Chapter Fourteen

97 24 10
                                    

CIELO'S POV

"Ash.." sabi ko habang naglalakad kami.

"Bakit?" tanong niya.

"Mahal mo ba ako?" sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito natanong sakanya, basta ang alam ko ay magkasama kami ngayon at wala ng makapipigil no'n.

"Tumingin ka sa'kin," tumingin ako sakanya pero medyo naiilang ako di ako gano'n kasanay na tumingin ng diretso sakanya.

"Huwag kang mailang sa'kin," sabay ngiti sa'kin. Lumapit yung mukha niya sakin, halos 2 inches nalang pwede na niya kong mahalikan. Nilapit pa niya, di ako makagalaw medyo komplikado lang dahil hindi ako makagalaw, nakakatunaw yung tingin niya sh*t. Ayan na, eto na-

"Hoy! Cielo!" p*ta.

"Ano bang problema mo?" SH*T ETO NA MALAPIT NA SANA!

"Laki ng galit mo ah," galit na nga ako, nakangiti parin siya.

"Alam mo bang napakaganda ng panaginip ko! Anytime pwede na kong mamatay dahil sa sobrang ganda, NAKAKAINIS KA!" Nasabi ko sakanya. Dahil sa sobrang pagkadismaya, di naman dapat ako magagalit kung hindi maganda yung panaginip ko kaso Maganda talaga as in haaaays Abby ka mapapatay kita. Pero syempre di ko kaya yun, mahal parin kita kahit galit ako sa'yo hihinay din 'to.

"Sorry na," sincere na pagkasabi niya. Niyakap ko sya at sa pagkayakap ko na 'yun bigla syang tumawa.

"Oh ano nakakatawa?" tanong ko sakanya.

"Hey I have a good news to you," pagkatapos niyang tumawa, ngumiti naman siya ng pagkalaki-laki.

"At ano naman 'yun?" tanong ko sakanya.

"Si Ash.."

"Ano?"

"Si Ash ano,"

*ring...ring...ring..*

panira ng moment.

[Ash is Calling...]

Answer / Reject

"oh? Hello?" sagot ko.

"Ahh, hello?"

"Ano kailangan mo?" di ko parin nakakalimutan yung ginawa mo sakin. Akala mo ah.

"Ano.. Gusto ko lang mag-sorry yung sa kanina, yung wrong send. Alam kong nainis ka," at pano naman niya yun nalaman? Tumingin ako kay Abby. Bigla siyang umiling na parang alam niya yung nanyayari. Lagot ka sa'kin Abby.

"Ah.. yun okay lang yun," sabay tawa. Kahit medyo nakakainis parin.

"So, labas tayo tomorrow?" ano daw?

"Pwede kaba tomorrow?" tanong niya.

"At bakit naman?" kunware di ko alam.

"Sabay tayong mag-lunch, sige na..." sabi niya. Anong lunch? Lunch na pinagsasabi nito?

"Ah! Basta susunduin kita dyan," sabay end call. Ano daw? Di parin nagsi-sink in sa utak ko yung mga pinagsasasabi niya kanina lang paasa siya ngayon, pahamak na pati kaibigan ko pinapahamak sa kalokohan niya. Pero sana naman di loko yun.

To: Ash

Hintayin kita dito tomorrow. :)

sent message.

Okay, natext ko na siya. Basta iintayin ko siya tomorrow.

ASH'S POV

Yes! Pumayag siya. Haha. Ewan ko ba kung naloloko ko, liligawan ko ba yun? Hay bahala na si Batman. Basta susunduin ko nalang siya bukas.

Ready na ulit ako magkaron ng girlfriend, this is the time. Gagawin ko ang lahat para mapasaya siya, at para di niya ko iwan.

From: Cielo

Hintayin kita tomorrow. :)

-

To: Cielo

Okay. Good night! Sweet dreams.

sent message.

At dahil gabi na. Matutulog na ko, may lakad pa ko bukas. Paghahandaan ko talaga yun!

ABBY'S POV

Well, parang magkakamabutihan na sila ah. Mabute naman at hindi siya matutulad sakin, ang tanong papayagan kaya ni Cielo yun manligaw sakanya? Oo naman syempre Crush niya kaya yun. Haha. Sure akong mabilis niyang sasagutin yun, sana tumagal sila. May tiwala naman ako kay Ash.

"hey! Ready for tomorrow!" sabi ko kay Cielo.

"Ano ba kasi meron?" tanong niya.

"Bukas mo malalaman," sabi ko sabay labas ng kwarto niya.

CIELO'S POV

Haays. Lihim pa more Abby, tignan lang natin kung hindi kita pansinin ng isang araw. Bakit kailangan ko pa bukas malaman? Pwede naman ngayon? Ano yun surprise? I love surprises pero kung nakakadismaya't di ko gusto eh wag nalang sana ituloy.

Kahit maganda pa yun, kung ayaw ko naman.. wag mo ng ituloy.

Hanggang crush muna ko, ayaw kong magkaron ng boyfriend. Dahil nangako akong magtatapos ng pagaaral at hindi muna magboboyfriend. Medyo mahirap panindigan pero may isang salita kasi ko eh at ayokong masira yun ng gano'n ganon lang. Okay lang kahit masaktan ako.


Author's Note:

ON E D I T I N G MODE.

CrushPNLNKEPPKKLove ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon