" saad ko.

"Wal—" tinakpan ko ang bunganga ni erman at tinuro ang mukha ni lucas.

"Saan? Wala—" diniinan ko ang takip sa bibig ni erman at pinandilatan ito ng mata.

"Oh sorry may dumi pala ako sa mukha" kumuha ito ng tissue at pinunasan ang mukha. Gladly he didn't bother to look at the tissue. Tinanggal ko na ang aking kamay sa bibig ni erman at pinunasan ang aking kamay.

"Uhh.. Whatever tara na erman mag libot na tayo" niyaya ko na si erman dahil nafefeel ko na ang ka-awkwardan namin.

"Teka lang teh, luke see you later boy" malanding saad nito.

"See ya', i think your kasama is in-hurry" tumingin ito saakin at tinaasan ko lang ito ng kilay na ikinatawa nito. Bwiset ano namang nakakatawa.

"Lets go erman tingin naman tayo sa iba" saad ko. Mamaya mag kikita rin naman kami dahil mag memeryenda.

"Ano 'te? Pogi ba? Diba pogi! Omg!" saad naman nito. May itsura pero hindi ko gusto, honest lang ako.

"May itsura naman para saakin" saad ko na ikinatili ni erman. Hayy nako hermosa talaga siya.

"Ayy nako teka bago ang lahat let's go sa aming maliit na bahay kubo kung saan nag papahinga ang mga trabahador namin rito" kahit mainit binaybay parin namin ang kubo. Natagpuan namin doon ang mga trabahador na kumakain ng mga meryenda nila at umiinom sila ng buko juice.

"Hello po Mr. Erman good afternoon po" tumayo sila at binati si erman at syempre ako.

"Nako kuya lando sabi ko diba Ms. Hermosa?" saad nito. "tsaka nga pala ipapakilala ko sainyo ang nag iisang royal sa farm na ito, royalty!"

Ngumiti ako sakanila at binati ito ng 'magandang hapon' pinaupo rin nila ako at kumuha ng buko juice at binigay saakin tinapatan rin nila ako ng electricfan. Nakakahiya dahil hindi ako sanay sa ganito.

"Kuya, wag po masyadong special treatment" ngitian ko sila.

"Okay lang po Ms. Royalty wag ka mahiya saamin" ngitian nila ako ng matamis. Nakakagalak naman ang kanilang kabaitan.

"Nako kay init aleng Merna pahingi nga po ng mineral water" Humingi si erman ng tubig  sa matanda na nasa loob ng kwarto ng kubo. Hindi ko nabanggit pero may kwarto ang kubong ito.

Lumabas ang matandang nasa loob at binigay kay erman ang dalawang water bottles. Tutulungan sana ni erman kaso sabi ng matanda kaya na niya.

"Anyway aleng merna this is royalty, she will be here until matapos ng bakasyon niya rito atsaka po isa po siyang traveler as in po nag tratravel" explain ni erman sa matanda. Nginitian ko ito at tumayo para mag mano.

"Nakakatuwa naman, ang ganda mo royalty pansin ko rin na may mabuti kang kalooban at sana hindi iyon kumupas" ngumiti ito saakin.

"Good afternoon po, salamat po aling merna" saad ko. Bumalik ako ng upo.

Nag kwentuhan kami nang nag kwentuhan nadiskubre kong napaka bait nila at napaka saya kasama marami silang naikwento saakin tungkol sa mga naging experience nila sa farm na 'to. Marami din silang ikinuwento saakin about sa kanya-kanya nilang pamilya.

"Tiga saan ka ba royalty? At papaano ka napapad rito?" tanong ni aling merna.

"Sabi po sa ampunan orginal po ako na taga Tarlac. Kaso po hindi nila alam saan roon banda" sagot ko. Minsan hindi ako maka paniwala na taga tarlac ako. Simula talaga pag ka bata ang hilig ko na mag gala. Natawa ako ng kaunti saaking naisip.

"Grabe talaga ang buhay. Hindi ko ba alam bakit nag aanak ng marami ang mga tao habang nag hihirap sila, hindi ba nila alam na pati ang bata naaapektuhan sa gano'ng sitwasyon? Mas doble pa nga ata ang nararamdaman nila." sabat ni kuya lando. Bigla ko namang naalala sila jimboy at jia, nasaan na kaya sila? Ano kayang ginagawa nila ngayon. Sana pag maayos na ang lahat at nakakaluwag luwag na ako sa buhay aampunin ko sila at papaaralin, papakainin, bibigyan ng magandang edukasyon. Ang hiling ko lamang ngayon ay sana maayos ang kalagayan nila.

Mahirap maging mahirap, lahat ng problema  masasalo mo. Napaka hirap mamuhay sa mundong puno ng problema pero kakayanin  natin... hindi tayo susuko, wala tayong sinusukuan.

ObliviateMenta

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon