Chapter 15

11 2 0
                                    

ito oh update 


Royalty POV:

                LUMIPAS ANG dalawang araw ng nasa bahay lang ako at hindi lumalabas. Ngayon napag isipan namin ni Lucas na bumisita sa isang baryo at tumulong. Sabi niya kasi baka sobrang bored ko na daw sa bahay. 

Inayos ko ang aking damit at humarap kay lucas na naka abang-sa pintuan ng kwarto "Tapos na'ko. Tara na" nginitian ko siya at lumapit.

"You're blooming" saad niya habang nakangiti.

Sinamaan ko ito ng tingin dahil baka nag bibiro na naman ito "nag bibiro ka na naman 'no?"

itinaas niya angkanyang dalawang kamay na para bang sumusuko "Oyy! Hindi ah! totoo talaga blooming ka" 

"Blooming talaga ako?" tanong ko pa rito at nilapit ang aking mukha sakanya.

nakita ko naman na namula siya "Oo n-nga! tsaka w-wag mo i-ilapit yang mukha mo" nauutal naman niya na saad. Tumawa ako ng malakas. Itinulak niya ang aking mukha at sumimangot ito. ako naman  ay natatawa parin.

"HAHAHAHA! Omg! NAMUMULA KA!" saad ko at tinuro ang kaniyang mukha.

"STOP IT" Itinakip niya ang mga kamay niya sa kaniyang mukha. Ngumiti naman ako dahil kitang kita ang pag ka pula ng kaniyang mukha.

"Cute mo, dyan ka na nga" saad ko at bumaba na. naabutan ko naman si nay elsa na nag papahinga sa couch. "hello nay elsa! kumusta po kayo?"

bumaling ito sa akin at umayos ng upo "Okay naman ako royal-Teka saan ka pupunta?" tanong niya at sinuri ako.

"Sa bayan po isasama daw ako ni lucas" sagot ko at nginitan si nay elsa, nakita ko naman na pababa si lucas. "Una na ako nay!"

"sige ingat!" 

Tumakbo ako palabas at sumakay sa van. Sa pinaka likod ako pwe-pwesto para hindi ako maasar ni lucas. Nakita ko naman na papalapit siya sa van. Naka simangot ito kaya mas lalo akong natawa.

bumukas ang pintuan ng van at nag kunwari akong may kinakapa sa phone kahit na ang totoo ay naka tingin lamang ako sa Calendar. 

"you left me" tumingin ako sakanya ng seryoso, ang totoo ay natatawa talaga ako. "i thought sabay tayo lalabas at mag papaalam kay Nay elsa" 

" I did not know sorry hehehe" saad ko at nag peace L

"Gagantihan kita  HAHAHAHAHAHAHAHA!" banta niya at tumawa na parang may masamang balak.

Kinabahan ako ng kaunti. Ano kayang balak nito huhu. "Hoy! baka sobrang sama ng balak na 'yan lucas. Isusumbong kita kay Donya Lalita'

tumawa ito ng kauti at nag grin saakin "Hindi naman masama yung gaganti ko sa'yo, don't worry honey" saad niya. Sinimangutan ko ito dahil baka mamaya matindi yung ganti niya nako talaga isusumbong ko ito kay nay elsa at Donya lalita pag nagkataon.

"ipag-sure mo iyan, baka isumbong talaga kita" saad ko. Kaso tumawa lang ang mokong na parang hindi natakot sa bantang 'isusumbong ko siya'.


     NAKARATING KAMI sa sinasabing 'bayan' ni lucas. Nagulat ako sa dami ng mga bata, ang ilan pa ay matatanda. NAkita ko ang mga ngiti sakanilang mga labi. Nakikita ko na sobrang saya nila.

 "Ang saya nila 'no?" biglang tanong ni lucas. napangiti din ako dahil sa mga batang nasa labas.

"Oo, napaka genuine ng smile nila sarap pag masdan" saad ko at hindi parin tinatanggal ang mga tingin sa mga tao sa labas.

"Ready ka na ba? Ipapakilala kita sakanila" tumingin ako sakanya at nahuli ang mga tingin niya. Tumango ako at ngumiti bilang tugon. 

Binuksan niya ang pintuan ng Van at lumabas Nahihiya ako ngunit pinilit ko ang aking sarili na mag pakita sa mga batang ito sapagkat gusto ko rin sila makilala. KInuha ni Lucas ang aking kamay upang alalayan akong bumaba.

"Kuya Lulu, sino po siya? kasintahan niyo po ba?" tanong ng isang bata. Nahihiya akong ngumiti at umiling. Ngumiti naman si lucas at humarap sa bata.

"Hindi cheska, kaibigan ko siya" malambing nitong saad. Tumango ako para sumang-ayon. Bumalik ang tingin ni Lucas sa mga tao, nakita ko naman ang ngiti niya. ramdam kong genuine itong ngiti, i know he meant it.

"EVERYONE! I HAVE SOMETHING TO ANNOUNCE! sigaw nito para marinig ng mga tao.

"ano iyon kuya lulu?" tanong ng batang naka red.

"girlfriend mo kuya lulu?" tanong naman ng isa pang bata na naka yellow shirt

"wow! girlfriend mo po?" tanong pa ng isang batang naka suot ng batman tshirt.

"Hayss, Hindi ko po siya girlfriend siya ay ang aking kaibigan si Ate Royalty!" saad nito at binalingan ako. Ngumiti ako sakanya sabay humarap sa mga tao.

"Hello po! magandang umaga po sainyong lahat. Ako po si Royalty Meira San jose tawagin niyo na lamang akong Ate Royal" saad ko ang ngumiti sakanila. Sila naman ay nag palkpakan.

"Welcome ate royal!" sabay sabay nilang saad. Sa sobrang laki ng aking ngiti ay hindi ko na ito ma describe ng maayos, basta ang alam ko lamang ay nakakatuwa at nakakaantig ng puso ang mga taong ito na may magandang ngiti na naka guhit sakanilang mga mukha.

"Nandirito siya upang tulungan ako sa pag bibigay ng tulong sainyo. Inaya ko rin siyarito para makilala niyo siya" saad ni lucas.

"Ang ganda niya po kuya Lulu" saad ng isang bata at tumingin saaakin "ang ganda mo ate royal, may boyfriend ka na po?" tanong pa nito.

"Thankyou, and wala pa akong boyfriend" naka ngiti kong sagot. 

"Alam niyo ate bagay kayo ni kuya lulu hihihi" saad ng isang cute na babae.

natawa kami pareho ni lucas sa sinabi ng bata "mag kaibigan lang kami" saad ko atsaka ngumiti sakanila.

tumango-tango naman ang bata at ngumuso "Hanggang doon lang talaga?" tanong nito.

binasa ni lucas ang kaniyang labi at tumingin saakin at sabay baling sa bata. "Opo, hanggang doon lang kami freya" saad ni lucas at nginitian ang bata.

Umalis muna kami saglit ni lucas para tignan ang mga relief good na dumating. Tumulong naman ako sa pag baba ng mga ito kahit na sinabi ni lucas na sila na ang bahala. Inabot ko kay lucas ang relief goods.

"Ngiting-ngiti ka?" bigla niyang saad. 

ipinsa ko pa ang isang relief good "Syempre ang saya kaya nito gawin" saad ko at ngumiti rito.

"I'm glad na nag enjoy ka, actually im wanting to invite you here but my lola said you need to relax muna" saad niya.

tumhgin ako saglit sa mga batang tumatakbo-takbo "kung ininvite mo ako ng maaga mas masaya"

i heard him chuckled at tumuloy na sa aming gawain.


ObliviateMenta

SOLIVAGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon